Life and Family / Personal Musings

11 years ago…paano ako naka-move on

2007 nun inamin mo na may ginawa kang kalokohan. Literal na nasaktan ako ng bonggabels. Umiyak magdamag, di maka-kain, tulala at naglalasing (empi + dragon sid). Iniisip ko din paano ko nga ba natanggap? Paano ko naka-move on? Kung tutuusin kaya kitang iwan noon. Kaya kong buhayin ang mga anak natin.Pwede naman ako kunin ng mama ko sa canada.Bata pa naman ako noon makakahanap pa ako ng ipapalit sayo. Pero bakit nga ba ako nag-stay? Andun na ako sa point na gustong-gusto na kitang bitawan. Pero bakit nga ba di ko ginawa?. Mahirap yun proseso ng pag move-on kasi ako di ko alam kung kelan ko natanggap. Pero masasabi ko na ok na kami ngayon Eto lang yun mga narealize ko noon hanggang ngayon:

1. Noon bago palang tayo pinag-pray ko na kung ibibigay ka sa akin ni lord kahit siguro anong pag-subok ang dumating kakayanin ko basta kasama kita.

2. Yun 1st relationship ko (6 years kami nun guy) di nagwork dahil masyado pa kaming bata noon padalos-dalos ng desisyon tapos LDR pa kami (masakit ipagpalit sa isang “NURSE”).Papayag pa ba ako na yun 2nd eh ganon din mangyari ulit.Tapos mauulit lang din un cycle. Magkaka-jowa+majojontis+magkaka-problema=maghihiwalay ulit?

3. Di sa lahat ng problema “hiwalayan ang solusyon”. Pero depende sa sitwasyon, mag-compromise.

4. Paghiniwalayan na kita aba mas marami ka ng oras magkaroon ng babae at maraming perang pang gastos sa babae. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

5. Nun nagkasakit ka pinag-pray ko na “lord maging ok lang sya sige kahit sobrang sakit yun ginawa nya noon tatanggapin ko ng buong-buo. Patatawarin ko po sya pagalingin nyo lang po sya”.

6. Pag nanay ka kaya mong isakripisyo yun sarili mong kaligayahan. Mas pipiliin mo na ikaw ang masaktan kesa makita sila ang nasasaktan. ( thank you mama ngayon alam ko na yun mga ginawa mo noon para sa akin).

7. Pag mahal mo talaga ang isang tao matatanggap mo paunti-unti yun mga ginawa nyang mali. Ipinagdasal ko na lang kay lord lahat. Ganon pala talaga pag wala ka ng matakbuhan or makapitan sa kanya ka talaga hihingi ng tulong.

8. Di naman sa pagiging tanga kaya ako nag-stay pinili ko lang un mas makakabuti sa amin lahat and pinatunayan naman niya (cheesecake) na di na nya uulitin. Dahil pag inulit pa nya yun mga anak na nya gugulpi sa kanya at dun sa kabit πŸ˜‚.

9. Nag-promise naman sya (cheesecake) na magbabagong buhay na.Kung may natitira pang “love” vs sa “galit” mas piliin mo yun “love” dahil kung galit at sama ng loob ka mag-focus di lang sarili mo ang sisirain mo kung di ang pamilya mo. Bumalik ka sa umpisa bakit mo sya minahal, kung bakit kayo tumagal.

10. Mahal ko lang talaga sya 😍

WARNING: Kaya sa mga nagbabalak dyan ingat (this time di na ako magiging mabait 😑) di ako papatalo sa isang “one night stand lang” at utang na loob wag kayong manira ng pamilya. Nauubusan na ba kayo ng mga single at gustong-gustong pumatol sa may asawa.

Usapan nga namin mag-iina nun may napanood or narinig ata sa radio about sa “kabet” :

Joy: pag ginawa yan sayo ni daddy mommy, ako na bahala dun sa BABAE sisiguruhin ko malinis ang trabaho ko.

Asher: ako naman bahala kay daddy mommy.

Me: pano yun bunso nyo kapatid ano gagawin nya?

Asher n joy : sya ang look out namin.

Nakakataba ng puso un mga ganito maririnig ko sa mga bata kahit pala madalas pasaway at bangayan sila love din pala nila ako.

Advertisements

14 thoughts on “11 years ago…paano ako naka-move on

  1. I wonder why guys in a relationship have to cheat. My solution there ,just like in the US, is to separate immediately, but support should be given to the family ( schooling, food and shelter )…..and the government itself shouldbe the one to garnish the money from his wages, just like in the US. Then there will be nothing left to support himself and his new jowa. Goodbye.

    The first casualty of cheating is trust, and integrity.

  2. Kudos to your relationship! Mabuti naman at kayo pa rin. This is not easy to share pero salamat sa pag-share at may matutunan din ang mga makakabasa nito.

    • I can relate pretty much to you sis.. ryt now im suffering from that kind of issue. 😦 my husband cheated on me.. he works abrod.. 5 mos p lng nakakalipas sinve he left wen i found out he already has a gf.. and the girl is also taken.. ung bf nia ng 7yrs ang nag reach out sakin tru fb na palayuin ko ung husband ko ng 14yrs sa gf nia.. 😦 nakakaguho talaga ng mundo makarinig at makaexperience ng gantong pagsubok.. lalo na nung nah start na xa magsesend sakin ng mga proof na meron xa like pics nila together..resibo ng hotel with my husbands name 😦 grabe sa mga gantong sitwasion pala talagang si Lord lng ang makakapitan natin ng sobra minsan hihilingin pa natin na xa muna kumapit satin hawakan nia tayo ng mahigpit kc ako mismo natatakot na baka bigla magsnap ako at makabitaw saknya wag naman po sana Lord.. minsan nakakalimot p din ako at nadadala sa galit.. nung nalaman ko agad kong desision is seperation sustento n lng para sa mga bata we have 3kids.. but in d long run na nakakatangap ako ng info sa babae na ang panget pala ng ugali atpangalawa n kami sa masisira niang pamilya pagnagaktaon e i decided to fight na.. hindi xa hnd lng kagaya niang napakababang babae ang sisira sa mariage namin for 14yrs iningatan at inalagaan ko tong pamilyang to.. at first ayaw ng husband ko oero nung inaway away ko n xa maghiwalay na kami pumayag din at mukang nagenjoy xa mga ilang mos din ngayon mag 6mos na sila ng gf nia abrod at ako nakaset ang pagpunta namin ng youngest ko sa asawa ko para putulin ng tuluyan ang relasyon nila ramdam mong mahina talaga ang asawa ko hnd nia magawa na makipaghiwalay tlga pero wiling naman din xa na pumunta kami don at talaga daw gusto na nia makipag hiwalay sa babae ang nirereson out nia sakin e d daw xa makahiwalay agad agad at ayaw daw na nia na magkagulo pa dahil matagal n ung babae don madami na daw kilala don at kung hiwalayannia bakadaw magtawag ng mga kaibigan at ipabugbog xa dahil lalabas na niloko lmg nia ung babae which totoo naman.. sa totoo merong side somewer sa utak ko na medyo gustong mangyari un.. ung tipong magtanda lng ba xa sa pang gagago nia ng mga babae..parang pelikula ang buhay ko ngayon no.reason ko sa pagpunta don e kausapin ung babae gusto ko malaman nia na hindi ako nagagalit saknya naaawa ako saknya.. hindi na xa nirespeto ng mga lalaki at pati xa walang respeto sa sarili nia patol xa ng patol sa mga may asawa napakadesperate na ata nia kawawa naman xa well dat was d price she needs to pay alam nia may asawa bakit kukunsintihin pa nia sa panglalandi saknya imbes na ipagtulakan nia palayo hnd xa naturuan nung bata pa xa na pag hindi sayo wag mo aankinin at wag mo pagnasaan..2 utos ng dios ang nasuway nia pangangalunya at oagnanasa sa di mo pag aari.. afyer ko sa babae saka ko haharapin ung husband ko 😦 hindi ko alam ano mamgyayari samin pero pipilitin ko na kahantungan nito eh ang pagiging buo ulit ng pamilya namin.. pls pray for us.. in jesus name i ask for his guidance and blessings.. Amen.. gusto ko lng din po magbawas ng bigat ng nararamdaman.. sana po may makuha akong advice sa inio.. minsan po gusto ko na din kc sumuko natatangahan na ko sa sarili ko feeling ko ako n lng magisa lumalaban.. pero pag naisip ko ung girl bigla hnd pwede na ganun ganun lng at pag naisip ko lalo mga anak ko.. hnd sila pwedeng mawalan ng matinong pamilya ilalaban ko to ipaglalaban ko na hindi sila magkaron ng broken family.. so help me God..

  3. Fierce! Lagot ka Kuya Keso, umayos ka na nang tuluyan. Hahahaha.

    Kidding aside, saludo ako sayo, Ate Choco. Setting aside yourself for the benefit of the children. Kudos! Napaka-selfless ng act. Nakakahanga.

    Cheers to your family! Masaya akong nakilala ko kayo. 😊

  4. Grabe, natawa ako sa linya ni Joy. Gagawin daw nyang malinis ang trabaho. Hahaha.. Ay mali, di pala sya nakakatawa, parang nakakatakot pala. πŸ˜„

    Kidding aside, despite what happened naniniwala naman ako na si Keso ay isang mabuting tao. Kaya tama lang Chococake na you gave him another chance. ☺ Hangad ko na lalu pang tumibay ang inyong pagsasama. ☺

    Me whispering: JC, yung pa-libre mo sakin kahit next week na lang ah? 😁

  5. Lah, first time ko mag drop NG comment. Kayo na Ang #MatitibayCouples in a world of #Balakanajan.

    Nakikita ko to sa Mama ko (thu Wala ng 3rd party sa panahon ko) tapos mga kapatid kong babae sa mga pinagdaanan nila SA mga kabit.

    At Gaya din sa inyo, love wins. Salamat sa Hindi pagsuko ateng tapos sa Hindi pag ulit kuya.

    Kodus to both! Long live pa!

  6. hay relate much usapang mga kabit talaga sarap sunugin..d makuntento s kung ano ang meron cla ang kakati b..mga waang delikadeza at hiya s katawan

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.