Life and Family / Personal Musings / Status Updates

Job Fair

Dumaan ako isang beses sa TriNoma at nakita ko malayo pa lang yung mahabang linya ng mga tao. Akala ko nun may sale na naman ng sapatos dun sa center stage sa loob ng naturang mall. Iba pala. May Job Fair pala.

The applicants came in all shapes and sizes. May mga halatang fresh graduates, may mga naka-neck tie, may mga medyo may edad, may mga nakadamit na parang gagamitin ang alindog para pumasa, may mga kabado habang nakapila, may mga parang nanghiram lang ng polong gagamitin para sa interview, at marami pang iba. Iba’t ibang klase ng mga nilalang na naghahangad na sana pagkatapos ng pagkakataong iyon ay masasabi na nilang may trabaho na ako.

Napangiti ako at natuwa sa loob-loob ko. Hindi dahil sa pinagtatawanan ko yung mga itsura nila. Natutuwa ako kasi I was that person 10 years ago. Although hindi naman ako nag-attend ng job fairs that time. Through JobStreet kasi ang mga applications ko dati. Parang nagflashback sa akin yung nakaraan sa mga pagkatao nila.

*in sequential order that I hoped I remembered correctly*

Company TT (Call Center Company in Novaliches). Fresh from college, feeling ko naman maayos na akong mag-English noon. Alam kong hindi magaling pero pwede na. May nakakwentuhan ako nun na applicant din tapos kwento niya, kapag sa bahay daw nila, Englis daw ang mode of communication. Hindi nakarating sa akin ng mayabang yung pagkakakwento ni kuya. Ayos lang naman. Tapos dun sa interview, binigyan lang kami ng headset at mic kausap ang computer with her automated voice. Tinanong nito kung ano daw yung dream destination ko at sinabi kong gusto kong pumunta sa Japan at nag-explain. Hindi ako natanggap.

Company AG (Call Center Company in Taguig). Di ko alam kung buhay pa yung company na ito. Astig yung second part ng interview kasi lahat kayong mga applicant ay ipapasok sa room tapos dun kayo bibigyan ng topic at magdidiscuss kayo in English. Sabi sa akin pagkatapos, ipapasok daw ako sa isang academy nila para i-train pa yung English ko. Hindi na nila ako tinawagan ulit.

Company XX (IT Agency in Ortigas). Kaya XX kasi di ko na maalala yung pangalan nung agency hahaha. Akala niyo tuloy codes lang yung mga sinulat ko, acronyms pala. Lol. Anyway, hindi ko rin maalala kung anong nangyari dito pero hindi ko ata tinggap yung offer or what. Technician daw kasi yung assignment ko.

Company AC (International IT Company). Pasado na ako dito. Ginawa kong peanut yung exam. Nabigay ko na din lahat ng requirement ko. Naghubad na ako sa harap ng magandang doktora at yung kasama niyang maganda ring nurse para sa medical exam. Nagulat kasi ako nung sinabi niyang hubadin ko daw lahat pati brief ko. Tapos ayun, ang tagal kong hinintay yung pag-open ng mismong job position sa akin noon. Recession kasi sa U.S. nun kaya tanggalan din sila dito sa Pinas.

Company SL (Software Company in Makati). Pasado na din sa lahat. Last interview ay group interview (tatlo ata kami nun) sa harap ng may-ari ng kumpanya. Sabi sa amin, may bond daw na 1 million pesos kapag hindi namin nakumpleto yung contract. Siyempre, I had so many questions that time. Paano kung nagkasakit ako? Paano kung may problem sa customer? Etc etc. Nag-backout ako siyempre. Years later, may nakasalubong ako na classmate ko na nakakwentuhan ko na dun nagwo-work. Bluff lang daw yung 1 million para maensure na buo ang loob ng aplikante.

Company MN (another Software Company in Makati). Six months after nung hindi pa din ako binabalikan ni Company AC, e nag-apply na din ako sa iba, katulad nitong nasa taas. I was rooting for AC kasi nga international company tapos may mga relatives din ako na nagwo-work na din dun. Imagine the 14th month pay lol. I was able to get in, in this company MN as a Programmer Trainee. 10 years after and presently, I am now a manager on this company.

As I passed by this long queue of job applicants, I prayed for them good luck on their individual journeys.

Advertisements

22 thoughts on “Job Fair

  1. Malupit talaga yung Company MN mo. At least nag grow ka sa role mo dun. Naisip ko lang eh, na-enjoy mo ba naman yung 10 years of stay mo? I mean, did your career muscles grew?

    • what’s important i guess for now is I am happy with what I do and I think I am getting what I should get in terms for compensation.

      umalis na yung ibang friends at mabibilang na lang sa darili yung mga nakasabay ko dito. well, nasa sa atin naman yung kung ano gusto nating future.

      regrets? none at all. πŸ˜€

    • Yes, gets po. My dad has been working on the same company for 15 or 16 years na ata. As long as happy talaga and “inaalagaan” ka rin ng company, ‘no? πŸ™‚

  2. Wahahaha! Natawa ako ng bongga dun sa ‘naghubad sa magandang doktora at nurse’ πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Muntik ko ng mabuga ang iniinom kong tubig. Napaisip tuloy ako bigla bakit babae ang nagmedical sayo. πŸ˜† I’m a nurse kasi kaya medyo nakarelate, sa nurse. Good luck mo rin ako. 😊 Applicant rin ang peg ko ngayon eh. πŸ˜„

  3. Suki ako dati ng job fair, pero isang kumpanya lang ang tumanggap sa akin dyan. Call center na isang linggo lang ako tumagal kasi tumawag yung pinaglilingkuran ko ngayon. That was 8 years ago. πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s