Gusto ko lang i-break yung ice dito. Wala lang. Let me start with something small then maybe matanggal yung writer’s block ko at sipagin na magpo-post post. Basically ito lang yung ganap nung Thursday nung nagpunta kami sa SM Mall of Asia. Ang layo pero may importanteng pakay lang. Saglitan lang tapos nag-take out lang ng Wendy’s. Walang ibang mapili doon sa part ng MOA na medyo light kaya dun na lang. Plus factor yung nostalgia nung college na dun ako nililibre ni Jonalyn nung mga panahon na wala pa akong pera. 😀

Sabi ni Jonalyn oorder daw sya nung BBM. Sabi ko wala namang BBM, baka BMM. Bacon Mushroom Melt.

PS: Next time, palitan ko nga resolution ng pictures. Sobrang haba pala dito sa web kapag 9:16.
Gusto ko ng Frosty. May nostalgic effect din sakin ang Wendys kasi meron niyan sa tabi ng school dati. Masarap pa din ang Frosty, sad nga lang kasi ang liit na niya compared noon na grabe, mananawa ka sa laki ng size.
Ang sarap ng gelatin nung salad nila haha. Fave ko ang Frosty pero laging unavailable pag oorder ako. hayy