Activities and Hobbies / Status Updates

Mga Batang Gala (TFIOB Meet)

Last Saturday, me and my wife had the chance to meet some fellow WordPress Bloggers. Ako naman basta hindi tinatamad pwede ako pumunta ako sa mga meetup events regardless kung anong grupo. This blogging group is the The Fault in our Blogs which is mostly mga Filipino bloggers around the world na walang magawa sa buhay who wanted to connect with each other.

Dapat nga a few months ago pa yung meetup na ito with our super mega founder na si Alyssa aka Aysa na nagbalikbayan from Middle East. Eh ang kaso, umiiwas siya sa panlilibre saglitan lang yung uwi niya at wala siyang time lumuwas from Pampanga. Sabi nga namin kami na pupunta pero wala talagang panlibre time.

Going back, may lakad din naman kami nun sa may Isuzu Pasig (para sa PMS ng sasakyan) kaya go sa meetup sa Megamall. The meetup is supposedly for Jeff’s birthday na nung November pa pero December na nagtake place. Dahil hindi na daw nya birthmonth kaya hindi na niya libre yung pakape at padonut. Pero nung huli, nilibre nya pa din kami. Siya na yung may pang-Thailand tapos kunyari hindi kami kaya ilibre. Initially yung plan is to meetup at Starbucks sa Megamall Atrium. Ang problema, walang nakakaalam din kung nasaan yun. Ang kinabagsakan, sa J.Co na lang na naligaw pa rin yung iilan. Nagtanong kami sa guard kung nasaan yung J.Co sa Mega tapos nung pinuntahan namin kung saan kami itinuro, Dunkin Donut yung nasa harap namin. Nauna kami sa J.Co kasi na-late kami sa Isuzu (8:00 am appointment pero mga 10:00 am na kami nakadating) kaya need pa tuloy naming balikan sa hapon yung sasakyan. Almost an hour later, sunod-sunod nang nagdatingan yung iba naming ka-meet.

By the way, as discussed with the other participants magpopost din sila ng kani-kanilang mga view regarding sa meet. So pwede ko na ring sabihin na nasabi na nila yung mga sasabihin ko kaya hindi ko na uulitin. Lol. Anyway here it is in order of appearance sa venue.


Jeff, 33, BPO
Shades of Wanderer

Ang may birthday. Naligaw din nung nagtanong sa guard pero sa Krispy Kreme naman siya itinuro. Medyo hagardo siya nung dumating sa pagkakaligaw din sa
Megamall pero ok lang kasi second din naman siyang dumating sa J.Co. Hindi ko maalala pero usapan ay 2:00 pm pero mukhang hindi naman siya late. Dahil nasa tapat kami ng pinto pumwesto ni Jonalyn, bawat papasok tuloy ay tinitignan namin lalo’t hindi ko alam itsura ni Jeff. Lahat ba naman kasi ng public picture niya ay may shades. Kaya nga siguro yun yung name ng blog niya. As a first impression I think he is a very nice guy lalo na nung nanlibre siya ng frappe at donut.

Next time na lang daw niya papakita yung powerpoint presentation ng mga produkto ng networking business niya.


Jas, 30, Human Resource
Welcome to Jassie’s world! πŸ™‚

Nakakahiya man sabihin pero hindi ko pa nakakainteract si Jas as closely even sa WordPress or Facebook until nga yung post regarding the meetup plan. Kahit na ganun, feeling close pa rin ang peg. Ganun naman talaga ang expected. Hindi ka naman magpapakahirap or magbibigay ng oras sa isang meetup even na hindi ‘meetup’ yung gagawin mo. Later in the discussion na lang nabanggit na isa pala siyang HR practitioner kaya pala ganun siya uminterview sa amin. Lol. She’s a very jolly person na nag-escalate nung dumating yung pinaka-latecomer. Based on what I got in my counter-interview, very adventurous si ate at go lang ng go sa travel and activities. Although she is a happy person hindi ko maalis sa gut-feel ko na may sadness hidden inside her. Na-naconfirm ko sa pagbabasa ko ng old posts niya.

Siya yung technical recruiter ng networking business ni upline Jeff.


Rhea, 33, Financial
Exhibit A

Ang totoo mas maganda sa personal si Rhea versus sa mga pictures niya sa blog nya. Kung hindi nya napansin, ito yung binulong ko kay Jonalyn nung dumating siya. Eto naman yung pambawi, akala ko ka age ko siya or mas matanda sa akin. Peace! Hindi yan base sa itsura nya sa blog niya more of binase ko sa life experience niya na mababasa mo sa personal space niya. Out of the bunch, siya yung pinakamahiyain at ang akala niya hindi iyon yung first time na nagmeet kami. This pretty much explain siguro how she is na medyo may pag-hold back na nagaganap sa personality niya at medyo may hesitation yun pag-open niya sa ibang tao because of her experiences.

Siya naman yung i-rerecruit sa Networking. Sayang lang at hindi muna inilabas ni Jeff yung presentation.


Jonathan, 26, BPO
Rakudan

Katulad ni Jeff at Jas, mayaman matravel din na tao si Jonathan. At siyempre, napag-usapan din yung tungkol sa lovelife at kung bakit siya nagpunta sa meet na iyon. Gusto daw niya kasing makita ang lodi niya na hindi ko pwedeng sabihin kung sino na chinika ni Jas. Baka kasi may magalit at lagot tayo ng petmalu. Madali daw siyang magsawa kaya kapag lumampas ng three months siya sa panliligaw ay ayaw na niyang ituloy. Adventuruous din si kuya at ikinuwento ang pagka-action star niya nung tumambling daw siya sa isang motor sa kanyang recent travel gamit ang mga sugat sa kanyang mga kamao.

Siya yung patunay na may power ang business ni Jeff.


Aila, 26, Copywriter
Life of an Introvert

Sabi niya huwag daw siya i-judge pagdating nya. Pero dumating din syang fresh kahit na hagardo sa byahe niyang 30 minutes mula St. Francis Square pa Megamall. Baka rumetats pa si ate bago magpakita sa amin kaya parang ten miles yung St. Francis. Hindi naman beauty contest ang pupuntahan niya. As I was saying kanina, pagdating ni Aila, nagkarambulan na sila ni Jas. Parang matagal nang magkakilala kaya tuloy nagtanong ulit si Rhea kung talaga bang first time lang namin nagkita kita. Siya na yung last na dumating, siya pa din yung naunang umalis. May pupuntahan daw siya sa Nasugbu the following day kaya kailangan niya daw mauna. Nagkaroon tuloy ng kwento tungkol sa Nasugbu na hindi ko yata pwedeng ikuwento. Pang TFIOB lang yung kwento na iyon.

Marerecruit na dapat siya kaso umalis ng maaga.

WERPA!

Nagulat yung mga tao sa J.Co sa pakulo ni Jeff na sumigaw ng Power! habang bini-videohan niya kami ng kanyang GoPro Hero 5. Napatingin tuloy sila sa amin at pati siguro sila ay naniwala na may networking na nagaganap sa bandang iyon ng cafe. Muntikan na rin maniwala si Rhea na may networking na nagaganap. Pero wala naman talaga. Later at night, nagkakaplanuhan na kung kelan gagawin yung next meet. Being adventurous he is, suggestion ni Jonathan na umakyat ng bundok. I suggested huwag muna baka kasi yung first meetup ng iba e paakyatin mo agad ng bundok. Kaya napag-agreehan na may second meet muna this December. As per the super latest na update na mainit init pa, baka sa December 20 kasi may uuwi daw na surprise guest na manlilibre daw sa meet.

In all seriousness, madalas kasi para matuloy yung ganitong event kailangan lang may mag-initiate ng sponsorship. I know hindi naman din na may pang KKB yung mga attendees, ibang usapan na lang kung sila yung taya. May mga pang-travel tapos walang pang kape? Hahaha. KTHNXBYE.

Insert Inspirational or Love quotes here.

PS: After finishing this post, naalala ko tuloy yung mga dating bloggers na hindi na nagba-blog ngayon for their own personal reasons. Although friends ko pa rin naman sila sa Facebook. Same as this meetup, hindi ko pa rin sila nami-meet in person pero feeling close pa din ang peg. Shoutout sa kanila. Ayoko magbanggit ng names kasi baka may makalimutan ako pero kilala nila kung sino sila. Mabuhay Bloggers at pati na rin ex-Bloggers.

Advertisements

78 thoughts on “Mga Batang Gala (TFIOB Meet)

  1. Hahah.. Natutuwa ako dun sa mga words na na-crossed out eh. Pahaging na safe.. 😁

    Agree ako sa lahat ng descriptions mo sa amin. Kuhang-kuha. Heheh..

    And yeah, I have to agree mas bata tingnan si Rhea kapag sa personal. Or mas mukhang matured lang talaga sya kapag sa picture? Heheh.. I know baka bigyan na naman ng meaning tong comment ko. But the fact na I’m open to say this, means walang bahid toh ng malisya. Heheh.. And yes again, mas maganda nga sya sa personal. Naks! Pakape ka naman dyan Rhea! πŸ˜‚

  2. Pingback: Life Lately #4: Officially back from the dead, y’all! – be quiet kate

  3. Nice entry kuya Keso! Pang pamas ang article na ito. Galing! Hindi ko na anticipate na magiging ganito ang version ng entry mo, spice ! Bigla tuloy ako napaisip kung ano parte ko sa netwprking kung nakapunta ako. Hahaha.

  4. Pingback: Meeting My Fellow Bloggers – Peter Pan and the Lost Boys

  5. Excellent blog right here! Additionally your web site so much up very fast! What web host are you using? Can I am getting your affiliate hyperlink on your host? I wish my web site loaded up as quickly as yours lol

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.