Kagabi pinanood namin ni Jonalyn yung Fifty Shades Freed. Imberyna yung lola niyo kasi sabi ko 7:30pm makararating na ako sa Trinoma kasi nga 7:45pm ang start ng pelikula. Hindi ko alam kung naapektuhan ng Blood Moon din yung kagabi. Kasi nga byahe ko mula Makati or BGC ng dalawang oras pauwi ng bahay pero kagabi dalawang oras na wala pa ako ng Trinoma (30 minutes more pauwi sa bahay).
Sa ganitong pagkakataon, at dahil na rin sa mahigit 13 years na pagsasama, alam kong lagot na ako kay Jonalyn. 7:30pm na yata nun, nata-trapik pa ako sa underpass ng Cubao ilalim. Parang sinadya ng mga pagkakataon na ma-late ako nun. Makalampas ng NePa-Q Mart, ayun mabilis na. Nagmala-Fast and the Furious na ako. Pagdating naman ng Eton Centris, ayun trapik ulit.
Ilang sandali pa nakarating na ako sa Trinoma. Nag-Tokyo Drift ako sa parking ng Trinoma paakyat sa rooftop floor para direcho na sa sinehan. Akala tuloy nung Hyundai Tucson (Tak-Son) sa harap ko e sinusundan ko siya. Tumakbo na ako papasok ng mall pero nag-CR muna kasi kanina pa ako naiihi. Pumunta ako agad sa Cinema 7 matapos mag-Jingle Bells.
Nahirapan pa akong hanapin yung seats namin na nasa ticket na iniwan ni Jonalyn sa guard ng entrance ng Cinema 7. Sabi ko kasi iwan na niya para makapasok na siya susunod na lang ako. Medyo na-miss ko ng konti daw yung 25 minutes ng pelikula. At ito na nga. Ito na yung nakaka-lalakeng review ng pelikula. Baka may spoiler kaya beware of the dogs.
PS: Haven’t seen the second movie. Later ko na lang papanoorin.
1. Yung mga naunang movies pa lang, hindi na ganun ka-appeal generally sa mga guys ang movie na ito. Kasi nga parang Xerex lang daw ito. Totoo naman. May pagka-YouJizz o PornHub na walang pinapakitang genitals pero ganun na din yun. Puro pasas at wetpaks ang pelikulang ito.
2. Given my postscript above, medyo malayo yung naging transition ng character ni Christian nung unang movie sa Christian dito sa final movie. well, given naman sa circumstances pwede naman talaga na yung dating hindi natitinag na high rank bossing e medyo bumaba ng level sa mga low level creatures.
3. Had the same fascination with the plot just as with Meteor Garden. Malayo pero i-coconnect ko. Kasi maiimagine mo na what if ganun ka din kayaman katulad ni Christian Grey. Kaya nga sumikat ang F4 sa Pinas. Dahil sa kanila, naimagine mo na ikaw ay may ari ng isang Cruise Ship line or anak ng may ari ng malaking kumpanya. Panis. Paano na lang kung kasing yaman ko si Grey. Boom.
4. Yung. Car. Chase. Alam ko hindi ito action movie. Pero I found the sequencing of the car chase unbearable. Bukod pa sa Computer Generated scenes dun sa car window (outside view). Hindi ko alam at hindi ko maexplain. Basta parang naging slide show. Sana merong nagtitinda ng gulay na masasagasaan nila. Anyways, ako lang naman siguro yun.
5. Yung climax. Hindi ko tinutukoy yung climax ni Anastacia at ni Christian. Ito yung nagkaroon ng final confrontation dun sa may ano kung saan si ano ay inano ng pinaka-nemesis. Basta ayun. Ano. Found the twist super mababaw. Parang typical Pinoy movie lang na may makikidnap tapos maililigtas tapos sasayaw na sila sa beach sa dulo.
6. Haven’t read the book pero meron si Jonalyn. Hindi ko alam kung ganun din siya sa book pero at most parts, siya yung tipong plot na hindi ka masyadong mag-iisip. Parang pupunta ka sa movie para panooring yung sexual encounters and sexual behaviors nila. Which for that part, I admire the psychology. Also on the part na nagka-ano si Anastacia at ayaw ni Christian yung ano nia Ana dahil gusto niya siya lang ang ano ni Ana.
7. That said, lamang lang siguro ng konti sa plot yung movie ni Mr. Grey kay Mr. Sins. Mr. Johnny Sins. Joke.

I know hindi kayo mag-aagree pero blog ko ito. Gawa ka ng sa iyo. Lol. Pasensya na, mabilisang post lang. Hindi pinag-isipan mabuti mema post lang.
Hahaha as always you made me wanna watch it..remember dahil sa review mo pinanonood ko ang 100.tula para kay stella…
Wala naman ako sinabi dito na maganda ito e hahaha. Maganda siya siguro kung gerl ka.
Binasa ko yung book (ebook) dahil sa naiintriga ako kung ano ang meron saka sabi SPG version daw ng Twilight at nung mabasa ko, pinagalitan ko yung kapatid kong 16yo haha! Di ko masyadong type yung pagkakasulat ng libro, saka kasi sa totoong buhay, wala naming ganung klaseng sex life jusmio haha! May magandang anggulo sana yung istorya, sa kung paano at bakit ganun ang nagging ugali ni Christian, pero overall, pantasya lang sya talaga lalo para sa malulungkot na maybahay charot 😛
Saka letter S pala yun kuya haha si Anastasia Steele, este Mrs. Grey pala. Hindi pa ako nakapanood maski isang movie franchise
Ewan po yung iba lalo na ng mga babae e dine defend yung story na kesyo maganda daw. Uhmm i think otherwise.
depende siguro sa babae haha! maganda yung istorya, okay, siguro… pero base lang din naman sa Twilight na pina BDSM lang kaya “meh” hehehe 😛 Parang kwentong pocketbook lang din except mas maganda pa nga ang construction ng sentences at story sa mga pocketbook kesa sa fifty shades. Pero kumita naman, nagka-movie, at yon, edi wow. Isang opinion lang naman ako hehe
Pero dun talaga ako sa twist sa dulo nababawan. Yung reason bakit ginagawa nung kalaban yung mga pinaggagagawa niya. Tsk.
Oo haha, porke di sya yung inampon 😂 inggiterong frog. Ay spoiler alert charot
Hahaha ayos lang yan. It would take more than that siguro para maging stalker killer kidnapper ka sa ganung dahilan lang.
I’ve watched the first one, pero hindi ko nagustuhan! Di ko alam kung ako lang ba or what hahaha pero tama ka sa No. 6 3rd sentence… yun lang yun. 🙂
Ang babaw nga nung plot lol
kuya, mas maganda pa ung plot ng pagpunta mo sa sinehan. HAHAHAHAHAHAHAHA
Lol 5 seconds bago ko nagets hahahahaha
HAHAHAHAHAHAHA tawang tawa ko lalo na ke Johnny Sins daming work experience niyan e ewan ko ba bakit di naging kasing yaman ni grey
Hahaha
Nag-enjoy ako sa pagbabasa. I have watched the first one and thas it hahaha. Nakakatawa tong review niyo kuya
… and you think?
I enjoyed the sexy time in fifty shades 1. But thats it. Walang.laman masyado ang story. Hindi ko naman na balak panoorin yung iba..
Yung first movie lang din ang napanood ko out of curiousity. At ang masasabi ko, di ko nagustuhan. Parang xerex lang na ni-reenact.
Kung sa mga babae ang habol nila dun eh magandang love story, mas mabuti pang mag k-drama na lang sila. At sa mga lalaki naman, kung ang habol nila eh yung anuhan lang, mas maigi pang totoong porn na lang panoorin nila sa internet, libre pa at hindi censored. Yun ang POV ko sa first movie, and have no plans of watching the remaining two.
I was lost dun sa… “kung babae lang nila dun na magaganda”. Namali ako ng basa haha.
Siguro mas maganda yung fifty shades kung mas ano pa yung ano , tapos walang ano . Mas patok!
Oo yung ano nga.
I read the books pero di ko pa napanood kahit anong film adaptation. Sa sobrang tagal ko narin ‘to nabasa, nakalimutan ko na halos ang mga ganap. Ganun siya kalimut limut. Samantalang ang mahalay na The Claiming of Sleeping Beauty natatandaan ko pa. Hahahhaha
Target kasi talaga neto mga Titas of Manila. And naging viral din lang naman siya sa book community before after mafeature sa Good Morning America, tapos word of mouth na sa readers. Hindi ito first sa BDSM pero first na nagingay on television kaya nakilala.
Hahahaha .. yung sa Tokyo Drift talaga ako nagsimulang tumawa hanggang sa dulo .. 😀 I haven’t read and watched the whole thing yet . In the future na lang, kung mas marami na akong free time. lol. Ganun did ginagawa ko sa K-drama na may maraming episodes. 😀
Natatawa kasi nakakatawa? Hehehe. Di ako fan ng kdrama not because i dont like it. Wala lang din akong oras.
Iba rin pala yung sense of humor niyo. Ang dami kong na-miss. Magbabasa na talaga ako ng mga blogs ng mga finafollow ko. 😀
Thanks. Ako aminado na hindi lahat ng time nakakabasa sa mga blogs niyo. Dami ko rin kasi na finafollow hehe. Kapag natatamad sa work ayun nakakapag bloghop 🙂
ako naman minda nag-iisneak sa work . hehe
Yung K-drama fondness ko, nasa 75% lang naman. At ang hirap kasi once masimulan, di pwdng di matapos. Sakit na rin ng mata ko sa work. :[