News and Information / Travel and Events

LTO Motor Vehicle Registration [LTO QC Extension Site / October 2020]

As Usual, The Long Intro

Hey guys, kailangan na magtanggal ng agiw sa bahay na ito kaya andito ako ulit. Well I just have something so naturally compelled to write about it since most of my goal is to help people out by sharing information about important topic. At ito na nga.

This year, hindi ko nakapagpa-rehistro ng sasakyan dahil without excuses tinamad ako haha. As some of you guys know, galing ako ng U.S. last year at nakabalik lang just before the 2019 holiday. So dahil January ang schedule ng rehistro ni Taguro tinamad ako na agad agad magpa-rehistro. At dahil tinamad ako, dumating naman yung Covid-19 at the end of February going March. As we know nagkaroon pa din naman ng chance na mag-open several instances ang LTO for this pero pumutok din yung balita na several employees of LTO got sick of Covid19. Again for me, mas okay na magbayad ng mahal for late registration penalty kesa magbayad ng 800k+ Php for getting sick of Covid19 or worst death to you or you family members.

Ang plan ko noon sana next January na magpa-rehistro para isahan na lang pero andun yung kaba na baka mahuli ka bigla na paso ang rehistro mo at automatic impound ka with Php 10,000 fine. Kumbaga walang peace of mind kapag bumabyahe ka lalo kapag malayo. At payo naman din ng pinsan ko, magpa-rehistro na ako kasi baka mas malaki ang babayaran ko next year dahil sa patong patong na penalties. I decided to eventually do it this week since medyo humupa na yata (again di ako sure) yung takot na dala ng Covid19 at ito na yun.

Steps to Renew Your Motor Vehicle Registration

Note: Hindi ako nakakuha ng pictures ng lugar kasi maulan. Hanap na lang ako ng pictures sa internet mamaya.

  1. The very first step is to go to the LTO Appointment Application (Website). At this day and age, dapat naman talaga i-digitize na yung mga ganitong bagay ang I think LTO did a good job in making it easy and simple enough. With that I guess hindi ko na kailangan kayo I walkthrough sa application process. Konting basa lang ang kailangan at ilabas niyo yung previous Certificate of Registration ninyo kasi dun manggagaling yung eencode niyo na details sa application.

Ang pinakaimportanteng part e kung saan ka magpaparegister na LTO office. As a suggestion ng car group ko na MuXOP, mu-X Owners of the Philippines, sa Land Transportation Office (LTO) Quezon City Extension Office daw ako pumunta kasi kakaunti ang tao. Sa may Cubao lang ito. Na-prove ko rin naman. Good thing na taga-Quezon City pero naririnig ko na usapan nung mga kasama ko sa pila na taga-Marikina daw sila at puno dun kaya dito sa Quezon City Extension sila nagpunta. Asa ka din kung sa Main Office (East Avenue) ka pupunta. Depende kasi sa Office kung saan ka pupunta, yung magiging available dates for you to get your registration. I overheard, sa ibang Offices through the appointment application, isang buwan booked na agad. Dito sa LTO Cubao (ang haba ng Quezon City Extension Office, LOL) as soon as after two days open pa yung slots. Which brings me to my next point.

  1. For my benefit, dahil nightshift ako, pinili ko yung earliest slot which is 8am to 9am. Dahil sa overconfidence ko, dumating ako dun ng 8:45am hahaha. Kahit pa nakalagay sa website ng be there 15 minutes before your timeslot. Ito yung sitwasyon around 9am so expected ko na mas worse yung ibang timeslot. I can’t speak for the other slots personally pero given how it looks meaning:

Vehicle Registration office pero super limited ng parking. Mas malaki pa yung space ng kalsada ng 20th street. I know extension office lang ito at hindi required ng malaking space pero around less than 20 lang yata yung pwede mag-park tapos siksikan pa. Tapos imagine mo dyan na yung ilang slots pa, empleyado ng LTO. Hahaha. So papasok ka ng LTO tapos pag walang open labas ka tapos ikot ka ulit. Yung sidestreet parking na bawal pero walang choice yun iba kaya dun na din nagpark. Kaso din, puno na din yung hahaha.

So naka-tatlong ikot ako dyan pero di pa rin naka-park. May mga chumamba na sakto pagpasok may umalis. Ako hindi ako naka-swerte nitong Monday pagpunta ko. Nagpa-reschedule ako ulit sa Appointment app and ayun hindi open yung 8am to 9am ng Tuesday, pero Wednesday goods.

  1. Bumalik ako ng Wednesday this week pero di pa rin ako natuto. Dumating ako ng 7:45am. Nasaktuhan ko na may 1 bakanteng slot. As in naswertehan ko lang. After that ikot ikot lang ulit mga kasunod ko. Sabi ng LTO website, kapag na-late ka sa appointment mo or wala kang appointment you will have to go to the “Normal Processing”. Hindi ko alam kung ano yun pero mas matagal daw sa online appointment.
  2. Technically, dalawa lang ang kailangan mong i-workout para dun sa registration kung nag-online appointment ka: Emission Testing Results at Complusory Third Party Liability (CTPL). Yung iba kasi needed dun sa registration ay meron ka na like yung pinakaimportante: Official Receipt / Certificate of Registration (OR/CR). Emission Testing is worth Php 1000 sa LTO vincinity pero since sa labas ako nagpagawa, Php 450 lang. Yung CPTL makakabili ka sa Mapfre for around Php 500 something (check niyo na lang) pero dahil Friday last week ako nagpa-emission at Monday ako supposedly magpupunta ng LTO, dun na ako bumili sa kung saan ako nagpa-emission. Php 750. Lol.

So dapat bago ka pumunta, dala mo yung OR/CR, Emission Testing, CPTL at yung Appointment Slip. The rest andun na makukuha except dun sa TIN pero di naman hinanap sa akin. At syempre pala yung kotseng (or motor) irerehistro mo.

  1. As soon as maswertehan mong maka-park, pupunta ka dun sa Window 2 or 3. Makikita mo agad kasi maliit lang yung place. Veverify nila at pipirmahan. After nun, ibabalik sa iyo kasama nung papel para sa stencil at yun papel para sa contract tracing. Magdala kayo ng ballpen. Kung hindi Php 18 ang ballpen dito. Ginto yung tinta. Joke.
  2. Dadalhin mo yung mga papel dun sa mga nakatambay na mga inspector. Color coded yung damit nila and that time, navy blue polo shirt na may tatak na LTO at naka-ID sila ng LTO. If hindi ka sure tanong ka sa guard para di ka makapunta dun sa mga fixer. But then again I think hindi ka naman ma-fall dun kasi iilan lang naman sila dun. Pero more on fixers later.
  3. After mo mapastencil (may sinilip lang si kuya inspector sa ilalim at finill-up yung form), ibabalik mo dun sa Window 2 or 3 (kung sino man yung nagverify sa forms mo). May gagawin lang ulit dun sa loob tapos ibabalik sa iyo ulit papel mo. Ngayon dadahilhin mo na yung papers mo sa Window 10. Well not technically at Window 10 kasi may staging area dahil sa Covid19. So iaabot mo yung papers mo kay Lady Guard or kung sino man yung nagbabantay dun sa entrance dun sa Main Building ng office na iyon. Uupo kayo sa labas at aantayin tawagin ang pangalan mo. During the time nagpunta ako, may 5 lang na tao sa pila ang nauna sa akin na naghihintay matawag.
  4. After a while natawag ako sa loob, nagbayad at nakuha yung OR. Nag-staple si ate ng maliit na papel sa OR ko at yun pala yung number ng site na yun. Tatawag ka kung available na yung CR. Di ko alam kung kelan yun makukuha pero walang certainty. Nagtanong ako kay guard kung kelan usually di nya rin daw alam. And for the record, took me not more than 35 minutes to complete everything kasama yung pag-park. Di ko lang alam kung gaano for Normal Processing pero ayaw ko alamin. Lol.
  5. Speaking of fixers, yung emission testing na napuntahan ko, nag-offer ng “No Appearance Processing”. As a person with pride and as someone who hopes for the betterment of the Philippines, mas gusto ko na hindi magpalakad. Nagtanong ako kay kuya just out of curiosity and sinabi na since may penalty baka umabot daw ng 6k babayadan ko. He stressed na 300 lang naman daw sa kanila doon at naka-resibo naman daw lahat. Usapan din dun sa pila dun sa staging area ng pagbabayad na “kung mahal yung araw mo e ipalakad mo na lang”. Good thing na rin na hindi ako nagpalakad kasi it turned out, Php 3779.xx lang ang binayadan ko. Kahit pa dapat January ako magpapa-rehistro, naconsider ako dahil nga sa Covid19 situation. Alam ko same goes especially sa mga supposedly magpaparesgister these recent months. Again, hindi ko alam sa ibang site pero don’t hold me accountable for that. Tipong, nabasa ko sa blog ni JC, sa Cubao walang penalty. #BalaKayoDyan

Disclaimer: I can only discuss the process I went through here. Yung mga kakaibang moves hindi ko masasagot pati yung kung magkano bayad kapag ganitong klase ng kotse etc. Check niyo na lang yung website ni LTO kasi karamihin naman ng information andun otherwise tawagan niyo sila. Shoutout na lang sa mga taong pumupunta dito sa blog ko kahit di ako nagpopost hahaha. Karamihan ata sa kanila bots or spammers. 😀

Cheers!

PPS: Sorry nakakabadtrip yung bagong post editor ni WordPress. Tinamad na ako ayusin formatting. Next time aralin ko. Nasira yung UL at LI tags.

4 thoughts on “LTO Motor Vehicle Registration [LTO QC Extension Site / October 2020]

  1. Naasar din ako sa biglaang pagbabago ng wordpress pero natuklasan ko na pag sinave mo ito at nagpunta ka sa edit, may choices: Edit, Classic Editor at Quick Edit. So dun ako sa classic haha

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.