Life and Family / Status Updates

Beshy! My Problem not your Business

Kelan ba yun post ko sa blog? Di ko na maalala at medyo busy kasi ako sa mga bagay-bagay at pamilya dinaig ko pa si Wonderwoman sa dami ng ginagawa. May katanungan lang ako sino ba mas tsismosa kami bang mga babae or kayong mga lalake? Kaming mga babae madalas pagchikahan yun mga tungkol sa buhay, foods, news, ex-bff or mga secret things etc. Kayo bang mga lalake ano madalas pagtsismisan? May kilala kasi akong ibang klase sumagap ng tsismis as in obvious na obvious yun galawan (si beshy talaga wag kang pahalata). Pinaka-ayoko pa naman yun ganon kung may tanong o gusto ka malaman bakit di ako ang tanungin mo at ichichika ko ng buong buo detalyadong-detalyado. Siguro ikaw ang tipo na galak na galak pag may problema ang isang tao, ano bang mapapala mo matutulungan mo ba kami? Yan ang huling bagay na malabo kong gawin mas gugustuhin ko pang humingi ng tulong sa iba kesa magkaroon ako ng utang na loob sayo.

Alam mo bang malapit ka ng buminggo sa akin isang letter at number na lang kulang. Yun una, ginawan mo ako ng kwento para mag-away kami ng asawa ko (Next time galingan mo yun kapani-paniwala naman turuan pa kita kung paano para di ka napapahiya). Pangalawa, masyado mo kami minamaliit kung ipagmayabang mo yung nabili mong brand new na sasakyan. Paano yan, mas malaki pa ang binili namin kesa sa inyo? At yung huli, ngayon-ngayon lang fresh pa di naman ikaw kausap tapos bigla kang magtatanong kung kelan wala na ako (tsismoso alert). Tanong ko lang ano bang problema mo sa akin? Ano bang meron sa amin at ganyan ka? Alam ko na baka naman nagpapapansin ka kasi K.S.P. (kulang sa pansit) ka o kaya baka naman dahil wala ng may gustong pumansin sayo o kaya baka wala kang kaibigan kaya pati problema namin gusto mo malaman. Gusto mo ata updated ka sa amin (feeling concerned kahit di naman). Baka naman di ka masaya sa buhay mo kaya naghahanap ka ng mapagtritripan. Alam mo kasi kami kahit nagkakatampuhan o nagkakaproblema we support each other. After noon ok na kami masaya na ulit. Hindi yung magsisigawan sa isa’t isa. Sabihin mo kasi dyan sa kasama mo ganon gawin sa iyo. Mahirap yun ganyan lalong walang makikipagkaibigan sayo, isa pang di maganda sayo kakaibiganin mo tapos ba-backstab-bin mo. Aba matindi ka din ikaw na talaga nasa iyo na ang trono. Ang gusto mo kasi ikaw ang bida-bidahan pabibo gusto mo yun kausap mo bibilib at pupurihin ka.

“Binebenta ba yan (habang nakaturo sa bakanteng lupa sa lugar namin)? Bibilihin ko yan CASH. Oo, babayaran ko ng CASH”.

Pag nasasapawan yang kayabangan mo o pag nalaman mo na “mas mayaman” sya sayo, sinisiraan mo na parang ganito “mayaman pa lang yan si Pepito Manaloto, may negosyo at farm kaya pala masama ugali“. Wala ka bang magawa? Hindi ba marami kang pera bakit hindi ka na lang mag-mall o kaya ibaling mo yan sa ibang bagay o kaya manood ka ng korean drama madaming maganda para nalilibang ka hindi yun pinoproblema yun iba na hindi naman dapat.

Advertisements

4 thoughts on “Beshy! My Problem not your Business

    • korek! halos lahat ng humintong sasakyan sa tapat ng bahay niya lalabasin nya or may makita lang na tao na kahit di naman nila bisita titignan pa niya mula ulo hanggang paa.

    • Alam mo yung stereotype na pakialamerang kapitbahay, na madalas na papel nina Tiya Pusit at Don Pepot? Ganoon yung nakikita kong imahe niyan =))

    • hahaha ganon na ganon nga baka nga mas malala pa sya kila tiya pusit at don pepot maswerte ka wala kang kapitbahay na ganito. Kaya madalas ayoko lumalabas pag andyan siya mas gugustuhin ko na magstay sa loob ng bahay kesa makita sya :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s