Life and Family, News and Information, Pictures

LTO Eastwood Driver’s License Renewal

LTO Online Exam Question
Isa sa mga tanong sa LTO Online question na naalala namin ni Jonalyn. Parehas kaming mali dito. Kasi nga, expired na yung lisensya namin pero kanina lang kami pumunta sa LTO para mag-renew. To my defense, sabi ng LTO email support, pwede daw until end of November dahil sa pandemic.

Disclaimer: This post only intend to discuss the experience we had for renewing our Non-Professional Driver’s License at LTO Eastwood DLRO. This means I won’t be able to cover other processes involving other license types or even the process on other LTO branches.

First of all shoutout kay Emman na nagsuggest na dun pumunta sa LTO Eastwood para magrenew. Totoong mabilis kasi walang masyadong tao dun sa site. Medyo naligaw kami ng kaunti pero okay lang kasi few minutes lang naman na lakad from the parking. Hindi kasi ako masyadong familiar sa area. Basically, sa Eastwood Mall kami nag-park tapos yung LTO office ay nandun sa 3rd floor ng CyberOne building. The only thing you need to bring is your Valid ID and the old Driver’s License. Edit: At PERA.

I really plan to just go with processing everything online pero ayaw pumasok ng registration ko sa portal. You can actually go to https://portal.lto.gov.ph/ to access the online registration. Tried reaching out to the technical support pero ayaw pa rin based on their instructions. Siguro dahil sa expired na yung license namin kaya ayaw tanggapin yung dates. Sabi sa nabasa ko online, pwede ka na mag-renew 2 months before the expiration date/ In case that you can, isa rin sa mali ko pero hindi ko matanggap e yung “No” ang sagot pala dito. Pero yun talaga e LOL.

Kapag naka-register ka na, pwede ka na mag-exam by clicking on the link na nakadisplay sa baba.

No pressure sabi ni ate na nag-a-assist sa amin pero kapag hindi ka pumasa dito, 60% ata yung passing, e maka-cancel yung license mo. Kailangan mo yatang tumama ng 13 out of the total 25 questions. Random yung questions kasi may mga tanong kay Jonalyn na hindi ko na-encounter vice versa. Kung hindi ka naman nakapag-exam prior sa pagpunta mo sa LTO site, pwedeng dun ka na mag-exam on the spot. Ang medyo hassle lang sa exam is kapag hindi ka isang rider. Of the 25 questions kasi dito, mga nasa 6 more or less ang specific sa motorcycle ang tanong. After mong mag-exam, iprint lang nila yung certificate katulad sa baba at magiging attachment ito sa application for renewal mo.

Regardless if nakapag-exam ka na sa bahay or dun mo gagawin yung pagsusulit mo sa site, ang totoong first step ay yung magpa-medical. The good thing about the LTO Eastwood site e nandun na sa loob mismo yung pa-medical. Naalala ko noon nung nag-apply kami ng bagong lisensya sa LTO Main East Avenue, maglalakad ka pa sa labas ng site para magpa-medical. Depende kung anong oras pero malamang mainit tapos magko-cross over ka pa sa mga fixer na nasa labas mismo ng site. In fairness naman, legit yung doctor sa LTO Eastwood pero dun sa unang experience namin e hindi ko maipaliwanag. Parang ipina-demo lang sa amin kung nagagalaw mo yung mga legs mo na parang tumatapak ka ng break at clutch. Nakakatawa lang. Hindi nga lang ako convinced na 20/20 ang vision ko sabi ni Doc. Baka magaling lang ako manghula ng letters na maliliit na ipinapakita sa TV. High tech na sila kasi hindi na poster sa pader. Medyo bagsak lang ako dun sa color blindness test kasi di ko mabasa yung mga numbers na bilog bilog at iba ibang kulay. Basta alam niyo na yun.

Ayan yung bayad sa Medical Checkup.

On our case katulad ng sabi ko, after ng medical exam andun na rin mismo sa maliit na opisina nila yung terminals kung saan ka pwedeng magregister sa portal na gagamitin mo rin sa pag-e-exam. This time with the guidance of one of their staff who is very accomodating. Never failed to mention to her that doing the renewal at their site is convenient and efficient. Kung hindi ako nagkakamali e yung nag-a-assist mismo sa amin ay yung mismong head ng opisina na akala mo parang isang staff lang din. Imagine that kaya kudos to them.

After nung exam, aantayin lang tawagin ulit yung number mo para i-encode yung extra details mo for the license itself. Siya nga pala, may mga extra bayad para dun sa pagprint nung exam certificate which is Php 20. Additional fee na minimal din para sa pag-xerox ng valid ID mo. After nun, ibibigay sa iyo itong nasa baba para pumunta ka naman sa cashier na again, andun din mismo sa maliit na space pero sa kabilang side lang.

License Schedule of Fees
Php 585 for the renewal.

Voila! After a few more minutes, pupunta ka na sa releasing para mag-biometric at makuha yung bagong lisensya mo. Option mo din kung gusto mo magpakuha ng bagong litrato (kung panget ka sa luma mong lisensya LOL). Took us I guess 1.5 hrs to complete the whole process.

LTO Eastwood

PS: Nag-CR ako dun sa pinakamalapit na CR sa opisina. Nakakabobo hindi ko alam kung paano maghuhugas ng kamay. Nakakabobo pero mga 20 secs bago ko na-realize.

Late ko nabasa yung sign sa salamin (not shown in the picture).

PPS: Edit ko later layout. Ang panget ng bagong editor ng wordpress. Nakaka-OC.

8 thoughts on “LTO Eastwood Driver’s License Renewal”

  1. Hi! Gaano ka -expired yung license nyo at the time of your renewal? 2023 pa naman sa akin, but I’m thinking na dito magparenew since onti tao hehe dami lagi kasi sa Marikina. Thanks!!

  2. thank you so much sir. sobrang nkakataba po ng puso at nakakawala ng pagod. We promise to continue giving you good and efficient service.

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.