Humor / Life and Family / Personal Musings

MRT Warrior: Random Stories

Dahil balik MRT Warrior ang peg ko ngayon, I will be sharing random things about this. Medyo masakit ang Php 180 per day na parking fee dito sa Ortigas at medyo kailangan naming magtipid tipid.

Morning POV

Change Hasn’t Come Yet

Almost a year after the new administration, wala pa ring makikitang significant change sa MRT. Bulok pa din. It could be reasoned out that the Duterte government is prioritizing on other things but that doesn’t excuse the people directly in charge of the MRT, say the DOTC leadership. Kakaunti pa din ang mga train. May mga panahon na tumitirik pa din siya. Kung hindi man tumitirik sira naman yung aircon. Parang human oven lang ang dating.

Shaw Boulevard Station on rush normal hours.

Saving Marawi si the top priority now. I guess helping the rural areas should be next. Pero galaw galaw din dapat yung mga nakaupo sa Metro na nagpapalaki ng mga itlog.

Because Reasons

Ginagamit ko ring dahilan ang MRT kapag male-late na ako. Pero hindi sa normal na kalagayan. Tumatawag or nagtetext ako na hindi ako aabot sa meeting ko minsan kapag inabutan ka ng malfunction ng MRT. Hopeless ang isang MRT Warrior kapag nasisiraan ng train. Automatic late.

Reasons

On Being a Gentleman

Last year, nag-viral yung Facebook post ng isang babae kung saan nagreklamo at nilait niya yung pagiging un-gentleman ng isang lalaki na nakasabay niya sa MRT dahil sa hindi nito in-offer ang kanyang upuan sa babae. It turned out though na ang nabash pa e yung babae sa pagiging masyadong entitled nito sa kanyang sarili. On my side naman, nagtataka lang ako bakit ako e hindi pa napo-post sa social media. Hindi rin naman ako gentleman. Lol.

Reasons Why:

1. Hindi ka naman Senior Citizen. Kapag senior, automatic give seats yun. Andun na kasi tayo sa thinking na what if parents mo na yung andun sa kalagayan na iyon, you’d really want na in turn papaupuin din sila.

2. Hindi kita Buntis. May nakakahiyang pagkakataon na nangyari sa akin sa MRT. Hindi ko rin naisip kung bakit ko ba sinabi yun. May babae kasi na tumayo sa harap ko habang nakaupo ako sa MRT. Sinabi ko sa kanya: “Ate upo ka na, buntis ka pa naman.”. Na-shock si ate: “Grabe ka kuya hindi ako buntis!”. Malaki lang pala ang abs ni ate.

3. Wala kang kasamang maliit na bata. Actually kahit pa lalaki yung may kasamang mga bata, pinapaupo ko na din. If you understand the struggle, maibibigay mo talaga yung seat mo.

4. Hindi kita Girlfriend or Asawa. This.

5. Hindi kita kilala. Really this.

On the False Sense of Security

Hindi ko alam kung nakailang post na ako tungkol sa Security Measures ng Pilipinas. Parang tuwing magpapakita ako ng bag sa isang security guard using a magic wooden stick, I feel that naglolokohan lang kami. Ako na hindi ko naman pinapakita lahat at siya na hindi naman alam kung ano ang hinahanap. Just recall the terror that happened in Resorts World given that it assume to be a secured place but then what happened. I don’t blame the guards really but the system that they are in. Ningas Cogon as they say.

I would have to commend though yung station sa Shaw Boulevard. Buti pa dun may x-ray scanner. Bakit hindi magawa iyon sa ibang station most specially sa North Edsa (I am not sure kung meron sa other end of MRT kasi hindi ako naaabot dun). Anong magagawa ng mga magic stick? Mas effective pa nga siguro kung K-9 na lang ilagay mo dun tapos isang guard just to control sa flow of people instead of up to 5 people poking their sticks to our bags na parang joke time.

X-Ray Machine at Shaw Boulevard Station

Pero real talk lang, if someone really wanted to do something horrible sa Metro Manila, MRT is a vulnerable and easy target. I am afraid to imagine how will the current security do something about it. Dun nga lang daw sa RW, yung mismong mga Security ang nagtakbuhan.

Amalayer

Hindi ito tungkol dun sa babaeng nagbeast mode sa LRT. Nakakatawa lang kasi tuwing may makakasabay ka sa MRT tapos sasabihin nila na “Malapit na ako Quezon Avenue na, isang station na lang.”. Tapos biglang magsasalita yung driver ng MRT na, “Approaching Boni Avenue station.”. LOLOL.

Advertisements

11 thoughts on “MRT Warrior: Random Stories

  1. Mabuti na ring hindi kailangang mag-tren sa opisina ko ngayon, kahit medyo prohibitive ang parking fee pag nagdadala ako ng sasakyan (pumapalo sa P110-P120). Wala na ring kwenta sumakay ng tren papuntang Ortigas or Makati, with the P2P bus system in place.

    On second thought, natatakot ako sa magiging kapalaran ng MRT7 pag nakumpleto yun. Construction pa lang, impyerno na – paano pa kaya pag dumagsa na ang tao?

    • I actually asked for a parking space sa company ko dito sa Makati. Just so happen na we have clients sa Ortigas kaya madalas din ako doon ngayon. Medyo gipit right now kaya need muna mag adjust.

      On the MRT being constructed in Commonwealth it is sure na imbes na dumali yung byahe lalong hihirap kasi mas madami na yung magsisiksikan sa original na line. Ang masakit pa dyan, dahil sa business interests ng mga malls na katabi ng MRT kaya hindi naging mas komportable sana yung paglipat on one line to another. Imagine yung MRT-LRT sa may Pasay, kailangan mo pa pumasok sa mall para makalipat!

    • I’ve experienced that back then noong sumasakay ako ng tren (especially sa Taft Avenue), yung lalakad ka pa sa overpass at aakyat sa panibagong flight ng hagdan para lang makalipat. Mahina to non-existent kasi ang urban planning dito sa atin.

    • As per the history books it was President Quezon who opposed the plan for Metro Manila. Nakalimutan ko kung sinong Engineer/Architect yun but he is the one who did the plan for Baguio and Chicago. Sayang mukha sanang Chicago ang Metro. 😀

  2. Naku sa tingin ko hindi talaga tamang dahilan ang priorities para hindi bigyang-pansin ang kashokot-shokot na kalagayan ng public transportation sa Maynila. One at a time lang ba dapat maging aktib ang mga sangay ng gobyerno? Naman.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s