Music / News and Information

Pinoy Radio

Dahil sa anti-distracted driving act na iyan, wala akong choice kung hindi makinig na lang sa kotse kapag bumabiyahe para ientertain ko ang sarili ko sa loob ng dalawa at kalahating oras papunta o paalis ng trabaho. Dati, nakakanood pa ako ng mga pelikulang nilalagay ko sa flash drive. Pwede mong sabihin na “you’re driving at risk” pero wala ka talagang magagawa sa 1 foot per second na andar ng trapiko sa kahabaan ng EDSA. Normally as I have mentioned, 2 and a half hours ang byahe e. Kapag umuwi ka naman ng late, and late as in mga 12 midnight, nakukuha ko siya ng mga 55 minutes. Dahil hindi ako makanood ng movie (one movie sana per byahe), stick to the radio ako.

Kahit pa may flash drive ako na dedicated for music, darating din sa time na magsasawa ka din sa pinapakinggan mo. Kahit pa two days worth of music yata yung laman ng 8 GB na drive ko, wala pa din. So comes listening to our local radio. Pardon me for thinking before na ‘walang kwenta makinig sa radyo kasi may youtube naman kesa magrequest pa ng music sa isang DJ’.

Meron akong limang apat na station na naka-bookmark kay Taguro. Timeslot indicates kung anong oras ako nakatune-in.

GMA Super Radyo DZBB 594kHz

(6am to 8am)

Ito actually yung pang lima na station na naka-bookmark sa akin pero mas madalas sa susunod na AM station ako nakikinig. Nakakaaliw mag-announcer si Mike Enriquez (excuse me po!) pero mas informative pakinggan sa akin itong isa.

DZRH 666kHz

(6am to 8am)

For my daily dose of morning news, I go to DZRH. Kahit pa naman noong bata ako, my elders listen to this station. Kumpleto sila from National News, Weather, Showbiz etc. May mga panahon din na nag-iinterview sila ng mga hot seat or current affairs na personalities which I found very informative. Espesyal na Balita!

91.5 Mhz Win Radio

(8am to hanggang makarating sa office)

By 8am, ililipat ko na yung radio from AM to FM. Simula na kasi ng programa ni Mister Fu na the Win Big Show with Mr. Fu. Wala na tuloy akong ibang alam kundi ang chorva, chenes, kabechina, fungisol, fungi na sabon at iba pa. Lol. Si Jonalyn naman ganun din pinakikinggan sa bahay kaya may usapan kaming ‘narinig mo ba yung nagtext na kabechina?’. News ko Fu is the entertaining version ng delivery ng balita pati na ring yung Showbiz Fu. Although most of the show is about people sending text problems (love problems mostly) to Mr. Fu who in turn gives sarcastic and serious advice at the same time. “Ang tanga mo kasi!”

Actually alternate ko pinapakinggan yung DZRH at Win Radio every time commercial yung isa.

“Dahil dyan, close na tayo!”

90.7 Mhz Love Radio

(8pm to 9pm)

By 8pm sa Love Radio yung TLC the Drama Special Interactive nina Kristine Dera at Tanya Chinita.

“Sasaksakin kita. Ilalabas ko na yung kutsilyo ko.”
“Ito na isasaksak ko na sa katawan mo.”
“Aray! Ang sakit!”
“Ayan tumutulo na ang dugo!”

Well, hindi naman talaga ganyan. Yan lang yung sabi ng ka-officemate ko nun sinabi ko na dahil wala na akong mapakinggan e nakikinig na ako ng drama sa radyo. Usually sa TLC, love problems din yung dina-dramatize. Tapos at the end of the story the DJs gives their advices or views on the situation at the same time nagbabasa din ng reactions ng mga nakikinig via text and Facebook.

97.1 Mhz Barangay LS

(9pm to hanggang makauwi sa bahay)

At 9pm, nagsisimula naman yung Wanted Sweetheart ni Papa Bol. Nakakatuwa siya pero madalas nakakainis hahaha. Minsan kasi maarte yung babae o kaya naman sobrang torpe ng lalake. Minsan nga pinag-uusapan namin ni Jonalyn na mag-prank ako dito sa programa para ipakita ang tamang diskarte sa babae. JOKE! Mostly mga kasambahay yung tumatawag na babae dito at sa lalaki naman ay mga SG o Security Guards. Madalas din pino-post ni Papa Bol (pronounced as Papa Bul by most callers) ang mga pictures ng mga callers niya na hinuhusgahan naman ng mga mapang-husgang mga netizens. Lol. Papa Bol does a good job in handling his callers at deserving naman din sya na pumalit kay Papa Dan.

Hindi ko na alam kung paano tatapusin ito (…kaya ito’y bigla na lang mawawala). Alis na ako. Makikinig ng radyo.

Advertisements

4 thoughts on “Pinoy Radio

  1. Try n’yo rin po ‘yung The Morning Rush! RX 93.1. Pwede kayo mag-download ng podcasts online nun. Everyday meron silang Top 10 list tapos sobrang nakakatawa ‘yung mga DJ and topics nila. 🙂

    • Meron din actually na station, though nakalimutan ko exactly kung ano, na nagplay ng mga songs for my generation. Kaso lang, I find the songs already in my USB kaya parang same lang.

      Will check your suggestions later.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s