Personal Musings

Walang Tema

Minsan, kung ano pa yung mga pinaplano natin sa buhay yun pa yung hindi nangyayari. Madalas, kung ano pa yung spontaneous at andyan na, yun pa yung natutuloy. Parang summer outing lang or night-out ng mga tropa, 10 years in the making. Parang ring yung post na ito. LOL.

Nagkaroon lang ng time ngayon kasi super bored ako ngayon dito sa work. Medyo mahirap iexplain kasi super technical. Ito yung 4LC or 4 Layer Canvas or Architecture ng OutSystems. Intro pa lang technical na. In layman’s terms, may apat na layer ang OutSystems na pwede mong ikumpara sa pagtatayo ng isang bahay. Kumbaga may pundasyon na ginagawa kunyari ng isang mason, tapos may part na ginagawa ng karpintero, may tubero, may electrician, may interior designer atbp/etc. Yan sobra sa apat yan. Hindi sa pagmamayabang kaya ko naman lahat gawin yung bahay mag-isa. May isang part lang ako hindi magaling dun which is yung pag-pipintura or yung sa CSS at Javascript kaya minsan nagtatanong ako sa mga kaopisina ko dyan sa Manila para sa advice.

E kaso dito sa kliyente namin, meron silang mga ‘magagaling’ na mga Solution Architects. Don’t get me wrong, mababait naman sila pero magaling lang. Hindi man ako sanay, imbes na ako ang gagawa ng buong bahay, taga-lagay lang ako ng pinto at bitana dito. Sa mga ka-office ko na makakabasa nito, Orchestration layer lang ako pwede gumalaw. Nakakaboring pero ayun ang gusto nila. Wala kasi silang tiwala na baka daw hindi pulido gumawa ng pundasyon yung mga trabahador kaya ayaw nilang ipagkatiwala ang pagbubuo nito. Sabi nga ng isa kong katrabaho dito sa US (same company ko so hindi part nung client to clarify): “That’s stupid.”

Marami akong ideas the past few weeks pero I rather did not post for some reason. Same reason bakit hindi ako masyadong nagpopost sa Facebook. Oha! Hindi pa masyado yan ah. Ni-disable ko nga yung Facebook ko sa phone pero after a day or two, binalik ko rin. Maybe next time habaan ko. May messenger pa rin naman ako if you need to contact me for something important. Sabi nga nila, Facebook is not for everybody.

Facebook definitely has its benefits and also has the disadvantages of making people more depressed. To make things clear, this is my personal opinion and I am not telling you to stop using the app. Also, not really depressed pero well all know that people sometimes go into their downtimes in life. Naging usapan lang naman namin ni Jonalyn nung isang araw about this.

Ano bang paki ng ibang tao sa mga pino-post mo na pagkain? Ikaw lang ba nakakakain nyan? Ano rin ba ang paki nila kung nakapunta ka sa ganitong lugar or kung lumipad ka sa ibang bansa katulad ng paglipad ng team Jessica Soho? Again, I don’t malign what you guys do kasi ganun din naman ako or kami ni Jonalyn. I just feel that most of my friends won’t really care. And the sad part of it, other ‘friends’ we have even feel nagyayabang ka or the other way around, naiinggit sila. Sorry if I sound like a really bad person on this one or even entitled. You may even hate me on this. Like I said, to each is his own. Kailangan ko lang muna siguro mag-lie low sa social media particularly sa Facebook kasi wala naman akong ibang platform bukod dito sa WordPress. Yung Instagram at Twitter na naka-tie sa account ko, shared namin ni Jonalyn yun pero sya lang nag-aaccess. LOL.

Nakalimutan ko yung pangalan ng street lol.

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.