Humor / News and Information / Personal Musings / Status Updates

KEPSLOCK

Just wanted to share some lock down thoughts that I have. The past few months are crazy indeed especially for us Filipinos. Now let’s do a run down.

Boyfriend Mong Magulo Kausap

Hindi kami technically fan ni girl. Pero there was one episode in Maalaala Mo Kaya where she starred and proved her acting prowess. Nanonood kami ng movie niya as we get it just like other pinoy movies. Then this “Bawal Lumabas” came out.

Ang takeaway sa pangyayaring ito, akala mo yung mga Pilipino mga perpektong tao. I admit, I found the line and even the remix funny. Pero hindi ko inisip na bobo or inutil yung tao. Parang tipong nadapa yung tropa mo. Alam mong masakit yun para sa kanya pero tumawa ka kasi nakakatawa yung itsura or pangyayari. Dun sa mga nang-bash, kahit pa binash niyo yung tao, e nasaan kayo ngayon kumpara sa meron yung bina-bash ninyo?

Speaking of bobo, on to the next one.

Boyfriend Mong Manloloko

Ito ay parang boyfriend mo lang. Yung may kasalanan na sa iyo, pero patuloy ka pa ding niloloko. Nahuli mo na ng “red handed” e patuloy pa ring nagdedeny.

Gen Debold Sinas and his Voltes V Cake

Kumbaga, nahuli mo ng nakapatong at nakapasok, sasabihin pa rin sa iyo na hindi iyon toot-toot at nag-uusap lang sila… na may social distancing.

Happy Birthday

Boyfriend Mong Akala Mo Mayaman

Ang mayaman na public school teacher. Hindi ko sinasabing hindi mali yung ginawa niya. Ang point ko, sana kung gaano kabilis siyang hinuli, sana ganun din kabilis sa mga katulad ng nasa taas.

Word

Boyfriend Mong Ayaw Sa Commitment

Ito pa pala yung isa mong “boyfriend” na yun lang ang gusto at walang plano sa buhay.

You know what kind of plan never fails? No plan. No plan at all. ~Parasite 2020

Boyfriend Mong Sugarol

Naisip ko lang, e diba bawal naman sa China ng gambling pero sila rin yung padala ng padala ng mga Chinese dito para mag-trabaho sa POGO. Bakit hindi na lang nila i-legalize dun para wala na silang problema sa logistics. Hindi pa sila naglolokohan na kunyari bawal pero pwede naman pala. Nasa kanila pa yung tax. O baka naman may iba silang agenda?

Boyfriend Mong Walang Utak

Anong logic na meron ka na kapag ni-criticize ko yung gobyerno e dilawan na ako? Na tipong idol ko si PNoy? Na-kapag ni-like ko yung post tungkol kay VP Leni, siya na yung gusto kong next na maging presidente? Anong kagaguhan yan? Paano kung ayaw ko sa ginagawa ngayon ni Duterte and at the same time, mas ayaw ko naman kay Aquino at Roxas? Na hindi ko rin naman binoto at planong iboto si VP Leni the next time?

Dilawan

May sasabihin sa iyo yung caller ni Kuya Will

Boyfriend Mong Nawawalan Na Ng Pag-asa Sa Bayan Niya

Ako yun.

4 thoughts on “KEPSLOCK

  1. Panakaw nung Parasite quote.. Hahaha. Di ko na naisip yun.. Read the news about private sector’s plan about targeted testing. Pero base sa nabasa ko, wala pa rin concrete plan. Yung Project ARK ay parang mag o-offer sa mga private companies na gusto ipa-test ang mga employees nila. Then, POSIBLE DAW ma-extend yung testing sa mga communities (ewan ko lang, initiative na lang siguro ng mga local officials—-na ginagawa na actually tulad sa Pasig at Marikina). I mean kelan mag papa test yung mga companies, eh pumapasok na mga empleyado nila.. So ano na mangyayari pag may nag-positive.. di ba dapat shut down ulit ang operation… Tapos saka mag mass testing sa company, then papasok na ulit yung mga nag negative sa test? Isa pa, pag company-wise ginawa ang testing, mahirap pa rin i-control (as opposed to community-wise) kase yung di lang naman iisang lugar ang pinanggagalingan ng mga empleyado.. ewan ko naisip ko lang.

    • Hindi ko na alam ang dapat paniwalaan. Basta ang alam ko at nakikita ko, walang o kung meron man, kulang yung ginagawa ng government. Nakakaawa ang Pilipinas. Tapos sa kabila pa ng pandemic na ito, parang makakaramdam ka ng mga hidden agenda. Hindi prevalent pero may something.

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.