Life and Family / Personal Musings / Pictures

Father Mother Me

Tatay Ina Ako

Naglaba ako dito ngayon. Wala namang bagay na espesyal dun pero handwash mode ako at nakatipid ako ng $24. $24 kahit na $4 lang naman ang laba dito sa mga laundry shop kung saan tig $2 yung laba at separate yung drier. Yung drier kasi dito paglabas ay medyo tuyo na. Yun lang, parang naluma yung damit hahaha. Iba pa rin yung sa araw pinatuyo kaso matagal nga lang unless tirik ang araw. Tapos nakalimutan ko na isulat dito pagkapost na yung $20 naman e pamasahe sa Uber na $10 ang one way. Ayaw ko naman lakarin papunta ng laundry, bitbit yung damit ko na nakaplastic ng 1h 15m. 😀

Binigyan ako ng idea ng kapitbahay kong si Peter na isang professor dito ng kolehiyo. Bali yung AirBnb na tinitirahan ko ngayon, isang bahay sya tapos hinati sa dalawa. Akin yung kanan at sa kanya yung kaliwa. SInabi nya na kung gusto ko daw e maglaba na lang ako tapos isampay ko sa labas.

Hindi ko na masyadong kinusot yung damit. Hindi ka naman kasi pagpapawisan dito kahit pa naglalakad ako papasok at pauwi ng opisina. Well, meron konting pawis sa leeg at ulo dahil sa tutok ng araw pero yun lang. 10 minutes din kasi na lakad ang one way. Konting babad, kusot, banlaw, tapos.

Ang view sa harap ng pintuan ko na nasa gilid ng bahay na tinitirahan ko katapat nung sa kabila.

Speaking tuloy ng pagtitipid, napag-usapan tuloy namin ni Jonalyn yung sa pagiging magulang ng isang pamilya.

Magkaiba lang yung expression ng pagmamahal yung tatay at nanay pero parehas lang yung pagmamahal. Kaya nga ako nandito para sa inyo.

Bigla tuloy bawi si Jonalyn sa gusto niyang pagbili ng bag para sa sarili niya. Nagi-guilty daw kasi siya na andito ako nagtitiis para sa kanila. Sabi ko naman wala naman yun at kung gusto niya ok lang sa akin. Jonalyn has been supportive to me ever since (#PS3 #PS4 #PSVita #Switch #Gundam etc). Ako pa minsan pumipilit sa kanya to buy something for herself. Never naman kasi namin pinag-aawayan ang pera kasi wala naman kaming pag-aawayan dahil wala naman kaming pera. Joke.

Fathers and mothers really have their own way of showing their affection to the family especially the kids. We can’t discount one over the other unless there really something missing. Wala lang talaga itong post na ito. Naglaba lang talaga ako. Tapos kukunin ko na din kasi sabi ni Google may 3% chance of rain mamayang 11pm (11am Ph Time). Lol.

PS: Di ko alam kung magagawa kong mapanood ang Joker dito. Huhuhu. Mas lalong walang pag-asa sa Jowable.

6 thoughts on “Father Mother Me

  1. Matagal tagal din ako na nawala dito at pag balik ko, ala ka na pala sa Pinas lol Kala ko vacation mode ka lng. Anyway, I agree Kuya, every parent, has their way of “loving” their kids. 😊

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.