Salbabida ni Ma'am
News and Information, Personal Musings, TV and Movies

Glory and Sacrifice

Last night I was able to watch this Youtube video about teachers having to sacrifice themselves for the love of their profession. Pretty heroic act and needs to be commended for what they do specially having to leave their families behind doing so.

BUT NOT REALLY

Tagalog mode para mas malapit sa puso natin.

Kahanga-hanga naman talaga yung ipinapamalas na pagmamahal sa kanilang mga bokasyong ng mga guro ito pero para sa akin hindi dapat sila bigyan ng pagpupugay. Bakit kamo? Kasi sa una pa lang, hindi nila dapat pinagdadaanan ang mga hirap na iyan para lang magampanan nila yung tungkulin nila bilang guro. Sa pagsasabing mga bayani sila, ay nangangahulugang ayos lang din na pabayaan sila ng pamahalaan na sumasakop sa kanila. Na bilang bayani ay dapat nilang ipagpatuloy ang kagawiang mabuti na ito. Na wala namang problema na tumatawid sila sa ilog na kapanga-panganib kasi nga ito ay kabaya-bayani.

Sa mga ganitong pagkakataon naaalala ko yung isang malaking grupo ng mga tao na sumasamba sa isang mala-anghel na tao na walang dungis ang pagkatao. Umiwas man tayo sa usaping politikal pero talagang ito’y isa sa mga ito. Naalala ko lang sila kasi ang parating lumalabas sa kanilang mga pag-iisip ay “huwag kayong mag-reklamo sumunod na lang kayo” o kaya naman “tiwala lang tayo sa kanya, alam niya yung nakakabuti para sa atin”. Ang problema ito rin yung uri ng pag-iisip na naglugmok sa mga taong ito kung saan sila naroroon ngayon. Hindi ko sinasabing wala silang boses o kaya naman hindi sila gumawa ng paraan para maibsan ang kanilang kalagayan. Ngunit kung walang boses na magsasalita para sa kanina, na sa pagkakataong ito ay ang programa ni Bb. Jessica Soho, ay hindi pa makakalampag ang mga lokal na gobyerno pati na rin ang kamulatan ng sambayanang Pilipino na nangyayari ito. Ang nakakalungkot lang din minsan, imbes na yung lokal na pamahalaan ang mangunguna sa pagtulong sa kanila, mga pribadong tao pa o kaya mga tinatawag natin NGO o Non-Government Organization pa ang sumusuporta.

Magandang ugali ng mga Pilipino ang pagiging matyaga o matiisin. Pero hindi rin maganda kung puro tiis na lang kung alam naman natin na hindi natin kailangang magtiis. Dahil madalas, karapatan natin ito subalit napupunta laman sa iilan. Magulo ang opinyon ko pero sana nahuli ninyo ang punto. Sila ay bayani pero hindi sila dapat maging bayani.

PS: Sa mga magsasabing kulang kasi ang pondo. Mga ulul. Kung walang pera ang gobyerno walang mag-aagawan umupo dyan.

3 thoughts on “Glory and Sacrifice”

  1. 100% agree ako dito.

    Pag nag papaka bayani at napi-feature sa Jessica Soho ayos lang, pero pag nagrarally para sa mataas na sahod at kung anu-ano pang karapatan, ay tamad/talangka/free handouts agad.. Ito madalas ko nakikita sa feeds ko.

    Altho nakakatulong ang malalaking media, tingin ko parte din sila ng problema.. nasabi mo nga, minsan NGO pa ang tumutulong habang natutulog ang nasa pamahalaan. Bukod sa may halong sensationalism (mas madrama, mas mataas ang rating).. napapanatili o nanonormalize din nila ang mga ganitong kalagayan.. na parang di mo kailangan magreklamo or humingi ng tulong sa gobyerno, sa halip lalapit ka sa media, at ang worse/extreme example nito, ay yung thinking na, bawat problema, idudulog mo kay Tulfo.

    1. pero pag nagrarally para sa mataas na sahod at kung anu-ano pang karapatan, ay tamad/talangka/free handouts agad

      or terorista lol

      you made a pretty good point. minsan din hindi pinapansin ng media kapag hindi papatok sa mga viewers nila. kasi na-experience namin before hindi naging priority sa tulfo yung nangyari sa pinsan ko. pero kapag mga hiwalayan ng mga youtubers mas gusto nila yun lol. sabi nga ng iba malalaman mo na may problema ang justice system natin kung ang mga tao nagpupunta instead sa mga ganitong programa.

    2. oo. actually may mga news ako nkikita sa social media–mga pang aabuso, pag patay–na di yata napapansin ng GMA.. bukod kasi sa obviously, yung news ay obviously hindi papabor sa admin, di rin sya siguro bebenta o mag tetrending. Kasi nga pagtulong/pagbabalita, este likes/views/subscribers din naman ang usapan.

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.