Personal Musings

Impression

I started shying away from Facebook recently reason somehow I am back here. Iwas lang sa negativity sa buhay LOL. So recently I started messaging out people in Facebook for a ‘serious’ message about work pero hindi ako pinansin. Hindi ko sila masisisi kasi puro kalokohan ang mga pinagpopost ko sa Facebook kaya siguro hindi sineryoso yung ‘professional’ message ko. LOL. Naisip ko tuloy dapat yata sa LinkedIn ako nag-message para mas credible. Hahaha.

Personally I seem to have this habit of making the wrong impression to people. Kaya siguro kapag nagmo-mall kami, we go on simple outfit. Kaya siguro hindi kami pinapansin ng mga nagbibigay ng credit card o kaya kapag nasa botique or what. Alam ko nai-post ko na before nung naghahanap kami ng item sa mall at nakadepende yata sa itsura kaya ang sinabi sa amin e: “Sir ito lang yung pinakamura”. If you can interpret this showing as being humble to then I guess you are right too.

Kaso may time lang talaga na something would get on to your nerves. Nothing recent but somehow related to a recent event. Hindi kasi mawawala yung mga taong dahil siguro hindi ka naman kilala e walang bilib sa kakayahan mo. In a way, I love getting this kind of impression and then later would prove them otherwise. Na akala ganun ganun ka lang tapos hindi pala.

Nakakatuwa kahit minsan gusto mo na patulan. Hahaha. Hopefully later malalaglag na sila sa kinauupuan nila.

BALAKAYODYAN

EDIT: Taena after not posting for a very long time, nakakabobo ang WordPress. HAHAHA.

15 thoughts on “Impression

  1. Natawa ako ng slight sa post mo. Haha. Ako naman, nasi-seenzone ng mga dating katrabaho dahil lang kinumusta ko sila. Alam mo naman ang mindset ng iba na pag nangumusta, ang next sentence would be “May extra ka ba dyan?”

    Isang beses lang ako lumabas at kumain sa ihaw-ihaw na nakadamit basahan. Basahan in the sense na, nagpipintura kami ng bahay so ang suot ko yung pinakaluma at may mangilan-ngilang maliit na butas na damit. Yung leggings ko naman ay kupas din at tastas pa ang dulo. Hindi na ako nagpalit ng damit dahil hassle eh.

    Surprisingly, magiliw naman kaming pinagsilbihan. Pag naaalala ko yun, kako di ko na uulitin dahil sobrang nakakatawa ang itsura ko noon.

  2. When I started deactivating FB, I felt more at peace and more aware of my reality. I found out that one of my triggers are nega posts on FB and bec i know its their right to post, my way of coping was to leave FB. And i still dont regret it. Hehe! Sa mga judgmental naman, napagkamalan nga ako ng guard ng subd namin na katulong kasi tamad akong mag ayos. Nkakaloka but it was so funny. Tamad pa rin akong mag ayos. Balakayodyan hehe!

    • I am not totally out pero ang mahirap lang maiwan yung messenger side ng FB. And to the other comment, yung wife ko tinanong kung andito daw ba yung amo nya sa bahay LOL

  3. balik blogging na ba? mas gusto ko rin si classic editor. anyway, sarap talaga ng feeling na mamatahin ka ng mga tao tapos malupet ka pala sa isang bagay na wala silang kaalam-alam.

  4. Akala ko ako lang yung medyo na pag iwanan ng mundo sa blogging 😀 Ay naku, same po tayo, I’d prefer to dress casual and give them that wrong impression. And towards the end, pay it all in cash hahaha. Mahirap pumorma pag may kasama kang anak na makulit. Anyway, hope all is well po sa inyo. And yes, nakaka bobo yung wordpress after a very hiatus. Stay safe po!

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.