Activities and Hobbies / Personal Musings / Status Updates / TV and Movies

This Week

As much as possible ngayon, iniiwasan ko na talaga ang mag-social media er Facebook. Wala rin naman kasi akong ibang media platforms except Facebook and this, WordPress. Pinipigilan kong mag-post kahit pa gaano nakakatawa yung meme or gaano ka-current event yung post. Well, just trying to cure this addiction. And guess what, I failed.

we failed as humans

We failed as humans as the dinosaurs via Facebook.

Kung ako lang, gusto ko na sumabog ng bonggang bongga si Taal. Pero don’t get me wrong. Gusto ko yung sabog pero walang casualty. Kahit alam kong malabong mangyari yun. Para sa ganun, makapag-move on na rin yung mga taga-malapit sa Taal dahil matutulog na ulit si little giant. Yung makabalik na sila sa dati nilang pamumuhay at move-on na. Especially yung kay Vice Mayor. Nakakatawa naman talaga yung comment ni Vice. Pero kailangan din nating intindihin. Stressed na sila dun sa sitwasyon nila na hindi nila alam kung kelan pa sila makakabalik sa dati. Siguro kung tayo rin nasa sitwasyon nila lalo’t kunyari wala naman ikaw na kamag-anak na pwedeng kumupkop sa inyo o kaya wala kang ibang kabuhayan, e baka sabihin mo rin na ‘wala pang nakaka-detect ng pagsabog ng bulkan’.

Nung andun ako sa US, parang umikot lang sa ilang topics or series or whatever yung mga pinapanood ko sa Youtube. Syempre si Idol Raffy, tapos naging mga stand-up comedy at later on pati na rin yung Bawal Judgemental ng Eat Bulaga. Speaking of comedy, been watching these guys from Youtube and then on pati na rin sa Facebook kapag may time. The guys; GB Labrador, Nonong Ballinan and James Caraan, collectively now known as The Koolpals should get more attention. Like other idols we now have in the Pinoy comedy scenes: Alex Calleja, Ryan Rems, etc. (ang haba ng listahan kaya di ko na itinuloy). Sa ngayon kasi, si Jo Koy lang yung kilala ng karamihan na pinoy stand-up comedian. At least because of him, this kind of entertainment is getting more popular. No offense to other’s tastes, yung comedy kasi na ito para sa akin e kailangan ng mas maraming wit kesa dun sa joke na kailangan mong pintasan yung tao para maka-kuha ng tawa at palakpak. Nag-inquire ako nung isang beses para sana kuhain ang schedule ng shows nila at nagulat ako na si idol James ang sumagot ng tawag ko at nasa Angkas daw siya. Lol. January 30 daw yung next nila na show kasi hindi daw ganun sila kabilis na makagawa ng material kaya kung nanonood ka sa Youtube e paulit-ulit na lang yung jokes nila dun. Tapos ang lakas mo makareklamo, hindi ka naman nagbabayad. Going back to the topic, wala lang, I felt the need to share their post on my Facebook timeline regarding their show on February 1 and 2 sa Singapore. As I said, this brand of comedy needs to be sent across. Para walang away mga koolpals si Alex talaga pinaka-idol ko lol.

Kaya tamad na tamad na rin ako mag-Facebook kasi yung mga nababasa mo hindi mo na alam kung ano ba yung totoo o hindi. Parang yung namatay na doctor sa China na gumagamot daw ng mga may Corona virus. Before anything else, hindi ko alam kung totoo o hindi yung specific na balitang ito. I never fact-checked. Ang naramdaman ko lang nung una ko itong nakita e, baka isa itong tao na may love-hate relationship sa isang Chinese tapos kinuha nya yung picture ng tatay nito sabay post sa Facebook with such caption. Ginawa mong bayani pero pinatay mo din bigla. Speaking of fake news and Corona virus, scary na nga yung nangyayari sa mundo dahil dyan sa Corona virus, pero meron pang ibang mga human beings na may gana pang magpakalat ng mga kung anu-anong mga post na hindi mo alam kung totoo tungkol dito. Isa pa yung mga biglang nahihimatay. Again, hindi ko alam kung totoo yun. Mage-gets ko pa yung mga terrorist nagpapakalat ng ganitong scare pero meron din mga walang magawa na nasisiyahan sa mga ganitong gawain.

Kain Jose

Busog pa si Pepe

Kani-kanina lang, kakabasa ko yung tungkol sa Kain Pepe thing sa Facebook. Nakikita kita ko na pero wala akong time isearch until kanina. Manyak din ako. Katulad ng 99.9% ng mga kakilala ko. Yung 0.01% parang sa commercial lang ng sabon o alcohol. Meaning, hindi sila nag-eexist. Parang sinabi mo na rin na naglagay ka ng Corona virus sa isang kwarto tapos yung 999 namatay tapos yung isa immune. Again fake news na hindi sila manyak. Pero syempre, yung pagiging manyak, inilulugar yan. Dun sa mga nagsasabing green minded lang yung nagiisip ng bastos yung Kain Pepe well baka nga.

Kain Pepe

Kain Pepe via Facebook

People know me na nag-susuot ng mga double meaning na shirts coming from Malisya of Tshirt Project. I believe yun ang totoong double meaning. Kung expression lang din naman yung defense nila sa mga ganito edi magsusuot na ako ng tshirt printed with a nude picture of Megu Fujiura.

Lastly, yung tumae sa Intramuros. No comment na ako. Nakita na naman yung kung gaano kataas ang reading comprehension ng mga Filipino.

Intramuros

Intramuros Defecation and the Filipino Mindset

Search niyo din pala yung official statement ng Intramuros Administration. Wala na ako masabi sa sinabi nila hahaha. Parang gusto nilang sabihin na okay nagmaghubad in public basta huwag tatae. Sige na lalaro na ako ng Zelda: Breath of the Wild. Babayuuuh Mimiyuuuh.

14 thoughts on “This Week

  1. Agree ako dun aa witty comedy. Nag so show ang Comedy Manila sa company namin. Hinahire talaga sila para matawa naman kami paminsan-minsan. Kasama din dun si Alex saka yung Labrador. Yung humor nasa storytelling kasi. And yun ang maganda. Hindi yung nagaalipusta. About fb, may bago akong fb at wala akong friends then ang nakafollow lang is Gma7news saka ilang arts and crafts. Mabawasan man kang ang noise sa utak ko.

  2. Laganap na talaga ang fake news ngayon sa social media. Paano ba namang hindi, eh yung mga trolls ang lalaki din ng sahod eh.

    Anyways, ayoko na magcomment pa dun. Kaka-stress lang eh. Dun na lang ako magco-comment sa Koolpals. Lagi ko pinapakinggan ang podcast nila. Tsaka noon pa gusto ko na yung pagpapatawa ni GB. Magkaiba sila ng istilo ni Alex, pero both of them are funny. Pati si Nonong, gusto ko din yung materials nya.

    Noon may VIP pass yung kapatid ko sa isang sikat na comedy bar. Ibinigay nya yun sakin pero never ko ginamit. Paano, takot ako na baka ma-okray sa harap ng maraming tao. Kaya sana ma-promote pa yung ganitong brand of comedy na pinapalaganap ng Comedy Manila. Pag ganito ang style ng show, hindi talaga ako magdadalawang-isip manood ng live.

    • nagpunta kami last time dun sa ‘sikat na comedy bar’. yes ok lang pero sabi nga ng isang review sa facebook, glorified karaoke bar lang daw yung place na yun at overpriced. to some extent I agree. kanya kanyang taste din naman pero if laughter talaga ang habol, stand up comedy ‘tayo’.

  3. and the plot thickens, nakarating na kay idol raffy sina leng at makagago nyahaha! kanya kanyang trip lang naman kasi yan, nakakatawa lang pilit pang pinagtatakpan ung kamanyakan nila. panindigan na lang kaya nila “manyak kame! pakialam nyo ba?” di ko na rin nga gets ung mga kabataan ngayon, feeling nila kina-cool nila kung liberated sila lalo na ung mga babae. hindi lang sa shirt na yan.. mga status nila at shares nagi-imply na gusto nila ng s*x. yung pinsan kong babae na katorse anyos jusko, nagsi-share ng memes tungkol sa lalaking “bakat”, masturbation at kung ano ano pa. pero again, kanya kanyang trip nga. pasalamat na lang siguro ako walang social media nung kabataan ko, walang nakakakita ng kalokohan ko masyado lol. pero may blog entry din ako dati tungkol sa “bakat” pinagpapantasyahan ko kasi yung crush kong celebrity at may facebook group kaming ginawa para dun waha! bale manyak din pala ako pero sa junjun lang ni Jiyong :’D

    • hahaha as i have said, pwede naman maging manyak basta nasa lugar. isipin mo kung nasa public ka tapos may mga bata and then ganun suot mo. sus.

      tungkol daw yung KNPP sa nutrition ng mga bata hahaha. di ko pa napapanood yung video sa youtube saka na lang.

      ps: chineck ko blog posts mo. active ka pa din pala 😀

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.