Life and Family / News and Information / Personal Musings

Surefire Ways to Solve Metro Manila Traffic

Amidst the news about implementing a law restricting private vehicles with a single passenger from using EDSA, I would like to propose solutions that will ultimately solve the traffic problems in the Metro unlike the government who just stick to stupid ideas that doesn’t necessarily address the root of the problem. Some of the ideas are not mine and just taken from conversations with people regarding the matter.

1. Stricter Driver’s License Aquisition

Ang daming bobo sa kalye. Isa na ako dun. Aminado ako kasi hindi ko rin naman talaga kabisado ang lahat ng mga traffic rules sa kalsada. Evident din naman ito sa mga ‘discussions’ sa Facebook kung saan kapag may disgrasya, nagtatalo-talo pa yung mga tao kung sino ang totoong may mali. Kung talagang alam nating mga Pilipino ang batas, wala ng dapat pag-usapan pa.

Dito sa atin, matuto ka lang umatras abante, driver ka na. Marami pa rin sa atin ang hindi alam yung ibig sabihin ng mga lines at traffic signs. Giving the benefit of the doubt naman sa drivers natin, kanya kanya ang suppliers ng mga signs ng bawal lugar sa Pilipinas kaya tignan mo iba-iba ang hugis, kulay at itsura ng mga ito. Tapos dun sa mismong exam, nalalagyan pa para pumasa ka. Yung iba talagang hindi na nagte-take once magkapagbayad ka o kaya naman may kakilala ka sa loob.

Less driver’s license, less ungas drivers supposedly on road.

2. Enforcement of Existing Traffic Laws

Katulad ng ibang mga batas natin, yung batas trapiko andyan na yan e kaso lang hindi lang naisasagawa ng maayos. Sa madaling salita, hindi naiimplement. Kasi sa mga kalsada, kung walang pulis, wala ring batas. Sa Subic at BGC lang naman yata mahigpit kaya sumusunod ang mga tao. Sa karamihan ng lugar, lalo na sa Quezon City, tang ina naka red pa lang yung stoplight, umaandar na yung mga ungas. I don’t think I need to explain further on the topic kasi alam ko na alam niyo na kung ano yung tinutukoy ko.

Hello | Visayas Avenue X Congressional Avenue

In front of me is the X Box for the intersection marking | Sangandaan / Quirino Highway

Honestly hindi ko alam kung ano yung mas tama, kung karamihan ba o yung iilan pero yung mga enforcers kasi nalalagyan at the same time kasi naglalagay din yung mga pasaway na drivers. Ang gandang isipin yung mga kalsadahan na tipong yung mga Traffic enforcers mo ay law enforcing tapos yung mga drivers ay law abiding.

3. Implementation of No Contact Policy

Just in Quezon City alone, ang dami kong nakikitang mga CCTVs na naka-install sa mga traffic lights, footbrigdes, etc. na feeling ko hindi gumagana. Why I said so? Kasi kahit may CCTV, wala pa rin sumusunod sa batas trapiko. Beating the red light, counterflowing, etc name it nagagawa under the CCTVs. Bakit hindi natin ito gamitin para ienforce yung batas na hindi kailangan ng tao na nakadeploy sa field? This said, kahit pa meron o walang enforcer na nakastation, kaya nating iimplement yung habit o culture ng pagsunod sa batas.

Yung hindi ka pipila sa traffic tapos kapag malapit na yung barricade saka ka sisingit sa lane. Habit ng Pinoy? | Cubao before Underpass

4. Banning Car Ownership without Parking Space

Kung tutuusin maraming alternate routes supposedly ang EDSA kung nagkataon lang na maluwag yung mga shortcuts at alleys sa tabi nito. Ang problema, puno ng mga naka-park na mga sasakyan ang mga ito. Nag-iisip ako ngayon ng mga lugar na pang example pero huwag na lang kasi LAHAT naman ganun. Taena. If only the government is serious on this matter they can really do something about illegal parking. Kailangan pa ba i-memorize yun?

5. Heftier Fines

Minsan kahit naeenforce mo na yung batas, hindi pa rin ganun ka effective kasi kaya namang bayaran. I-times ten kaya na natin yung violation fees? Beating the red light from Php 2,500 to Php 25,000. Disregarding traffic signs Php 5,000. Driving without license Php 10,000. Tignan na lang natin kung meron pang hindi sumunod. Para din fair sa drivers, heftier fines din versus sa mga enforcers na mapapatunayan may katiwalian sa trabaho niya.

Although I know you would say magiging room lang ito para magkalagayan na kesa bayaran ko yung Php 5,000 lagyan ko na lang si enforcer ng Php 1,000 para ok na. Mahirap talaga solusyunan kung kultura ng korapsyon but then you still have the ‘No Contact Policy’ for this.

6. Efficient Government Transactions

Para maka-kumpleto ng mga government transactions like the basic Birth Certificate, minsan makakailang balik ka sa mga government offices para maasikaso ito. Yung pagpunta lang sa City Hall ng Quezon City, kapag inabot ka ng 9am dun sigurado hirap ka na sa parking space. If the government could only make things faster and efficiet, mas less yung mga sasakyan na kailangan mag-back and forth para lang mag-asikaso ng kailangan nilang asikasuhin.

7. Improvement of Mass Transit

Being able to travel to other countries, hindi mo talaga maiiwasang ikumpara yung Pilipinas sa kanila. Kahit naman na may kotse na kami, nag-MRT pa rin naman ako madalas. So 11 years na akong warrior at mataas na yung level ko sa game na ito. Started this year medyo nag-improve naman sya pero malayo pa ito sa masasabi nating maayos at efficient. Papasok ka pa lang, mukha ka ng pauwi.

I don’t even have high hopes sa ginagawang MRT pa San Jose del Monte kasi it will end up more people and bottleneck dun sa proposed junction with MRT3 sa Trinoma/SM North. Isa pa, feeling ko mas importante yung business interest kesa sa public service ang mga mass transport natin. Kung mali ako, bakit hindi inaayos kahit malaki ang kinikita ng MRT. Bakit ginawang private entity siya? Bakit yung connection ng LRT at MRT kailangan dumaan sa malls? Tinutulungan ba natin ang mga mamamayang Pilipino o gusto lang ng mga ‘owners’ ng Mass Transits ang kumita?

8. Governmentalize Public Buses

Ngayon ko lang din naisip na dapat pala pati mga mass transports, ibalik sa government just like what I am proposing here sa pagbabalik ng public buses sa government. Pero syempre sa lahat ng items dito, ito yung pinaka-suntok sa buwan.

Nung unang panahon daw, during the time of Love Buses, swelduhan yung mga bus drivers. That means, hindi nila kailangan makipag-unahan sa EDSA para lang may maiuwi sa bahay nila. Hindi ko alam kung mas beneficial sa bus drivers ang commision based pero at what cost? Yung makipag-gitgitan sila sa EDSA at mag-stay ng 30 minutes sa Cubao para mag-abang ng pasahero? After the time of Love Buses, too much democracy were given that up until now, formidable force na yung mga private companies kaya suntok sa buwan na para iimplement yung ganito.

Sa US at Australia, designated lang yung mga bus stops at may laman man o wala yung bus, iiwanan ka nun basta hindi ka dumating sa tamang oras. Kaya tuloy kalkulado ang bawat trip ng mga buses dun hindi yun mga time na papasok ka ng isang oras na byahe tapos bukas dalawang oras etc.

9. Better Roads

If only we can build better and faster roads then we can lessen the traffic as well. Una, since hindi maayos yung pagkakagawa ng mga daan natin (dahil kinukurakot ang pondo) malamang in the next year or less, gagawin na naman yan (kurakot ulit). Pangalawa, bukod sa palaging ‘inaayos’ yung mga kalsada, ang tagal pang gawin. Yung daan lang sa amin sa Himlayan Road, dawalang taon na yata ito. Tapos may MGA poste pa sa gitna ng kalsada.

May Poste | Himlayan Road Quezon City

10. Provincial Progress

Don’t care if it is due to PepeDedeRalismo or what pero if only government improve that lives of provinces that they need not go to Metro Manila the better. This applies most specially on the nearby ones like Bulacan, Pampanga in the North or Cavite, Laguna, Batangas in the South. Para hindi na nila kailangan lumuwas sa Maynila para lang maghanap ng trabaho. Well amongst all these, precisely this is the best solution frankly speaking.

Nagstart na tayo na magtayo ng Airport sa Clark. At least mababawasan yung trapik ng mga lalapag sa may Pasay lalo na kung taga-North ka lang din naman. This can be the start of this as well.

Sa Call Center lang, ano lang ba kailangan mo? Telepono at internet tapos. Mabigyan mo lang ng maayos na imprakstraktura yun, ayos na. Alam ko marami pang ibang gawin para sa pangkabuhayan showcase ng madlang people, which also includes my next point.

11. Provincial Rates Abolishment

Basahin niyo na lang yung nasa taas. Alam na kung bakit nagsisiksikan ang mga Pilipino sa Maynila.

12. End of the World

End of the world | Google

Advertisements

15 thoughts on “Surefire Ways to Solve Metro Manila Traffic

  1. Drivers do not follow the rules over there, and road courtesy is non existent. Where I live, we don’t even need a stoplight. Drivers know what to do…. it’s turn system. You’ve been to the US, right ? At every corner, there’s a STOP sign, and even if there are no cars that you can see for miles, you have to stop. It may sound silly, but consistency is very important.

    • Unfortunately, this is the culture here. For this to change a big wave is needed. Like a nuclear wave. Lol.

      I myself do what is proper and most of the time it gets to my nerve that most doesnt do. Oh well.

    • In order for it to work, the police enforcers should do their job thoroughly , impose fines ( that would hit the pocketbooks of drivers daily ) , and later, nature would take its natural course, and people would get used to following the rules.

    • easier said than done. it is hard to change something that is ingrained in the hearts and brains of the Filipino people.

      the simple gesture of properly lining in the escalators (walk on left, stand on right) is slowly getting picked up by some but not all. sometimes i guess they need to put up something like: “walk on left, stand on right. tanga!”

  2. Super agree ako sa lahat, esp. dun sa #7. Ang mass transit ng ibang bansa ang lagi kong kinaiinggitan everytime mag-a out of the country ako.

    Just 2 weeks ago nung nasa Taiwan ako, from my hostel need ko sumakay ng train nila twice to reach their airport. Imagine may dala akong luggage, backpack at isang plastic ng mga pasalubong. Pero hindi ako nakaranas ng hassle sa byahe ko. Take note, rush hour ito ah. Sabi ko sa sarili ko, sa Pilipinas hindi ko magagawang mag train kapag pupunta ng airport tapos ganun karami ang dala. Kelangan kase dito sa atin mandirigma ka kapag magco-commute eh.

    • Yun nga e. Kung meron train derecho sa airport and even waterports e di masaya sana. Gobyerno kasi natin pati tao pinagkakakitaan. Should be the other way around but oh well. #12.

  3. Super effective nung #12. Feel ko yun ang magiging solusyon sa lahat. Gusto ko lang din add, na baka makatulong din yung pagalis ng mga jeep at FX sa major roads. Kasi kapag naka mass transport na lahat, mas maganda diba? Ang capacity ng isang bus, halos dalawang jeep, mga 10 FX? Pero alam ko problema din to kasi paano sila kikita… it’s a cycle. So, #12 na lang talaga lol joke 😀

    • nakalimutan ko ito idagdag. yung mga kolorum. tsk. well for me ok naman na may jeep kasi hindi naman lahat ng lugar madadaanan ng mass transport. isa pa yung about sa modernization, kung usok lang naman ang problema, bakit hindi tulungan ng gobernyo na iupgrade yung makina lang. dun naman naggagaling ang emission hindi mo need palitan yung buong kaha.

      tignan mo yung japan, umayos nung na nuclear bomb sila. tapos yung ground zero e yun kung saan may session ang mga mambabatas. lol.

    • Hahahahaha so #12 talaga solusyon. Hay.

      Actually ang naisip ko nga na magandang solusyon is move mo yung jeep sa mga secondary road lang. lahat ng major road dapat mass transit. Teka ahhh punta lang ako kay mayor explain ko

      Hay ewan

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.