Activities and Hobbies / Travel and Events

Peenoise Gaming

Para dun sa mga hindi talaga gamers o kaya naman mga gamers daw gamit ang kanilang mobile phones, kung hindi po ninyo alam ay may mga kaganapang nagaganap tuwing ala una (well, alas dos) ng madaling araw ngayon linggong ito. Ito lang naman ay yung The Internationals ng larong DotA 2. Ang The Internationals o TI in short ay nasa ika pito na nitong paligsahan na ginaganap kada taon. TI7 na siya kung nahahagip ninyo sa inyong mga Facebook timelines. Kung hindi ako nagkakamali, nabreak na naman ulit ng TI7 ang record ng TI6 na dati ring may record na pinakamalaking pa premyo sa isang Electronic Sports o e-Sports competition. US$ 24 million lang naman ang total na pa-premyo dito.

Siyempre tutok ang mga Pinoy Dota 2 players na mas kilala bilang mga peenoise na binansagan ng ating mga karatig na mga bansa na naglalaro din ng DotA at kumalat na sa buong mundo. Dala rin kasi ito ng notorious nating imahe sa mundo bilang mga maiingay, palamura at mga kanser sa larong DotA. Mahirap i-explain pero kung nagagawi ka sa mga computer shop dyan sa inyo na may pa-DotA or pa-LoL (League of Legends) e alam mo na ang ibig kong sabihin. Tapos yung mga same attitudes ng mga players na tinutukoy ko na parang mga batang hamog ay madadala sa international scene e di ayun, instant notorious ang Pilipinas. Ayaw na nga tayong makalaro ng ibang bansa at nagpepetition sila na gawan tayo ng sariling server kung saan dun tayo tayo mag-trashtalk-an. Kaya nung naglalaro ako ng DotA 2 noon, tahimik lang ako. Kung magcha-chat man ako e English. Kapag nakita nila na maayos naman ako, saka ko sasabihing Pinoy din ako sa huli. Wala tayong magawa na ma-generalize kasi feeling ko mga nasa 80% ng mga Pinoy DotA players ay parang mga batang hamog.

Ngayon, balik tayo sa TI7. Nanonood ang mga peenoise para suportahan yung mga team natin na kasali sa kompetisyon. Yan ay yung TNC Pro Team (4 Pinoys, 1 Canadian), Execration (5 Pinoys), Fnatic (SEA Team with 1 Pinoy) at DC (NA Team with 1 Pinoy). Nauna ng nalaglag sa group stages ang Fnatic at nito sa lower bracket naman ang Execration. May upcoming games naman ang TNC at DC sa lower bracket na medyo matindi din ang mga laban.

Kagabi lang, well kanina pala, tinalo ng LGD Forever Young (or LFY, Chinese Team) ang TNC Pro Team para malaglag ito mula sa upper bracket papunta sa lower bracket. Naka dalawang panalo ang Chinese team sa best-of-three nilang matchup sa Pinoy team. Dahil dyan (Mr. Fu voice), nag-ingay na ang mga peenoise fans.

Warriors

Keyboard Warrior

Marami pa akong pwedeng i-screen sa Facebook na mga comments pero hindi na lang. Basta alam niyo na. Ito yung mga nadala ng puyat tapos makakawitness ng pagkatalo ng TNC. Honestly, kahit naman ako na sadlyf nung napanood ko yung game 1 versus LFY. Panalo na nung una pero in the end, natalo pa din. Sayang pero ganun talaga e. Tinulugan na namin yung game 2 hoping na paggising namin ay 2-1 ang score in favor of TNC pero hindi nangyari.

Analysts

Ito naman yung mga klase ng peenoise na laging may masasabi manalo man o matalo ang isang team. Although hindi lang naman sa mga e-Sports ito pati na rin sa kung ano pa mang palakasan yan, mapa-basketball man o kaya boksing. In my opinion, meron din naman na mga points yung mga nagmamala-analysts dito. I am pretty sure na ganun din naman ang ginagawa ng mga team at the end of each rounds. Kailangan nila i-analyze kung saan sila nagkamali para sa susunod na mga laro e hindi nila maulit yung parehas na pagkakamali. Nothing against dun sa may mga insightful na analysis except dun sa kapintasan lang ang nakikita at hindi nag-iisip.

Nakikipag-pustahan din kami dati sa DotA at kahit gaano niyo pa pinagpraktisan yung laro ninyo, minsan talaga nawawala ka sa laro dahil sa pressure. Isipin mo pa kung daang libo ang nanonood sa inyo sa buong mundo at meron pang daan daan na nanonood ng personal. Kakabahan ka talaga dun.

Defensive

Yung mga nagrereply naman sa mga bobong analyst ay yung mga defensive naman. Automatic, angry na emoticon sa Facebook. From the point above regarding sa maayos na analysis, hindi naman dapat palaging defensive yung response na ‘edi ikaw maglaro’ at ‘analysis from a 2k MMR’. Parang lumalabas na smart shaming. Yes, alam ko kapag talo, talo talaga. Pero may saying din naman na learn from your mistakes. Doon naman kasi tayo naggo-grow.

By the way, sa mga hindi nakakasunod sa DotA scene, TNC Pro Team secured Php 17 million by just qualifying in the upper bracket. Lalaki pa yan kapag naka-move on sila sa mga susunod na steps.

Support

And finally, dito napapasama ang karamihan sa mga peenoise (kasama na ako at si Jonalyn) na never say die ang peg. Na matalo man o manalo e todo supporta sa flag carrier ng Pilipinas sa mundo ng DotA. Bukod kasi din sa pera na makukuha ng TNC Pro Team (na sana pati din yung Execration at iba pang teams na may Pinoy) ay makukuha din ng Pilipinas ang respeto na may mga talents na galing sa maliit na bansang ito sa larangan ng DotA.

Sana, ma-double kill nila yung susunod nilang makakatapat na OG (European Team) na nilaglag nila sa TI6 na competition. For sure, malaki ang galit ng team na ito sa kanila at malamang makakakita tayo ng ilang laban na puno ng paghihiganti. Mamaya na yan ng 1:00 am 2:00 am 2:30 am ng madaling araw.

Advertisements

5 thoughts on “Peenoise Gaming

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s