Activities and Hobbies / Pictures / Travel and Events

Mali Ba Ang Magmahal?

P2P

Dahil sa kamahalan ng parking fee dito sa Ortigas, mas pinili ko na lang na mag-MRT na lang para makatipid. Mas pisikal pero mas mabilis kung tutuusin. Kapag inaantok ako, may isa pa akong option na mag-P2P o yung Point to Point Bus. Medyo bumalik naman na yung pagiging premium niya unlike dyan sa linked post. To my surprise recently though, naging mas premium na rin pala yung pamasahe sa P2P.

Trinoma to Glorietta 5 Ticket

Mas nauna kong nasakyan yung P2P pa Makati. Wala kasing choice kapag Miyerkules at coding ako. Yung dating 55 pesos na pamasahe naging 75 pesos. Hindi ko lang alam kelan nagsimula magtaas pero ang mahalaga, natuto na silang magmahal. Ang problema ko lang pagbaba ng Glorietta 5, lalakarin ko papuntang opisina namin sa Valero kasi walang public transport na available. Kaya tuloy ako nakita na Mamang Inhinyero na blogger din habang naglalakad. Kaso hindi naman nya ako binati kaya di ko siya nakilala. Nag-alangan daw kasi siya kung ako nga iyon. Nagsend lang siya ng email via the contact kaya ko nalaman. Deactivated daw yung blog nya ngayon kaya ayun lang.

SM North to SM Megamall Ticket

Dito naman, yung dating 40 pesos na pamasahe naging 60 pesos na. Kaya nga kumukuha ako ng libre nilang Manila Bulletin na broadsheet para makabawi ng konti. Kapag antok na antok ako dinadaan ko na lang sa P2P kahit medyo masama sa loob ko yung pagmamahal nila. The price to pay ika nga para makanakaw ako ng isa hanggang dalawang oras na tulog depende sa ruta.

Tubig

Nagre-range ang presyo ng tubig sa mga mall, well particularly sa TriNoma, ng 25 pesos to 35 pesos. Mineral pa lang yan. Yung mga may flavor like juices nasa 50 pesos up to 70 pesos. No need to mention milk teas, frappes and coffees. Kaya ang ginagawa namin, nagdadala kami ng water bottle. E minsang hindi kami nakapagdala. Papasok kami sa TriNoma mula sa North Parking tapos merong vending machine dun na may Wilkin’s na 20 pesos daw ayun sa tag nila. Nilusot namin yung bente na papel at pinindot yung dapat pindutin. Ayun, hindi lumabas yung mineral water. Joke time.

Trinoma Vending Machine

Moments later napadaan kami sa part na iyon ng mall, may out of order sign na yung vending machine. Wala na yung bente namin.

Lovers

Dalawa yung pila papasok ng tren nun sa MRT North Station. Panalo talaga minsan ang ibang tao. Nakita na nga na may pila, gagawa pa ng sarili nila. Wala na akong masabi.

Si kuyang nakaitim na tshirt at ang kanyang asawa/girlfriend/kabechine na nakaputi.

MuxOP

Photo dump lang. Lol. MuXOP 1st Anniversary happened late last month at Laus Group Center in Pampanga.

Parking Lot

MuXOP Year 1

IG

Ako na din yung non-IG husband. Kung hindi ninyo napapansin, pero sasabihin ko na din para mapansin ninyo, may widget na ako ng Instagram sa gilid. IG namin ni Jonalyn yan. Email ko ginamit pang-register pero siya lang nagme-maintain. Lol. Actually yung Facebook profile ko nun siya rin ang gumawa. Attached at hindi maka-move on pa kasi ako sa Friendster nun.

Advertisements

31 thoughts on “Mali Ba Ang Magmahal?

  1. >>Dito naman, yung dating 40 pesos na pamasahe naging 60 pesos na.

    Ikasa mo repapips! Kahit ako nagulat din at nagpatong sila ng +P20 sa pasahe. Sana naman din, may dagdag na amenities ang dagdag-bente. O baka dinaan tayo sa law of demand: mataas ang demand kaya may willing magbayad ng mahal…

  2. hahahaha

    salamat sa pagbanggit sa akin dito brad. masarap pala ang pakiramdam ng out of the circulation dito sa blogosphere (para naman akong kilalang blogger!). kaya eto pa-troll troll nalang ako lalo na sa mga astig na chic bloggers na sinusundan ko palagi.

    anlayo sa topic mo yung sinabi ko haha sensya na. pero yung istar baks dito sa may Valero corner rufino di pa naman nagmahal (ata?) kape tayo minsan libre ko ๐Ÿ˜‰

    • member ka ba ng networking? hahaha. hindi ako openminded! ๐Ÿ˜€

      at sinong chic ba yan? may fb group kami kita mo dun yung profiles nila. lagot ako nambugaw daw.

    • hindi pre, di ako nagbebenta ng insurance at lalong-lalo na mga sabon at mga food supplements. at di rin ako preacher kaya di kita ia-anib sa kung ano mang religious denomination

      inaaya na nga rin ako ni Aysabaw maki-join doon e, wala daw mangha-harass hahaha pero di ako active sa fb kaya ayun

  3. Tagal ko nang di nagawi ng manila…tindi naman kasi talaga ng byahe dian..dati fairview ako nauwi work ko greenhills…ilang oras ang binubuno ko….and now ….look..antass na ng pamasahe

  4. Nagenjoy ako lalo na sa parteng “Kaya nga kumukuha ako ng libre nilang Manila Bulletin na broadsheet para makabawi ng konti.”

    ang di ko lang na-enjoy eh yung part na wala ako sa cheezy people? cheesy din naman ako ah! de biro lang ahahah

  5. badtrip yung sa MRT!!!

    Isang beses may sinita ako na ganyan. aba ang sagot sakin, “ngayon ka lang ba nakasakay ditto at di mo alam na pwede pumila dito sa gitna?” Pilit kong tinuturo yung signage na “dalawang pila lang po…” pero nagmamatigas pa rin sya.

    tinawag ko yung guard kaso pinagtanggol pa sya ng guard. ayus lang daw iyon at wala naman daw palabas na pasahero na galing sa tren. edi ako pa ang napahiya.

    oo, considering na first station ang North Station, pero mali pa rin yung ipilit na tama yung ginagawa kahit obviously mali naman. ano na silbi ng signage nila diba?

    sabi ko sa guard, “alisin nyo na yan total di nyo naman sinusunod.”

    nag-make face pa sakin yung lalaki na parang bata naglabas pa ng dila. belat daw.

    BADTRIP.
    HAHA

    • WTF! kaya mga kumag mga pinoy eh. tsk tsk. wala ng pag-asa ang mahal kong bayan na Pilipinas. tao rin mismo ang may kagagawan. hayy. mapapabuntong hininga ka na lang.

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.