So nagpunta ako dito kasama ang isang colleague para sa isang training para sa isang bagong software na i-offer ng company namin. Isa siyang tool na kailangan naming matutunan technically (configuration) kung paano gamitin. Isa siyang training ng dalawang araw tapos yung pang ikatlong araw may parang examination via a presentation ng work mo. Tapos na akong magpresent ng gawa ko kaya nagsisi-type na ako dito habang nagpe-present naman ng gawa nila yung mga kasama naming mga Thai. *Anong petsa na, draft pa din ito as of today.*
Dahil sa hectic din ang schedule namin dito at hindi naman namin din naabutan ang weekend, wala na rin talagang time para gumala bukod pa sa ang mga pupuntahan dito ay sarado na ng gabi. E yung training namin e natatapos ng 5pm sa hapon kaya walang chance. Hindi ko lang alam kung may magagawa pa kami mamaya bago lumipad bukas.
As most of the time, random stuff na lang muna at walang organization. Magsusulat na lang ako dito ng kung ano ang pumasok lang sa isip ko. Bear with me.
1. Bangkok, via BKK Airport (Suvarnabhumi), is 3 and a half away hours flight from MNL Airport. Where Bangkok is an hour behind PH Time.

2. Hirap magsalita ng English ang mga Thai. As per Jheff, hirap sila sa ‘D’ at ‘R’ at napatunayan ko naman. Order ka ng Shimp at Pohk!
If I have to anaylze a bit more, feeling ko nahihirapan sila not because of the accent but on the way they pronounce things. Kapag nagsasalita kasi sila ng language nila parang may certain way yung galaw ng bibig at tongue nila na fit dun sa salita nila. Basta mahirap i-explain. Manood kayo ng Thai movies: Phee Mak at yung Bad Genius. Lol.
3. Halos lahat ng sulok dito may picture nung late king nila na si King Bhumibol. Ganun nila kamahal yung leader nila na yun kasi sabi ulit ni Jheff, dahil kay King Bhumibol umunlad ang Thailand. Nung nadeads siya last year, isang taong siyang nakalamay at nagsuot ang mga Thai ng black na damit for the whole duration.
4. Bihira ang bakla dito. Kasi nga, babae na sila. Mas maganda pa sa iyo. Lol.
5. Ang tamang pronunciation ng Pad Thai dito ay Pat-Tay. Patay ka!

6. 95% daw ng mga Thai ay Buddhist. Kitang kita din naman sa dami ng templo na meron sa Thailand. Pati yung loob ng mga Uber cars, decorated din ng mga religious stuffs.

7. Other than the language barrier and that their cars are right-hand drive, parehas na parehas ang Pilipinas at Thailand. Well well, mas maunlad lang ng kaunti ang Thailand at mas malinis ang paligid nila. Yung area lang na malapit sa hotel namin, maikukumpara mo na sa Cubao dahil sa mga nagtitinda ng kung anu-ano sa labas mismo ng mall. Parang Farmers lang. Pero ito yung Cubao or Monumento without the basura on the street sides. Lol.

8. Yun lang, hindi yata bawal ang mag-yosi sa public dito. Although hindi madami pero merong mga yosi boys sa public.
9. Mas mabilis at mas mura ang internet dito. Kapag sinabing 4GB internet dito, hindi ito yung cap ng data mo. Yan na mismo yung speed ng data mo. ‘Non-stop’ naman yung browsing. Note: exchange rate is 1.50 Php is to 1 ThB.

As a closing remark, hindi ako masyadong natuwa sa travel dito sa Bangkok, Thailand. Hindi natuwa in the sense na ang pumapasok kasi sa isip mo, sana kasama mong naise-share yung travel and experiences mo sa family mo. Kaya pangako ko sa kanila, I’ll do my best para makasama ko sila next time. Salamat pala sa company ko for the ‘FREE’ travel and experience.
Hindi rin nakakatuwa na yung ibang bansa, kaya namang umayos. Bakit tayo sa Pilipinas, hindi natin maayos?
PS: May at least part 2 ito. Mabagal ang posting kasi busy.
Nag pat-tay ka din kuya keso 😲😂
Oo dalawang beses. Pang 3 tao yung kinain ko nung 2nd time
HAHAHA
Anong software kaya yan? Hmm…
Secret
☹️😂
Pad Thai – Pat-Tay talaga ko dyan kasi may shimp. 😁
Edi pat tay na pohk
Ngayon ko lang nalaman na right-hand drive pala diyan.
Oh diba, silent R sila? Heheh.. Hirap nila kausap, pero in fairness mababait ang mga Thais at masarap ang pagkain nila. Wait namin yung part 2..
Oo mababait sila. Mahirap lang kausap haha.
So how do they pronounce my name?
Eya? Pag hindi pa din nila kaya yun baka sitsit na lang gawin nila. 😄
Haha grabe yung sitsit na lang.
Feeling ko baka rhea pa din. Pero parang huhugot muna ng matinding lakas ng loob bago mabigkas yung R
HAHAHAHAHA. Lakas ng loob talaga?
Just imagine someone na hindi marunong mag english na pinoy tapos pangenglishin mo. Parang ganun pero iba lol. Mahirap explain.
Ang funny nung number 4 kuya. Wahahaha. Actually, I feel safe sa Bangkok bilang hindi ako attractive dito. Nyahaha. Ang sarap nung Pad Thai, especially na ang laki ng mga hipon. Waaaa. I learned something new, yung tungkol sa King nila. Ang husay.
Hindi ko alam isasagot ko. Kasi di naman ako Thai mag isip or tumingin sa babae. Haha.
Ito pala yung biyahe mo after ng meet up ng TFIOB. 🙂
thanks for this post. very informative. parang napunta na rin ako sa thailand.
Masarap yung Pad Thai na nakain mo kuya?
Mas masarap sya ng konti kesa sa andito sa pinas lol
Na inspire ako magsulat ng experience namin sa Thailand dahil sayo. haha. Ang saya ng blog mo.
Go lang po! Post mo na 🙂
I agree with you. During our trip to Thailand, we were having a hard time speaking with the locals because only few know how to speak english. Hehe. But what I love about this place is that we can haggle hahahahaha
Yep. Naadvisean kami ng friend na nakapunta na, na tumawad 🙂
Andami kong tawa sa Pat-tay 😂😂😂 Ang OA nung ibang mag-order nyan sa pinas. Tapos patay lang pala ang wastong pagkabigkas 😂😂😂
Hahaha arts lang
Laughed so hard till the closing remark . 😦