Life and Family / Personal Musings

Open Letter to SM North Administration

Yesterday, may checkup si Aquila para sa kanyang shots. Siguro dahil hindi nakalabas ang mga tao nung Saturday at Friday dahil na rin sa bagyong Ompong kaya parang langgam ang mga tao nitong Sunday na naglabasan. Usually, 30 mins lang dapat ang byahe kapag Sunday papunta ng SM North Edsa. Pero kahapon, dahil na rin sa dami ng sasakyan, mga 45 minutes kami bago nakarating sa SM.

Around quarter to 4:00pm kami umalis ng bahay. Confident naman kami na aabot kami dahil 4:00pm to 6:00pm ang schedule ni Dr. Jem Valles sa MyHealth Clinic. Hindi si Dr. Jem yung birth doctor ni Aquila. Napalipat kami kasi ang hirap hagilapin nung original doctor tapos hindi pa feel ni Jonalyn. Nung first visit namin sa kanya namin nalaman na kapitbahay lang pala namin siya, as in 5 houses apart lang. Going back, around 4:30pm kami nasa vicinity ng SM North. Literally dun sa first right turn coming from Mindanao Avenue just under the walkway to Trinoma.

Pagpasok dun sa street na iyon, boom, hindi na gumagalaw yung traffic. Around 5:00pm na kami nakaabot sa Point A sa mapa sa baba. 5:45pm na kami nakarating sa Point B. Point B, sa mga hindi pamilyar e yung Entrance ng Parking sa SM North. Yung Point A naman, dun ang Exit ng parking. Nilagyan ko ng arrow yung flow ng traffic. Yellow yung flow ng traffic in between the mall at car park. Blue arrows noting the entry and exit traffic. Lastly, yung green showing the flow of traffic in the car park.

Dahil dyan, nagkakabottleneck yung traffic sa area na yan dahil dun sa two points noted by yellow circles. Hindi makalabas yung mga palabas ng parking dahil hindi makapasok yung mga papasok ng parking. Yung iba ngang customer sa SM kahapon, bumalik ulit ng mall kasi hindi sila makalabas. Matrapik din naman dyan on a normal day pero panalo yung kahapon kaya hindi ko maiwasang gawin ang post na ito na hopefully maparating sa SM North Administration. Hindi ko alam kung tama ba yung suggestion ko pero better have one than not. Alam ko naman na mas nakakaalam kung sino man yung nakaupo dyan and sana may gawin sila about this. What I propose ay simple lang, palitan yung flow lang traffic.

With the traffic going the opposite direction, mawawala yung bottleneck sa entry at exit points ng carpark. Kasi with this, all the traffic are going in the same direction. Again, I know you guys know better and you have it all for us. Take it away.

Sa huli pala, pinauna ko na yung mag-i-ina ko na pumunta kay Dr. Jem. 6:00pm na nun, at tinext ko si Doc at buti naintay nya kami. Around 6:20pm na talaga ako nakapag-park.

PS: Shoutout pala dun sa mga nakapark sa mga kalsada dyan sa likod ng SM North (Project 6). Maliit na nga yung kalsada naging 1 lane pa. #MMDA #GadgetAddict

Advertisements

3 thoughts on “Open Letter to SM North Administration

    • after posting this, naisip ko yung overall effect sa traffic. kasi kung nag-iba ng flow, dun naman ang bottleneck sa EDSA at North Avenue. Pero at least, mas maluwag ang kalsada dun at pwedeng umiwas.

      Buti nga sa Trinoma, go with the flow yung traffic. Sa SM against kaya ang traffic haha.

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.