Life and Family / News and Information / Personal Musings

Gobyernong TAE

I was thinking about doing this post last week and all just about the government’s TAE. Just over the weekend until earlier today, it seems that the government never failed to surprise me and even going above and beyond TAE. Tae talaga ang TAE. TAE. Trial and Error.

Note: Ayaw ko na mag-post ng link. Given na yung mga news sources that I am citing. I guess you can’t challenge this post in the first place without knowing them. I am open to noting of mistakes as long as we can talk it as open minded Filipinos.

On Starting the School Year

Before the government’s announcement about NOT resuming the school without Covid19’s vaccine, parang wala na ring choice ang mga parents kundi ipadala ang kanilang mga anak sa open mine field dahil walang malinaw na direksyon yung gobyerno sa kanila. Siyempre may tao na humingi ng clear direction kung ano ba talaga. So with public clamor it came, and so far one of the good things that came out from them, to call the stoppage of the school year until we got vaccine. Few days later, may nag-announce sa government ULIT, telling the poeple na magsisimula na yung school year ng August. Then the day after that one, hindi na naman daw ulit mag-start.

Parang hindi sila magkakasama ng GC sa Zoom or sa messenger. Parang tine-test kung ano ang magiging reaction ng tao. Sigurado kung walang umalma, malamang may pasok ang mga bata. Ginagawang TAE ang mga tao.

Anti-Terror Bill

I can never comment intelligently on Martial Law so I would rather not comment about it. On a end, I wasn’t or my family a first hand victim of the violence and injustice of that regime but it didn’t mean it didn’t happen to others. On the other end, history is written by the victors. Conflicting opinion on my end so rather keep my mouth shut than be dumb about it.

Then many years later, now we have this Anti-Terror bill. Reading this below, it really seems a nice law to happen.

Anti-Terror Bill

Problem is, some if not most of our laws are up to interpretation. In other words, maraming butas. This same law made no punishment to a senator, a Covid19 positive one, go violate quarantine rules. The same law who excused a birthday celebrator general who violated, again, quarantine rules that is he supposed to uphold. Many more examples not just on the recent ones but also in the countries’ history it happened.

Now, you are adding a new rule to make use later as an excuse to save your ass. Giving people in power liberty to kill people and have the excuse, “terorista kasi yan”.

Try natin ipasa yung bill baka naman hindi mapansin ng tao. I-TAE natin.

GCQ

Note: Kaninang madaling araw ko pa dapat i-popost ito kaso nag-busy bigla. So minarapat ko na huwag muna mag-Facebook today baka mamaya ma-sway or madagdagan lalo ang TAE na post na ito.

Tawagin mo na akong bobo at walang ambag pero hindi ko alam kung ano ang difference ng General Community Quarantine or GCQ versus ECQ, EECQ at MECQ na mga terminologies na ang mga genius lang sa Pilipinas ang nakaisip. Kaya ang hirap sundin ng rules sa Pilipinas. Magulo kasi. Bawat lugar may kanya kanyang version ng CQs bukod na sa yung mga guidelines nito, e iba iba rin per lugar. Baka meron dyang expert sa Quarantine could help us. Everytime kasi na lalabas ako, I need to crowdsource kung kesyo kailangan ba ng I.D., bukas ba yung ganito ganyan, pwede ba dumaan dito dyan at marami pang ibang tanong.

Alam ko maraming kupal pa din na hindi sumusunod sa quarantine rules, shoutout nga pala sa kanilang mga gunggong. Pero meron ding hindi sumusunod kasi hindi nila alam ang rules, dahil nga magulo. At lastly, meron ding hindi sumusunod kasi wala silang choice. Walang kasing tulong ang gobyerno sa kanila tapos syempre bilang tao kailangan nilang kumain. So anong gagawin natin? Tapos kahapon na June 1, ayan pumasok na ang GCQ. Ayaw ko na sabihin kung ano bang meron bakit walang ka-plano plano ang gobyerno at parang sinabi na lang na, “bahala na kayo sa buhay niyo”.

As a one liner for this one, isipin mo wala pang ban sa public transportation, ang hirap ng sumakay. E tapos nag-open ka na with restrictions on public transpo, edi ayan.

Ipinagbawal/ni-regulate yung mass transporation kasi nga daw hindi masusunod yung social distancing. And then, poof, it became Koko Krunch!

Sobrang TAE talaga. Tapos daw kapag hindi nag-work, na sa ngayon e kasalanan na ng publiko dahil hindi nila sinunod ang social distancing, ay ibabalik ang Super Fortified Extended Enhanced Community Quarantine with Vitamin C and Shirota Strain.

Postscript

Mukhang mas maraming pasabog this week. Good luck mga Pinoy. Ano mga DDS kaya pa ba?

12 thoughts on “Gobyernong TAE

  1. TAE talaga eh no? Sakin as in literal. IIRC dun sa last post mo, nakipag argue ka sa isang DDS sa FB. Ok lang if you still do. Good luck. hehe. Ako, matagal nako tumigil. Nagbabasa pa rin ako ng mga comments minsan pero di nako nag rereact. Di mo na kasi malaman kung troll account o totoong account pero isip troll lang. Masyado mis-informed. Marami ganun. Kaya di ko na pinapatulan.

    Not sure yung Anti-Terror Bill fast facts sa post mo, pero parang galing sya sa mga proponent ng bill. Parang galing sa mga nag popromote nung bill. Altho di ko rin naman masyado binasa details nung batas (since biased din ako as against it), pero wala sa infographics sa post mo yung sinasabi nila na activist/critics eh pwede i-classified as terrorists.

    Regarding Martial Law, alam ko may isang batas din sila ipinasa noon (hindi ako 100% sure dito) bago isa-isang hinuli mga senador na nasa oposisyon, yung mga critics tulad ni Ninoy, Jovito Salonga, siguro kasama na mga tulad nina Pete Lacaba. Some people are saying that we’re in pseudo-Martial Law already. And this Anti Terror Bill could be a step to take it further.

    And I wouldn’t be surprised if most (if not all) of these reports/news about NPA attacks are all made up. PDuts even mentioning NPA out of nowhere in one of his TV/COVID updates.

    • Nakikipag-argue ako ngayon pero trip trip na lang haha. Especially kapag comments sa post mo or friends mo na alam mong totoong tao na die hard fans STILL. Grabe talaga yung fanaticsm na meron ang mga Pilipino ngayon. I must admit I was one of them BEFORE. Although I don’t think I am the type of person na magbubuglag-bulagan kapag may mali na.

      As per the infographic, mas nauna ko pa nakita yan sa Facebook prior this post hence the inspiration. Isa ako sa hindi nagbasa ng bill pero I don’t think I need to. As I mentioned in the post, hindi ko alam kung anong law yung umiiral ngayon na sobrang selective. Another thing is napaka-malicious ng timing. Nauubos na yung mga Pilipino sa Covid19 tapos paglaban sa Terorista ang priority ng gobyerno (well pati yung mga hinuling nag-post ng reward money). Actually marami pang pwedeng pag-usapan na “priorities” ng government just in the past few days at hindi kasama dun yung paglaban sa Covid19 other than yung pag-utang ng sunod sunod sa mga financial institutions.

      And on that Pseudo-Martial Law, hindi pa ba napapansin ng mga DDS or bulag-bulagan pa din?

    • Grabe talaga yung fanaticsm na meron ang mga Pilipino ngayon — Agree. Pero di ko rin isisi lahat sa kanila. Sa laki ba naman ng pondo ng gobyerno para sa PCOO, para sa intel, para sa fake news, misinformation at mga propaganda. Kung yung mga tao na iyon at iyon din lang ang binabasa at pina-follow sa FB di malayong malinlang nga sila kung wala magmumulat sa kanila.

      hindi ko alam kung anong law yung umiiral ngayon na sobrang selective — this bill is obviously aimed to silence the critics further. na tipong kahit wala na silang magawang matino sa gitna ng pandemia, wala na rin magrereklamo kasi huhulihin na nila.

      hindi pa ba napapansin ng mga DDS or bulag-bulagan pa din? — actually, pabor ang mga fanatiko sa martial law.. kaya mahirap talaga gisingin yung iba. simple lang naman ang diskarte ng nasa poder… i-demonize lahat ng pwedeng kumontra sa kanila (activists, mga leftists, media tulad ng ABS, mga senador ng LP tulad nina Trillanes, De Lima, etc. mga oligarkiya tulad ng mga Ayala (pero kakampi nila ang ibang oligarkiya tulad ng San Miguel na pag-aari din naman ng mga Cojuanco na crony ni Marcos at pinsan ni Cory.. o di ba? pero DDS vs. Dilawan lagi ang panabla nila, e pareho lang namang sablay silang dalawa), magpakalat ng misinformation at kumuha ng suporta.. us against them kumbaga.

    • Good luck Philippines talaga. May the odds be in our favor. At sana may HELL on the other side. Kahit mga 500 years out of forever stay muna sila dun. Silang mga sarili lang ang iniisip at nasa pwesto.

      On to those spreading misinformation, demonizations at trolling, halata naman na bayaran e. Could even be like being controlled by a single person pero 50 accounts na nagcomment sa isang news post. LOL.

  2. Ano ang bag mo? Hahaha charot 😀

    I deleted my Facebook account and I guess it’s really a good move in terms of mental health – I just have my dummy (no longer personal) account sa Facebook just for the sake of Nintendo Switch groups.

    On to the topic, until the things we’re currently defending and currently crying out loud eh mangyari sa kanila, they will stay blind. I can’t imagine how come they can stay blind to what’s really happening right now. Kanina lang, I was browsing the Internet about topics if Chinese people are actually happy with their lives, now that they’re under an administration that has no freedom of expression. It’s unfortunate na mayroon talaga na nagsasabi na they’re happy kasi they can still live. “Hi, I’m privileged being, y’know?” ang tono ng mga kwento nila and obviously, they’re fabricated. These DoDong Supporters must be very high to ignore how clusterfucked they are now.

    I have a DoDong Supporter office mate na panay basa nya ng propaganda pages, and I asked him if he does fact check all he reads… na-tag pa akong Delawan. Oh, let’s not go too far, sa family palang meron na. While ECQ pa, kinuwentuhan ako ng nanay ko na yung COVID-19 is katulad na katulad daw ng I Love You virus. I laughed so hard and told her na tama na yang YouTube at FB mo. I even told her that she must find the checkmark first before reading – but I forgot that even propagandists can be verified too y’know.

    TLDR: Di papasa sa QA yang TAE na yan.

    P.S. Hi Cheesecake! Na-miss ko dumapo sa blog mo hahahaha 😀

    • Naiisip ko din mag deact pero may bug si FB. Minsan ginagawa ko, dinedelete ko yung Application sa phone ko. Pati bookmark sa PC. Good move for you though.

      Switch at PS4 mode din ako now. Hehe. Bihira din makapag post. Minsan nasa utak ko tapos kapag magpopost na, nakakalimutan ko na. 😀

    • Nung time kasi na yun, wala naman akong maisip ipost plus wala rin naman nakakamiss sakin HAHAHAHA charot lang ung dulo.

      Well, it’s much more of “nabobored ako” noon sa Facebook kaya tinanggal ko na lang permanently. Yup I lost a lot of pictures and stuff. Kind of a social experiment at a cost of some people’s friendship. Tiningnan ko kung sinong magre-reach out sakin when I don’t exist in Facebook. Turns out, it took a year or two para mareach lang nila ako – thanks LinkedIn. 😀

    • Ang usual naman din magrereach out sa iyo e yung mga daily mo kasama at magtatanong kung itatag ka ba. Hehehe.

      Bored din naman ako and especially ang daming trolls, fake news at bulag na mga pinoy ngayon. Nakakainis lang. 😀

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.