Dahil di ako maka-move on sa nangyari sa akin. Nakaka-sama talaga ng loob na umaasa tapos ganon mangyayari. Eto mga tips para iwas scam:
1. Wag bumase sa dami ng followers. Nun na-scam ako chineck ko talaga mga followers nya yun iba taga-ibang bansa tipong pakistan o kaya mga indian. Masaklap fake account yun iba.
2. Magduda ka na pag sobrang mura ng mga items nya tapos sasabihin sayo authentic o original. Kelan ka ba nakakita ng coach or mk na worth 3k lang.
3. Chikahin mo mabuti meaning magtanong ka ng magtanong regarding sa mga items nya. Humingi ka ng mga proofs na legit seller sya or mga identifications i.d.
4. Magtanong sa ibang seller kung reseller ba nila yun. May mga iba kasi na kinukuha nila yun mga picture ng mga legit seller at ipopost nila sa sarili nilang i.g.Mas ok ng manigurado kesa maloko ka.
5. Kapag kinutuban ka na scammer yun seller. Naku teh wag ka ng tumuloy umorder.Maniwala ka sa “instinct” mo.
6. Wag kang papayag na money transfer ang gagawin mo pambayad hangga’t maari Cash On Delivery o kaya Meet-up.
7. Kung marami sya followers magtanong ka kung sino na ba naka-order kay seller. Atleast kung walang sumagot sa post mo kung naka-order na ba sila kay seller alam mo na teh scammer yan.
8. Kung na-scam ka at money transfer ang ginawa mo. Pwede mo pa mabawi yun pera mo. Pumunta ka lang ng bank mo gumawa ka ng letter na scam ka. Ipakita mo yun proof ng conversation nyo ni seller. (Actually gagawin pa lang ng asawa ko yan buti na lang nasave ko yun mga convo namin ni seller scammer. Ang alam ko pwede ma-reverse yun binayad mo kay scammer.)
mababawi pa ba yung na scam pag sa palawan express?
mas malabo kasi naencash na. unless ma trace pa ni palawan yung details nung kumuha.