Food / Pictures / Travel and Events

Asiatique The Riverfront

Nung last day namin sa Bangkok, tinanong namin yung mga kasamahan namin sa training, sa pamamagitan ng Google Translate at sign language, kung saan maganda pumunta para mag-shop. Ang una nilang iminungkahi (googled suggest in Tagalog), ay yung Victory Monument. Nag-google ako kung ano yung Victory Monument at nakita ko na para lang din siyang sa Monumento sa may Caloocan. Again, katulad ng sabi ko sa nauna kong post, para siguro siyang sa Monumento pero yung version na walang basura sa lansangan.

Isa pa nilang sinabi ay yung sa Asiatique Riverfront. At dahil maayos naman yung mga Google reviews nung place na yun at ibang travel blog posts na nakita ko kaya dun kami nagpunta.Hindi ganoon kalaki yung place na ito for shopping pero pwede na. Medyo na feel ko na mas mataas yung presyo dito kesa kung dun kami nagpunta sa mga malalakihang night markets sa Thailand kaso wala naman na kaming choice at oras.

Here we go!

Ito yung bubungad sa iyo pagpasok mo sa Asiatique.

Ito yung sculpture na kalapit ng mga open restaurants kung saan may kainan at inuman.

Facade facing the river.

The family owls.
Dapat bibili ako nito kaso naisip ko, (1) madudumihan lang (2) hindi ko pa sure kung anong yung kalalabasan nung 5th member of the family

Carousel

Nagpicture ako nito dahil sa isang simpleng bagay: hindi ako kumakain ng okra. Lol. Sabi ni Jonalyn dapat daw bumili ako.

If there are items na commonly makikita across the market, isa ito dun: sabon. May 50 baht, may 45 baht if you buy 5 pcs, etc. Nakabili kami 40 baht each, may bawas pa sa final price. Sa Thailand, ayos lang ang makipagtawaran.

Durian! Malayo pa lang amoy na amoy na.

Isa pang common dito e yung mga massage shops. Pero yung marurunong magmasahe ha. Along with that is yung mga fish spas na katulad nito.

Mandatory Picture

Sabon pa more.

Saan kaya isinasabon ito?

Mekhong Ferris Wheel. 400 Baht (600 Php) ang entrance kaya picture na lang.

Riverfront literally

Grilling

Sculpture on the port side of the river.

Ang dumi sa ilog nila. Mabibilang mo lang yung totoong dumi. Yung madami e yung natural na dumi like water plants o mga dahon.

Free ang ride kaya sumakay kami ni Keano. Round trip lang para sa experience.

Asiatique from the boat’s view.

Exotic Food. Scorpion, cricket, worms, etc. If you’d ask, hindi po ako tumikim.

Isa pang madami dun: mga damit.

Isa pa ulit na makikita sa lahat ng sulok dun: customized passport, 100 Baht with free one logo.

Yung tarpaulin ang pinipicture-an ko, tapos biglang humarap si manong guard. Ayun!

Ayan. Dinaan ko sa pictures. Hindi ako tamad mag-post. Busy lang.

PS: May live Muay Thai pala din na stadium sa Asiatique. Hindi kami nanood kasi bukod sa hindi naman trip, wala rin kaming pang-entrance.

Advertisements

10 thoughts on “Asiatique The Riverfront

  1. Nice! Hindi ko yan napuntahan. Ang dami kasing rally nung andun ako. Sarado karamihan ng mall. Will take note of this para sa next Bangkok trip.

    Ang daming sabon! Gusto ko yung personalized passport. Ang cute ni Kuya Guard. Hahaha. Ang ganda ng shot nung “Asiatique from the boat’s view.”

    • siguro kung talagang shopping trip, dun na sa mas sikat na night markets. nagkataon lang na ito yung isa sa malapit sa amin kaya dito kami napunta. ang advantage lang dito, madami ding kainan. at ibang activity bukod sa shopping.

    • Sabagay…

      Pero iba din kasi mag-sale ang malls diyan. Naalala ko yung H&M dati sobrang discounted compared ng mga sale dito sa Pinas. Ang nice nung free ang pagsakay sa boat.

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.