Ito yung bansa na puro tuta na lang yung nagbibigay ng direksyon sa buhay ng mga tao dito. Sila na lang kasi yata yung nagmumukhang may pakinabang sa lugar na ito. Kumpara sa ibang mga nilalang dito e mukhang sila lang yung may pondo at kita naman sa itsura ng tinitirahan nila. Sila din yata yung may magandang libangan at magagarang mga sasakyan.
Walang kwenta yung mga politiko dito at walang ginawa kung hindi magbangayan. Pagdating sa oras ng problema wala silang maitulong at puro pagpapasikat at press release lang. Basta may mga party at seremonyas andun sila. Minsan sa sobrang helpless nila sa mga tuta na lang sila umaasa at sunod-sunuran. Nakakapagtaka lang na kahit ganoon man, e nananalo pa rin ang mga pulpol na mga politikong ito na sarili lang naman ang iniisip o kaya naman yung mga pinahahalagahan lang nila sa buhay.
Kahit pa nagkakasakit na yung mga frontliners at walang ginagawa yung gobyerno derecho pa din sila sa pagtulong sa mga tao. Wala naman silang choice kasi sila yung inaasahan. Patuloy kahit walang suporta mula sa gobyerno dahil kahit ang gobyerno sa kanila din umaaasa.
