Life and Family / Religion

Things You Need To Do Before You Die. Literally Die.

Sabi ni Father nung sa funeral mass ng Nanay ko last week, matagal na daw sinabi ni Lord (through the Bible) na paghandaan yung pagdating niya let alone yung death natin. Dahil si Lord naman daw yung nakakaalam kung kelan tayo um-enter sa mundong ito, siya lang din yung may say kung kelan niya tayo babawiin dito. Ilang beses inulit ni Father yung salitang, “Dapat laging handa”. Mga at least 6 times siguro on that mass. So, ito yung mga bagay na dapat niyong paghandaan sa ayaw ninyo at sa gusto. Kasi sa ayaw ninyo at sa gusto, matetegi din kayo sooner or later.

via Google

1. Huwag kalimutang maging mabuting tao. Hindi man tayong lahat naniniwala sa heaven at hell, paano pala kung meron? Gusto mo bang maging barbeque forever if meron?

2. As early as now, kumuha ng insurance or at least memorial plan. Iiwan mo na lang din yung mga mahal mo sa buhay, iiwanan mo pa sila ng gastos. Paano kung wala rin silang pera? Gusto mo bang itapon ka na lang nila sa Ilog Pasig?

3. Magsabi ka na kung ano ang gusto mo sa libing o cremate. Gusto mo ba na uudin sa ilalim ng lupa o sunugin sa loob ng high powered oven? Isama mo na rin kung anong klase ang gusto mong kabaong o kaya urn depende sa sagot mo sa nauna.

4. Ibilin mo din kung gusto mo ipadonate yung mga organs mo na mapapakinabangan pa kapag na-tsugi ka. Tutal hindi mo na rin naman kailangan nyan so baka meron pwede makagamit.

5. Mag-isip ng paborito mong kanta. Yan kasi yung ipapatugtog sa lamay mo. Ito rin yung pwedeng ipatugtog dun sa kotse na pampatay (na hindi ko maalala ang tawag). Something like S2pid Love siguro o kaya Pusong Bato.

6. Gumawa ng Last Will. Lalo na kung mayaman ka at alam mo na yung mga iiwanan mo e mga war freak. Para at least kung may pag-hahatian sila, wala ng away. Lalo na kung ang usapan ay sa lupa at ari-arian. Ilista mo na rin dito kung meron ka pang ibang assests na hindi alam ng mga kapamilya mo o kaya naman yung pin code ng maiiwan mong ATM.

Bonus: Sa mga namatayan naman ng kamag-anak, ito yung mga dapat ninyong ihanda. Note that this is based on Catholic faith though.

1. Bumili ng de plastic na kutkutin. Yung por kilo na mani o kornik. Wag yung tig pi-piso na mga Ding-dong or Dragon Sid. Mas mahal kasi yun.

2. Prepare disposable plates, utensils, Baso pang cold drinks at Baso pang hot drinks (kape).

3. Bawal daw mag-thank you sa abuloy at pagpunta. Kasi daw parang nagpapasalamat ka pa na may nadeads sa inyo.

4. Bawal daw magpauwi ng mga foods. Para hindi maubos agad para sa iba.

5. Bawal maghatid. Baka daw sumunod.

6. May padasal everyday since death of loved one for nine days (pasiyam).

7. May padasal at pakain din sa Forty Days.

Salamat pala ulit sa mga tumulong sa amin nung nawala yung nanay ko nung June 10. Ang hirap lalo’t first time kaya kudos to all of you.

20 thoughts on “Things You Need To Do Before You Die. Literally Die.

  1. Condolence. 😥 Tama itong lahat. Ang pinakamahirap sa akin yung hindi ka magpasalamat sa mga tumulong. Nahirapan ako sa isang yan noon. Kasi marami naman tlaga an tumulong pang financial na gusto mo lang naman i-express

  2. Bago ang lahat, my deepest condolences.

    Regarding dun sa bonus tips mo, yung #3 to #6 aware kami ng family ko dyan pero hindi naman namin yan actually sinunod nung namatay ang Mother ko. Siguro dahil hindi kami Catholic, and secondly pinairal lang siguro namin ang pagiging praktikal, esp. dun sa #4 na bawal daw mag-uwi ng pagkain. Yung #7 lang ang ginawa namin dahil yun ang hiling ng Lola ko na isang Katoliko, at buong puso naman namin siyang pinagbigyan.

    • kami actually walang idea. may nagsasabi lang sa amin kung ano yung mga gagawin. for me wala naman ding mawawala kung susundin yung nakasanayan kaya ginawa na lang namin. as with the padasal, hearing what it says, i guess we are doing a favor for my mother na ipagpray siya na i forgive ni Lord whatever her sins are dito sa mundong ibabaw.

  3. Sobrang hirap pag namatayan Cheesecake. My brother has passed away last December 20. Yung tipong pasko tas may patay, actually til now every week ako nasa sementeryo.. ginawa ko nang hangout place yung sementeryo since maganda naman dun at relaxing. And I am planning to do a tribute music video.. 🙂 Thank you guys, Thank you Cheesecake!

    • yup. hindi mo talaga malalaman yung feeling until nangyari na sa iyo. i hope you are good now pero i am pretty sure hindi ka pa din nakakamove on. 🙂

  4. Condolence po! It gives me anxieties reading this hahaha but I still read it anyways. I still don’t know the answers why but the thought of someone I love dies really scares me kahit pa alam ko naman na that’s just how life is.

    • kahit naman ano gawin natin, mangyayari at mangyayari. pero ayun nga, mahirap iexplain. kahit anong ready natin, iba pa rin yung mawalan ng mahal sa buhay.

    • Huhuhu ayaw ko na pong isipin! kase kahit iniisip ko pa lang, nasa sad nako. Condolence po ulit kuya.

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.