Status Updates / Travel and Events

Columbia Journal Introduction

Lumipad na naman po ang aming team (na ako lang mag-isa) diumano dito sa Columbia, South Carolina (well, may kasama ako dito pero mas nauna siya dumating, which is a month ago, tapos by next weekend, lilipad din siya papunta sa New York). Katulad ng meron ako dating journal sa Facebook at dito sa blog ko for Chicago and Milwaukee, gagawa naman ako ng bagong serye para naman dito sa Columbia. Hopefully, magkaroon ako ng oras para dito kasi bukas pa lang ako papasok sa opisina at hindi ko alam ano ang maeexpect ko. Isang Linggo pa lang ako sa bagong kumpanya tapos pinadala na ako dito. Nag-seserve pa lang ako ng notice sa previous company ko, gusto na nila ako agad magstart sa kanila para nga mapadala na dito. Well, to some extent, gusto ko talaga yung madeploy. Reasons that:

Columbia, South Carolina

1. Mukha akong pera. Pera pera din lol. Kaya nga tayo nagta-trabaho e kasi para sa pera. Bonus na lang din naman talaga kung gusto mo yung ginagawa mo on which I think yes for me pa rin naman. Kailangan ko magtipid para may maiuwi at pambayad sa utang. Lol. Contrary to what you believe in, blessed kami pero that doesn’t mean mayaman or bigtime kami. Hahaha.

2. Iwas stress. Well sana ganun nga. Di ko pa masabi fully dahil hindi pa naman ako nakakapasok sa opisina pero sana ganun nga. Paglipat ko dito sa bagong company, hindi ko expected na 3 hours at least ang kailangan ibyahe ko one way araw araw. That is Tandang Sora to McKinley. Kaya nga pagbalik ko sa Pilipinas, kailangan ko gawan ng paraan itong problema ko sa travel time. Diumano, kailangan ko ng anim na oras araw araw para makapagtrabaho. Dito 3 lang din ang kailangan kong travel time papunta sa opisina ng kliyente. Hindi nga lang oras kundi minuto. 3 hours versus 3 minutes. Pero ayon kay Google maps, 10 minutes ito kung lalakarin. At dahil kailangan kong magkuripot, dun tayo sa 10 minutes.

3. Experience. Aaminin ko sa inyo, may kakaiba akong hobby. I love looking and wonder over people. People watching kumbaga. May nabasa ako nga na sa 1 out of 10 people na makakasalamuha mo ay hindi totoong tao. Hahaha. Multo pala. Katulad siguro sa nature, by marveling over people and how a being could have thought about this is truly mindblowing. Magulo ang explanation ko diba? Kapag nakakapag-travel ka kasi, mas lumalawak kasi yung pananaw mo na hindi lang ikaw yung nasa ibabaw ng mundo. Mas lalo ang naa-amaze na paano kaya ito nagawa ng isang higher being at dahil dito, hindi naman ako ganun ka-religious, e mas lalo akong naniniwala na mayroon Diyos na in-control. Isa pa, iilan lang naman yung nagkakaroon ng chance na makapunta sa ibang lugar katulad ko so why not?

Susunod…

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.