Activities and Hobbies / News and Information

Youtube: Scamming and Hacking (plus tips on how to avoid it)

Sabi nila, kapag nasa kakaibang section kana ng Youtube, ang ibig sabihin nun late na at hindi ka makatulog. Well, speaking of kakaiba, yan yung mga channels na tungkol sa pagka-crack ng buto ng mga chiropractors, pagma-microwave ng iPhone, pagkukuryente ng sarili at kung anu-ano pa. Pero mas matinding level na yung manonood ka ng pagtatanggal ng mga malalaking tutule, pagtatanggal ng mga namuong mga blackheads at pati na rin yung ilang taon na hindi nagpa-dentista.

Call Center Scams

Nung last weekend, medyo kakaiba ang trip ko. Hindi ako puyat pero ako lang ang gising dahil nga sa gabi ako nagta-trabaho dito sa bahay. So syempre, gising ako sa madaling araw. Wala naman akong magawa kaya habang kumakain ng cheesecake na tira nung birthday ni Aquila, e nanood ako sa Youtube sa TV namin. At ito yung nakita ko dahil for some reason na hindi ko alam e nasa recommendation ito ni Youtube:

Nakailang video na niya ako bago ako nakarating dito sa video na ito sa taas. Nakaka-amaze kahit pa ako mismo ay isang IT person. Yung mga concepts na binanggit nya dito e pamilyar at legit pero nakakatuwa kasi ibang level pa rin yung hacking ability niya. That said, hindi naman porket software developer ay marunong na mag-hack.

What’s interesting as well is the scams that these guys are doing. Siya nga pala, nakita ko sa isang video sa channel na ito na may mga pinoys din sa ganitong arena. So tigilan nyo na yan LOL. By watching these videos hopefully medyo magkakaroon kayo ng awareness sa mga scam na ito para maiwasan niyo rin sa future.

Later on try ko din magbigay ng tips on top of mind na pwede niyong gawin para makaiwas hopefully sa ganitong mga scams. These videos or the other ones posted in his channel could enlighten you na LAHAT ay pwedeng ma-hack. It is more of adding layers of security to your system or network.

Dito sa last video nakita na nahuli yung CEO ng scam company. Hindi ko lang alam kung katulad ba ito sa Pilipinas na hinuli pero publicity lang pala. Mukha rin walang planong ang Wednesday* group na ibalik yung pera.

Random Tips Para Makaiwas Sa Cyber Scams

(kung ano lang maisip ko, in other words, stock knowledge lol)

    • Make your passwords as hard to guess as possible by adding upper and lower cased characters, numbers and special characters. Parang jejemon lang. !K4wLh4N6Z@p4TN4
    • Huwag iisang password sa mga accounts mo lalo na yung sa mga bank accounts. Kapag nahack email mo na same password sa iba, ayun wasak ka na.
    • Kapag may humingi ng password mo or OTP (one-time password) mo, malamang ungas iyon. Kapag binigay mo, ungas ka din.
    • Huwag mag-access ng mga secured sites sa hindi mo computer hangga’t maaari. Keywords (tamad mag-explain): Keylogger, Browser History, Virus.
    • Huwag mag-click ng mga advertisements like yung mga gamot pampalaki ng ano o kaya yung maraming babae na pwedeng mong maging jowa sa inyong neighborhood.
    • If something is too good to be true then it likely it isn’t.

Ang gagaling ng mga artista sa mga ads na ganito LOL.

  • People won’t know about something about you in the internet unless you put it there.
  • That said, don’t put your Personal Identifiable Information (PII) out there. PII includes but not limited to: Birthdate, Credit Card Number, Social Security Number, License Number, etc.
  • Huwag i-post sa internet publicly ang inyong email na ganito: username@mail.com. Mask it to something else like username at mail dot com. May mga skimming programs kasi na pwedeng makuha ang mga emails na ito at you end up getting spams.
  • Check the URLs of the site you are accessing. Kunyari, BPI.com.ph. Pero pagtingin mo sa address bar, BPl.com.ph. Or worst, hindi ko alam kung hindi mo pa magegets ito, yung mga URL like, 192.168.1.2/bpi. Hindi mo napansin kasi gayang gaya yung website tapos naglogin ka ng username password mo. AYUN BOOM!
  • Bottomline dun sa mga phishing sites (kinokipya yung website na akala mo totoo), huwag mag access ng hindi ka sigurado.
  • There’s phishing sites and then there’s phishing emails. More below.

Phising Email

This I will try to guide you what are the legit checks you can do on a phishing email:

Ninakaw ng walang paalam (or late notice) sa Facebook post ni Kaye 😀

  1. Hindi ka umorder sa Shopee. Tapos may “s” yung confirmation.
  2. Taenang email address yan.
  3. Wala kang BPI Account.
  4. Bobo mag-English. Note: Ako yung mali. It’s not you it’s me. Tinatamad na ako i-edit yung annotations ng attached pics LOL.
  5. Either mahirap ka at wala kang pambili ng cellphone or mayaman ka at naka latest iPhone ka.
  6. Hindi ka taga-Tarlac.
  7. Bobo mag-English part 2.
  8. Pagpindot mo neto, ayun nasa Phishing site ka na.
  9. Hindi ko alam kung ano ang tama: “System Generated” or “System-generated”. Haha.

3 thoughts on “Youtube: Scamming and Hacking (plus tips on how to avoid it)

  1. Naalala ko nag download ng Q-dir (freeware) yung kasama ko sa office. Dun sa page ibang download button ang na-click nya. Ayun, derecho sa IT yung laptop nya. hahaha.

    Nag log in ako sa secured sites gamit itong PC ko sa office. Safe na ba pag nag delete ako ng browsing history (sites, cookies, etc.)?

    • Again not really that technical on security but with deleting browsing history, it’s all up to you. Ang advantage naman kasi nyan is para mas mabilis ang pag-browse kasi nakasave na locally sa pc mo. Plus, it takes space. On the other hand, there is a possibility you are saving something malicious. We also clear it if something is funky on a web site e.g. not showing properly. Again all up you.

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.