Activities and Hobbies / News and Information

Wiper Up

Since summer na yata ngayon (kasi mas maulan yata kesa sa mainit), medyo madaling uminit yung mga kotse natin lalo kung naka-park kayo sa mga open spaces. In general naman, dapat talaga hindi binibilad yung mga kotse natin pero sa mga pagkakataong hindi maiiwasan, isa yung wiper sa mga unang nadidisgrasya.

Dahil kasi sa init, kumukunat siya tapos magka-crack tapos kapag ginamit mo siya sa windshield mo, magkakaroon na ng mga streaks or lines kapag humahagod siya sa salamin. Ang advice sa amin noong nag-aral kami sa A1, kapag medyo nagkaka-streaks na yung wiper e dapat palitan na. Mas mura ng di hamak ang wiper kesa sa kung windshield na yung papalitan mo. May chances kasi na kapag sira na yung wiper, mai-scratch na niya yung surface ng windshield.

Pero may isa pang dagdag na pwedeng gawin para sa wipers. Ito yung Wiper Up. Sa paggamit kasi ng Wiper Up, mae-extend mo somehow ng at least another 3 months yung wiper mo dahil hindi siya nakadikit sa windshield lalo na kung mainit. Ang idea lang naman ay parang inaangat mo yung wiper mo, katulad nung mga ginagawa nung mga nagpa-park sa open spaces. Ang difference lang, kung aandar kana, hindi mo na kailangan pang bumaba kasi once nag-trigger ka ng wipers mo, automatic ng bababa yung Wiper Up.

Simple lang diba. Nabili ko yung Wiper Up ko ng 350 pesos sa mall pero sabi ng iba dun sa grupo kong MuxOP, meron nabibili na nasa 200 pesos. Tinamad na akong naghanap lol. Just sharing this kasi useful naman din siya at mura pero marami akong nakikita na hindi gumagamit nito.

Advertisements

5 thoughts on “Wiper Up

  1. Ahh.. Yun pala dahilan kaya naka angat wiper nung ibang sasakyan sa mga parking. Iangat ko na lang din yung samin kapag nakabilad sa araw. Or hanap na lang din ako ng ganyan. ☺ Thanks sa info..

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.