Personal Musings / Status Updates

Toybits

(Thoughts while debbuging my code, off working hours)

Naalala ko noon nung high school, 3rd year to be particular, nahirapan yung math teacher ko na si Ma’am Curray kasi I am way above sa average students pero kapag sinasama ako sa ibang math genius namely Gary and Raffy na mga tropa ko din e nahuhuli ako. Wala naman akong problema dun. Katulad nga nung sabi dun sa isang Facebook video na shinare ko din recently: chill chill lang.

Hindi sa pagmamayabang pero I really know that I am above average kasi pumasa ako sa DOST Scholarship. Basically a few of us versus around 6 thousand applicants. Pero ang totoo hindi naman din ganun kahirap yung exam. Nagtry ako sa UPCAT ayun dun alam ko na kung anong kalalagyan ko.

Nung college naman, I spent 7.5 years to graduate from Adamson University. Para sa akin, calling din na na-force to shift ako from Computer Engineering and I had to choose Computer Science over it. Forced to shift is really a nice way of saying na na-kick out ako sa course ko. Years prior natanggal din ako sa DOST given the grades that I am giving. Then came these computer programming na nag-excel talaga ako. Yung grade ko nga dun is lagpas pa ng “uno” kasi uno tapos may bonus points pa sa prof namin. Akala ng mga classmates namin nun e may cold war between me and Jonard but little they know that we are friends, well actually became friends and it is more of a friendly competition instead of proving who’s best over each other. Kapag may excercises kasi yung teacher namin, paunahan kami makasagot na hindi lang working code kundi kasama pa yung UI. Yun ata yung reason kaya may mga plus points pa kami. Narealize ko at that time that I was really into programming instead of doing circuit boards.

Intro pa lang yan mga nasa taas. Para sa akin nasa tinatawag pa rin naman hussle or diskarte sa buhay ang isa sa guguhit ng kapalaran mo katulad nung message sa Facebook/Tiktok video na sinasabi ko. Nothing against Cum Laudes but being one for sure meron kang advantage pero kapag hindi mo naman ginamit to your advantage, e wala rin kwenta. We already have heard a lot of rags to riches stories of people that even got no education. Kailangan natin mag-aral at gamitin yung kaalaman na yun para magawa yung mga dapat gawin pero para sa akin mas importante yung personality at work ethics ng isang tao. Useless na magaling pero masama naman ang ugali.

Again, intro pa lang yan ulit mga nasa taas. From time to time talaga naaalala ko yung moment na patawid ako sa kanto ng San Marcelino at Ayala (if I am not mistaken), from Adamson heading towards the direction of SM Manila tapos nakasalubong ko yung kakilala ko sa dati kong organization sa Adamson. Binati ko naman siya ng maayos pero sinuklian ako ng tingin mula ulo hanggang paa. That time kasi dapat graduate na ako sa Computer Engineering e kaso hindi. Siya sigurado nakatapos on-time. Pero alam ko kung ano yung tumatakbo sa isip nya at hindi nya ako nabati at instead parang ang bobo ng tingin sa akin. Malamang maayos at maganda ang trabaho nya ngayon.

Pero tangina, ako rin naman. LOL.

Clue kung anong organization ko siya kilala at sino sya, andito rin sa post. Hindi sya yung mga ni-name drop ko kasi mga friends yan.

Ito pala yung video: https://www.facebook.com/kramstv/posts/172212338251496

PS: Ang hirap mag-edit at magformat sa bagong WP hahaha bahala na kayo.

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.