Life and Family / Personal Musings / Pictures

The Science of Aquila

Gender Disappointment


Long before Aquila is born, ang expected talaga namin is a girl because of those usual pamahiin signs like kapag blooming yung expecting mother etc. Also in terms of voting, kami ni Joy gusto girl, tapos si Asher gusto boy para may kalaro siya and lastly si Jonalyn, neutral.

Nung first na ultrasound ni Aquila na ang mahal tapos parang yung doctor lang ang nakakaintindi ng nakikita niya, ang sabi niya e may tendency na girl pero hindi siya sure. Nakaharang kasi yung kamay ni Aquila sa pototoy niya. Ang nakuha lang namin sa 2300 Php ultrasound na yun e yung confirmation na normal si baby. So we decided ourselves na ulitin na lang sa may SM The Block yung ultrasound. This time, 1500 Php sya tapos 3D image na with gender determination. May extra bayad lang yung biometrics, yung pagkuha ng measurements and all, pero hindi na namin in-avail.

Nalungkot ako nung malamang may yagbols si baby. Pero katulad ng sabi ng mga numerous articles about Gender Disappointment, nawawala yung ganitong feeling kapag lumabas na si baby. Regardless of whatever we want for our baby, paglabas nyan happiness lang.

Newborn Jaundice


Yellowish sya nung early days niya. Ang hirap kasi ng timing nya, tag-ulan. Bumabagyo pa recently. Mawawala kasi itong pagyeyellow nya thru pooping at pagpapa-araw. Buti ngayon hindi na ganun kasi napopoops naman nya yung yellow (bilirubin) saka bumili kami ng lamp na nakatutok lang sa kanya kapag hindi namin sya mapaarawan. Right now pinkish naman na yung balat nya pero pagcheck pa din namin next checkup just to be sure.

Night Shift


So Jonalyn talaga ang hands-on kay Aquila pero may times nagigising ako sa madaling araw at least twice tapos tatanungin ko si Jonalyn kung umiyak ba dahil naaalimpugatan ako. Tapos nun syempre, hindi ka din makakatulog agad abang ka mga 10 mins bago ka ulit maghalucinate at makatulog.

Baby’s Vision


Hindi pa siya nakakatuwa ngayon. Literally kasi hindi pa nya kami nakikita. So kahit kausap-usapin mo siya, wala syang pake. Nagoobserve-observe lang sya pero wala pa rin siya talaga nakikitang clear. Mga around more than three months pa in general bago pa siya matutong makakilala sa amin.

Baby’s general vision development via Google

Tumatawa lang siya kapag tulog. Hindi ko lang alam kung ano ang napapanaginipan nya para mag-smile siya habang natutulog sa mura niyang edad. Gatas?

The Name


Jace – A reference to my name and a powerful planeswalker. Just like what my classmates did to their Eladamri and Ishan.

Jace Beleren via Wizards (Magic the Gathering)

Aquila – We wanted to find a unique name that starts with the letter A, as Audrey and Asher have in theirs. Unfortunately, we can’t find another Biblical name that gives the ring on it. Adam, Abraham, Abel, etc. doesn’t quite give what we are looking for. We just googled for anything and got Aquila which literally translates to Eagle from Latin. It is also used as a name of a constellation that figuratively looks like an eagle.

Aquila via Wikipedia

Oh wait just now searching for references on the internet I just confirmed that Aquila is indeed in the Bible.

Caeles – Several reasons on this: (1) It so happened that it came out browsing for the third name while keeping watch on Jonalyn’s recovery at the hospital. Yes, the two other kids have three names as well. (2) It is a Latin word, just like Aquila, that literally translates to ‘Heavenly’ or ‘Celestial’. (3) Aquila is also a constellation thus the appropriation of the word celestial. (4) A reference to Celestial Being [Gundam 00]? (5) If you put all the names and get their first letters, it would say: [J]ace [A]quila [C]aeles [E]lorde.

Monthsary?


Hindi ko alam kung ano ang tawag kapag naka-first month ang isang baby. Hindi ko rin ma-google. Kung alam niyo, i-comment niyo sa baba. Ang alam ko lang, monthsary, pang-magjowa na hindi umaabot ng anniversary. Lol. Dahil 1 month na si Aquila the Quilabot, ito ay para sa kanya at kailangan ko na ring mag-post at ilang buwan ng inaagiw ang blogsite na ito.

On a serious note, may times pa rin talaga nagsi-sink in sa akin na may baby na ulit kami. Not in the sense na ayaw ko, but yung hindi ka makapaniwala na hindi mo ineexpect at ang tagal mong inintay tapos andyan na siya. When it do sink in at times, I can’t explain the happiness I feel.

Paglaki mo, basahin mo ito.

Advertisements

30 thoughts on “The Science of Aquila

  1. Mejo relatable tlga ung sa gender eh. Masaklap lng skn ng konti kasi inidentify ung first born ko as girl so lht ng bnili nming gmt pink. Pag labas. Aun boy pla. 🤣

  2. Pingback: Open Letter to SM North Administration | Say Cheese!

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.