Life and Family / Personal Musings

Gusto Kong Matutong Mag-Drive

To date, mahigit na akong isang taon na nagmamaneho sa magulong mundo ng trapiko sa kalakhang Maynila. Nakapag-drive na ako ang inaantok, nakainom, bumyahe ng mahigit sa sampung oras straight, nabangga, sumabit sa kung saan, nasabitan ng kung anu-ano, na-ticket-an nung nagbeat ng red light, nahuli ng araw ng color coding at iba pa. Hindi ko pa rin naman masasabing veterans na tayo pero feeling ko sapat na iyon para makapagbigay sa inyo ng random insights tungkol sa pagmamaneho at iba pang istorya na nakadikit dito.

1. Nag-aral kami nun ni Jonalyn sa A1 Driving School bago pa man magkaroon ng sariling sasakyan. Sabay kami ng schedule. Sa Innova siya at ako naman sa Altis/Vios. Dapat sa Smart Driving School kami magtutuloy, dahil na rin mas mura siya ng around 1k if I remember correctly (5k plus versus 7k), kaso natakot kami na sa 1st day ng driving mo, sa open world ka na agad magda-drive. Sa A1 kasi, may closed facility sila sa may Pingkian (Sauyo) para turuan ka ng basic.

2. Manual (Transmission) ang pinag-aralan namin kahit pa ang plan bilhin na sasakyan even at that time ay Automatic. As suggested by friends and family, dapat talaga Manual para masanay yung reflexes at madali lang naman mag-adjust papunta ng Automatic. The other way around, impossible na kapag marunong ka ng Automatic e marunong ka din ng Manual. Sa ngayon, feeling ko hindi ko na ulit kaya mag-drive ng manual. Lol.

3. 12 hours yata yung total na nakuha naming package ni Jonalyn. Bali 10 hours na driving plus 2 hours (or 1 hour yata) dun sa driving facility. Bukod pa yung sa basic lecture na 1 hour na ginawa sa branch nila sa SM Fairview (na malapit na rin sa amin) at defensive driving after ng driving lessons sa SM North na branch. Huli kasi talaga yung defensive kasi maapreciate mo lang sya kung nakakapagdrive ka na. Tinuturo kasi dun kung paano magiging safe (defensive) yung pagmamaneho mo.

4. Speaking of defensive driving, always assume na may gagawing kakaiba yung kasabayan mo sa daan. Ang mga pinoy kasi ay mayroong tinatawag na ‘Ako Muna’ Mentality. Bihira sa mga pinoy ang mga mapagbigay sa daan. Nakanguso na yung kotse mo sa papasukan mo, ipipilit pa rin ng iba na unahan ka sa daan. Sa mga ganitong pagkakataon mapapabuntong hininga ka na lang. Sa kaso ko, isa lang ang sinasabi ko sa utak ko: “Pinoy nga naman.”

5. Sa tingin ko, may dalawang klase lang ng driver sa Pilipinas. Ito yung mga: hindi alam ang batas kaya hindi sumusunod dito at yung alam ang batas pero hindi ito sinusunod. Evident yan kapag nagbabasa ka ng mga comments sa Facebook videos about road accidents. May magsasabing yung isang kotse ang tama, tapos sasabihin nung isa ‘Tanga, tama yung pedestrian mali yung driver’. Kung talagang alam natin ang batas, hindi natin kailangan ng mga ganung argumento.

6. Sa hula ko, nasa 80.5% ng mga nagmo-motor or mga riders ay hindi gumagamit ng turning lights/turning signals. Nasa 78.3% naman ang mga public utility jeeps at nasa 30.6% naman ang mga private vehicles. Yung mga bus naman, 41.7% siguro. Same goes with using hazard lights and fog lights.

Ang mahirap lang sa bus, nagsisignal man sila, bigla pa rin silang nagka-cut sa lanes. Mas deadly ng kaunti ang mga jeep kasi ganun din ang style nila pero wala silang signals. Ang worst, yung mga riders na sa mismong harap ng sasakyan mo biglaang nagsa-swipe. Dahil na rin hindi marunong gumamit ng turning lights ang mga kamote riders, minsan naka-signal ka na sa corner, ipipilit pa rin nilang isingit yung mga motor nila kahit pa alanganin na. Already seen several instances of this so I think it is quite common. Nangyari na din sa akin ito pero nag-break lang ako kaya walang sagian na nangyari. Sabay malakas na busina kay Mr. Kamote.

7. When it comes to defensive driving, kailangan yata dito sa Pilipinas ng extreme defensive driving. May ‘Me First’ mentality kasi tayong mga Pinoy. In another term pero almost same thought, ‘Lahat ng Pinoy na driver ay TAMA’. Maiinis ka na lang e. Pero sabi nga, ang pikon ay talo. Isa pang nakakainis sa ating mga Pilipino, e yung kapag makakalusot, lulusot. Kaya na lang kahit bawal ang walang helmet, marami pa ding walang helmet. Marami pa ding nagka-counterflow sa mga lugar na walang pulis. Marami pa ding dumederecho sa stoplight kasi wala namang bantay.

8. It is not enough na kaya mong magbayad ng monthly ng iyong kotse ay kaya mo ng i-own ito. Yung maintenance alone dapat meron kang reserve tapos may mga required pang upgrades na hindi kasama sa default o stock na sasakyan. For an SUV, feeling ko nasa 50k at least yung pinakamatipid na ‘required upgrades’. Nudge bar (bakal sa harap or likod ng sasakyan pamproteksyon laban sa pagbangga) yung isa sa mahal dyan sa 50k kasi yung isang piraso pa lang ay nasa 10k at least na. Mukha siyang pamporma pero kung tutuusin sa sikip ng gitgitan dito sa Manila, it pays to have one. Wala pa dyan yung mga Aircon Filter, Engine Filter, Intercooler Pipes, etc.

9. Bank Loan versus In-house financing. Loaning your car through banks is way cheaper than the other. Yun lang, kailangan mo ng at least 20% na down payment at mas medyo mahigpit sila sa requirements (e.g. proof of income especially). In-house financing on the other hand, mas madali maka-avail (minsan 0% or P50k down payment) pero mas mahal siya ng di hamak in total. In our case P300k ng difference ng dalawang options for a P1.4m car.

10. P32 ang presyo ng V-Power Diesel nung una kaming nagpa-gas January 2017. P47 na siya ngayon sa same gas station. P50 sa iba.

11. Dahil sa tagal ko ng ‘Draft’ ito, nakalimutan ko na yung iba pang items na isusulat ko dito. Lol. Babush.

Advertisements

39 thoughts on “Gusto Kong Matutong Mag-Drive

  1. Inabot akong 2 taon bago natutong mag-drive at makakuha ng lisensya, pero worth it. Driving school din at saka professional driver (kumpare ni Erpats) para sa diskarte sa kalye. Awa ng Diyos, natuto naman. Yun nga lang – weekend na lang ako nagmamaneho (preferably Sundays, kasi mas magaan ang traffic.)

    Kahit ako, naranasan ko na rin yung nabanggit mo sa numbers 4 hanggang 7. Pero pinakamalalang salot din talaga yung mga rider. Akala mo kung sino pag makasingit, tatakas pa pag nakabangga o nakasagi.

    • Makikita mo talaga sa daan sino yung nag driving school. Hindi lahat pero mostly. Pero syempre meron din na hindi nag aral pero may courtesy sa daan. Yun nga lang, marami talaga ang hindi regardless kung nag aral o hindi.

      Dun naman sa riders, mahuli mo man sila pa yung galit. May isang instance papasok na kami ng drive thru, around 75% na nung lane ang napasok ko tapos humabol yung motor. Pucha, siya pa yung galit nung muntikan kami mag abot.

    • Speaking of which, may naikwento yung isang tisoy naming kapitbahay tungkol sa utol niya and his experience with underbone fuccbois.

      Minsan, nakapark siya sa tabi ng kalye nang biglang may narinig siyang sumalpok sa harapan ng sasakyan niya. Tinignan niya ang nangyari – ayun, nabangga ng 2 lasing na fuccboi na sakay ng motor yung harap. Wasak ang headlight at bumper.

      Yung utol ni kapitbahay, mukhang brown-haired Kano kaya yung mga senglot, biglang napa-“hey Joe!” Reply naman ni kuya: “Putangina ipapa-ayos ko na naman ‘to!” Nahimasmasan yung dalawang gago, “marunong palang mag-Tagalog!”

      Ayun, sa presinto ang bagsak. Pina-blotter yung dalawang ungas, tapos kumpiskado pati motor nila. Kaso nakapag-pyansa, may tumulong yata. 😦

    • Ayun, napaayos naman ni kuya. Sariling bulsa na lang siya bumunot; di naman na niya masisingil yung dalawang tungaw dahil kakamutan lang siya ng ulo. 😦

    • Aray ko po. Hahaha.. Paano naman kung dun sa aksidente na yun eh yung kotse yung may sala? Kung gago yung motorcycle rider, okay lang sige wag na natin bigyan ng simpatya. Pero paano kung yung gago pala sa nangyaring aksidente eh yung driver ng tsikot? Wala ka pa din ba simpatya, sir?

      Ang mga gagong driver nagkalat sa kalsada, mapa 2 gulong man yan or 4 na gulong.

      Heheh.. Sensya na sir ah, I know entitled naman tayo sa kanya-kanyang opinyon. And I respect yours.

      For me kase, ang mga aksidente sa kalsada ay hindi birong issue, lalu na yung ibang namamatay. Hindi ko gustong makarinig ng ganung balita, que gago man yung may sala or hindi. May comment din pala ako sa baba sir para malaman mo kung san ako nanggagaling. ☺

    • Tulad nga ng nasabi ni Cheesecake sa comment niya sa baba: (1) Napaka-ubiquitous ng mga motor sa kalye ng Maynila. Mapa-BGC man o eskinita ng Tondo, meron at meron kang makikitang mga motor and; (2) madaling makabili ng motor ngayon, lalo na yung mga underbone, dahil sa “patak-patak lang” financing. Idagdag ko na rin: most of the time, mga motor at “riding-in-tandem” ang nai-involve sa krimen – mapa-holdup, contract killing, o kung ano pa. Kaya expected na sa karamihan (kasama na rin ako) yung mawalan ng simpatya sa mga nagmo-motor.

      Oo sige, given na may gagong nagmamaneho ng apat na gulong (nafi-feature sa Top Gear Philippines) at yung mga nagmamaneho ng dalawa na nabanggit dito. Pero between the two, mas defensive magmaneho ang mga naka-kotse most of the time. The reason for this is that mas malaki ang liability ng kotse pag na-involve sa aksidente compared sa motor, kahit na most of the time – yung rider ang may kasalanan. May nai-kwento sa akin yung girlfriend ko na isang kaso tungkol diyan. (Pa-verify na lang kung totoo, hindi ko pa kasi nabasa yung full details ng kaso.)

      Minsan, merong isang delivery truck na naka-parada sa tabi at naghihintay na makargahan. Handa na sanang lumarga yung truck at nagbibigay na lang ng instructions yung head warehouseman sa driver at pahinante, nang biglang may humarurot na motor at biglang nawala sa balanse. Tumilapon si rider sa likod ng truck at dahil walang helmet, dedbols. Inalam ang pagkakakilanlan ng rider, at nadiskubre ang mga sumusunod: 16 years old lang ang rider, walang student permit o lisensya, at nakainom. Sino ang nakasuhan? Yung driver ng truck, pati pahinante niya.

      I rest my case. πŸ™‚

    • Aminado tayo dyan, karamihan ng mga riding in tandem ay naka motor. Madali nga naman kase makatakas pag motor ang gamit. Pero yung mga drug lord, nag-i smuggle ng mga baril, ng mga droga, yung mga kurakot at hinayupak na politiko, anu sinasakyan ng mga yan? Malamang 4 wheels. Asar din tayo sa mga yan. Dapat na din kaya ako mawalan ng simpatya pag may aksidente na involved ang 4 wheels?

      Sa mga checkpoint pag pinara ang motor chini-check ang lisensya, ang OR/CR, sinisilip ang bag, kinakapkapan. Pero pag tsikot, visual check lang? Or di kaya busina-sabay-kaway lang ang peg? Ganyan katindi diskriminasyon sa 2 gulong, kaya gusto namin (members of MC Organization) baguhin ang ganung imahe. Pero mahirap, dahil nga sa mga gagong rider na naglipana. So instead na purtiryahin natin yung tao, i-educate na lang siguro sila. Mas makakatulong pa siguro yun. Or at the very least, ipag pray na lang natin ang bansang Pilipinas at ang mga Pilipino. That is, kung naniniwala pa kayong may pag-asa ang bansang ito.

      Regarding naman dyan sa nakasuhang driver at pahinante, nasa batas talaga na kapag may namatay sa isang aksidente, matik na makukulong yung other party involved, regardless kung may kasalan man sya o hindi. BTW, just want to clarify na hindi ako galit or what ah? Palitan lang ‘to ng kuro-kuro. ☺ Have a nice day.

    • Point taken sa una; karamihan ng mga drug lords, naka-bigating SUV. May Land Cruiser Prado, Fortuner, Trailblazer, Pajero, minsan may Expedition pa! Mapa-Montero man na nag-SUA or Adventure na D-Max na na-total wreck, magkakaroon din talaga ng simpatya ang tao. The problem is that the negative brand has stuck to motorcycles for a long time now, dahil sa kagagawan ng mga kamote rider at kolokoy, that it would take a long time bago magpalit ang pananaw ng tao tungo sa mga motor.

      For the second one, awa ng Diyos – hindi ako pinapara sa checkpoint pag may Oplan Sita. To be fair, mas natatakot ako na ma-“laglag droga” habang nakatigil. Hindi ko alam kung totoo, pero mahirap yung nasa labas ka ng kotse mo tapos bigla na lang may madi-diskubreng sachet ng kung anong droga sa loob. Yari ka na, tokhang ka pa!

      I do agree with the rider safety and education part, at mabuti nga may motorcycle riding 101 na ino-offer ang ilang mga motor dealer. Kaso ang karamihan sa mga Pilipino – lalo na yung mga nasa mababang antas ng lipunan – walang pakialam sa mga batas. Sa kanila, diskarte lang at “wag mo akong pakialaman” ang sinusunod nila. Nakakalungkot, pero ito ang katotohanan.

      Wishing you the same. πŸ™‚

    • Yun na nga masakit sa batas natin. Kahit hindi mo kasalanan kulong ka.

      Well gusto naman natin talaga ng pagbabago ang kaso walang gusto magbago. Dapat nga sana masimulan sa mismong LTO na nagbibigay ng lisensya kaso dun pa lang kumpara sa ibang bansa super dali ng exam natin. Tapos nababayaran pa.

  2. Ayaw ako pag-drive-in ni mister kasi mainit daw ang ulo ko and may 90% tendency na mang-away ako ng ibang driver, ayon sa paniniwala niya. HAHA. Well, I have tendencies to really stop and open my window lalo na sa mga jeepney drivers na humihinto at nagsasakay/baba sa gitna pero I don’t shout at them. I can tell them na tumabi in a nice and calm way. Sakin naman, jeepney drivers are my number 1 enemy. Kala mo kasi hari ng daan e. Kapag naman nakabangga kulang nalang magkapakpak at halo sa bait para lang maawa ka sa kanila.For me, isa sila sa dapat icheck ng LTO every year ung driving skills nila.

  3. “Tarantado talaga ‘to” yan sinasabi ko pag may di marunong magbigay pag palabas ka, motor, truck, jeep o ano p man dina drive nila, 8 out of ten na driver, tarantado. Tapos isa ako dun sa hinde. Hehe. So sobrang konte lang talaga. Yung kamoteng motor na di marunong gumamit at bumasa ng signal light, one time muntik ko nang mabangga. Galing ako sa gitnang lane tapos tatabi ako, e bago palang ako nag dadrive nun, ipinilit talaga dinaan sa busina dumaan sa kanan side ko.

  4. Agree ako sa #5. Yung mga kamoteng nagmamaneho sa kalsada is either walang alam sa batas or alam ang batas pero hindi naman sinusunod.

    Nagmamaneho ako both 4 wheels and 2 wheels. Nagmomotor ako since high school pa. Tapos kotse naman since college days. Sa 2 wheels, kabilang ako sa ilang mga motorcycle clubs which promotes safety and discipline sa kalsada. May mga first aid and driving seminars pa kami kase seryoso kami na ma-educate pa yung ibang rider. Kaya galit din kami sa mga kamote sa kalsada kase sumasama imahe ng mga nakamotor. Even pag nagda drive ako ng kotse, sa mga naka motor talaga ako mas nag-iingat kase nga pasaway yung iba.

    Pero ako naman bilang motorcycle rider din, madami din naman pasaway at mayayabang na naka 4 wheels. Marami nga din incident na nakakasagasa or nakakasagi ng motor yung naka 4 wheels, pero tinatakbuhan nila. Kahit ako, maraming beses nakong muntik maaksidente dahil sa mga pasaway na naka 4 wheels.

    Tsaka yung iba kung matahin yung mga naka motor akala mo kung sino. Pati nga sa batas, may discrimination. Kami lang ang pinapahinto sa check point. Ano kami, kriminal? Hahaha.. Sorry, affected lang.

    Again, both car and motorcycle minamaneho ko kaya tingin ko nasa posisyon ako para magbigay ng opinyon for both sides. Ang point ko lang is, wag natin husgahan ang tao kung kamote sya o hindi based lang sa sasakyang dala-dala nya.

    • Point taken. It just so happen na ganun kadali na lang makabili ng motor sa ngayon at dahil na rin non-existent yung licensing body natin kaya ganun na lang naglilipana yung mga kamote sa kalsada. Not really singling out the riders pero nagkataon talaga na sila yung pinakamarami sa daan. Kaya ganun na lang din yun paghanga ko dun sa mga may courtesy sa daan na riders kasi nga madalas hindi ganun. On what I observe, mas defensive ng kaunti ang 4 wheels versus sa 2.

      Nakalimutan ko lang din pala i add dito na kung pakupalan lang din, number 1 ang bus then mga jeep. Nagkataon lang na yung dami nila hindi ganun.

  5. Pingback: Surefire Ways to Solve Metro Manila Traffic | Say Cheese!

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.