Health and Fitness / Life and Family / Pictures / Quotes

Think POSITIVE.



“I’m not fat I’m pregnant”

Chubby; malusog; malaman; MATABA mga madalas ko marinig sa iba, ok lang dedma tsaka totoo naman di ko naman dinedeny yun. Masarap kumain literal na napakasa-sarap kumain lalo na pag nag-rerequest ako kay JC ng iluluto nya. Dati kasi payat ako tipong na-achieved ko ang vital na 34-27-36 kasi naman noon diet ako ng diet tipong once lang ako mag-rice, tapos laging naglalakad in short active palagi. Tapos lagi pang may taga-pigil sa mga pagkain taga-remind ng ganito “jona, lumalaki ka na naman kain ka na naman ng kain” (MAMA). Noon kasi ang ganyan vital stats MATABA pa rin sa kanila dapat ang timbang mo nasa 100 pounds lang.

(Katibayan na payat ako noon namimiss ko na yun collarbone chenez ko bat kasi ang sarap kumain ngayon 😭😭😭)

Pero nun nagka-anak na ako dun nagsimula dumagdag yun timbang ko.Una ko pinanganak si Mitchellin Audrey Joy l. Idulan (Oct.19,2003) yun bewang ko pa nyan nasa 29-30 inches pa. Sumunod si Jan Asher Jeremiah I. Elorde (March 05, 2006) ang bewang ko nyan nasa 32 inches na.Pag Cesaerian kasi mga 3 months bago maghilom yun opera. Kaya bawal magkikilos, magbuhat ng mabigat. Kailangan ingatan yun opera mahirap ng bumuka yun sugat mahirap magpulot ng laman loob na nagkalat hahahaha.

“God’s timing is PERFECT”

Bago matapos yun taon ng 2017 finally answered prayers na unexpected talaga ibigay ni lord yun matagal na natin gusto. Ilang beses ako na-depress at umasa sa wala.Sabi sa news ngayong year 2018 ito raw yun taon na marami daw magbubuntis at maswerte ako na kasama ako dun,Nag-duda pa ako baka mamaya false alarm lang. Kaya nag-decide na tayo na mag-pregnancy test. Sa unang test na-dismaya ako ng bongga kasi nag-negative kaya after nun binalik ko sa box at tinapon ko,umakyat na ko ng kwarto, at itutulog ko na lang yun nararamdaman ko. Pag-akyat mo nag-usap pa tayo literal na naiiyak na ako ang sabi mo lang “ok lang yan”. Kinabukasan pag-gising ko di talaga mapanatag ang loob ko bat nag-negative kinuha ko yun box ng p.t gusto ko talaga masigurado na negative ba talaga. Pagka-kita ko sa p.t “POSITIVE” di ko alam kung anong gagawin ko nun. Kaya ginising ko si jc sinabi ko “POSITIVE”, ang sabi mo “mag-test ka ulit may extra pa naman p.t dyan para lang super sure na sure na talaga tayo”. Medyo kinakabahan na natatakot ako baka mali na naman nag-dadasal na lang ako noon sa c.r habang nag-aantay ng resulta “thank you talaga lord POSITIVE”. Nun nalaman ng mga bata na magkakaroon na sila ng kapatid si asher ang mas pinaka-natuwa na talaga naka-ilang tanong sya “sigurado ka ba talaga mommy na buntis ka?”, “magiging kuya na ako di na ako ang bunso”.Sya talaga mahilig sa baby kahit nun 3 yrs old sya makakita lang ng baby hahawakan na nya palagi un kamay. Tuwing uuwi yan galing sa school lagi nya akong tinatanong “ok ka lang ba mommy?”. O kaya naman pag mag-lilinis or may bubuhatin si asher madalas gumawa at lumilinya ng ganito “mommy kami na bahala relax ka lang dyan“; “wag kang magbubuhat ng mabigat baka mapano si baby”. Si ate joy naman gusto nya babae maging kapatid nya ayaw daw nya ng lalake hirap daw sya kay asher. Minsan sweet sila; magkasundo pero may oras na para silang aso’t pusa, inaawat mo na sige pa rin sila sa salitaan ng kung ano-ano pinababayaan ko na lang sila pag ayaw paawat sinasabihan ko na sila ng ganito “kumuha na kayo ng kutsilyo magsaksakan na kayo” pag wala naman yun isa naghahanapan sila.Maasahan ko naman si ate lalo na pag masama talaga pakiramdam ko minsan di pa pumapasok masamahan lang ako. Sya din minsan nagluluto si asher naman naghuhugas.Si jc sobra-sobra ang saya kasi ang tagal-tagal na namin inantay ito sa sobrang tagal ang laking age gap nila 14 yrs old si ate; 11 yrs old naman si asher.Pag naiisip ko na magiging tatlo na sila idamay mo pa yun pinaka-panganay ko si JC parang rumble mangyayari.

“no one else will ever know the strength of my love for you after all. you are the only one who knows what my heart sound like from the inside”

First time ulit mag-pacheck-up sa o.b medyo nahihiya pa ako,first time marinig yun heartbeat mo nahihiya ka pa nga ang tagal bago mahanap ni dra. And first time ko magpa-transvaginal ultrasound kala ko typical ultrasound sa tummy gagawin. Medyo kinakabahan ako kasi ilang ulit ako tinanong nun nag-ultrasound “kung dinudugo ba ako?”, “nagpapapap-smear daw ba ako” wala ako idea ano yun nakita nya sabi na lang nya “iexplain na lang ng o.b mo yun result ng ultrasound mo”. Nakuha naman namin agad yun result kasabay din yun ng check-up ko sa ob ko at yun na nga binasa at inexplain yun resulta “di ka pa nagpapapa-smear? may PCOS ka (POLYCYSTIC OVARY SYNDROME- is a condition that affects a woman’s hormone levels. Women with PCOS produce higher-than-normal amounts of male hormones. This hormone imbalance causes them to skip menstrual periods and makes it harder for them to get pregnant.) kaya matagal ka mabuntis, eto yun mga namumuong dugo pag nagkaka-menstruation ka tapos sobrang sakit. Di naman malignant yan pede maalis yan isabay na lang natin sa operation mo pag nanganak ka. Wag kang matakot ang iiwasan lang natin yun marupture yun meaning pumutok kaya pag nangyari yun need natin alisin yun mga dugo na galing dun,pero madalang manyari yun. 1st month hanggang 3 months talagang dinudugo ako kaya madalas bedrest ako at binigyan ako ng pampakapit.May times pa na wala si Jc kailangan mag-training sa Singapore bago sya bumalik ng pinas talagang natakot ako umiiyak na ako tapos nag-aalala yun mga bata kasi dinugo ako halos mapuno na yun pantyliner.Puro dasal ng dasal ginagawa ko at nakabantay lang yun dalawang bata sa tabi ko.

Yun akala ko di na matatapos yun ganon kaya sobrang thankful ko na
Nalampas ko na yun spotting period ang kaso may panibago na naman tumataas ang blood pressure ko, kaya 2x a day ako nagmomonitor ng bloodpressure at binigyan ako ng sandamakmak na gamot. Yun vitamins na mas malaki pa sa biogesic, na ang hirap lunukin. Maintenance para sa BP iniiwasan yun “Pre-eclampsia (PE) is a disorder of pregnancy characterized by the onset of high blood pressure and often a significant amount of protein in the urine. When it arises, the condition begins after 20 weeks of pregnancy.” Sa dami ng gamot ko na kailangan inumin araw-araw kailangan ko mag-alarm para di ko makalimutan, sinimulan ko na din mag-bawas ng pag-kain yun dating 2 cups rice ngayon 1/2 rice na lang, kung dati madalas mag-karne ngayon kailangan ko mahalin ang isda at gulay.Tumitikim-tikim pa din ako ng karne pero konti lang binawi ko sa prutas at salad yun dating 130/80 na bp ngayon 110/70 na lang. Idaan sa buko juice o kaya calamansi kesa mag softdrinks at damihan ng tubig, disiplina lang talaga ang kailangan para maachieved yun ganon.Lesson learned sa may matataas ang bp pag buntis wag kakain ng LECHON NA MAALAT di ka papatulugin sa sobrang hilo kaya nadala na ako hahahaha.Kung may cheat day mas ok ng mag-pizza o burger na lang at payo ng isang close-friend/kumare “wag kakainin ang bawal, magpigil ka para kay baby saka bumawi pag nanganak ka na”. Idagdag mo na din sa ganitong edad mahirap ng magbuntis kumpara noon.

Advertisements

16 thoughts on “Think POSITIVE.

  1. Awwww… Nag-pause ako pagkabasa at ipinagdasal kita at ang baby saglit, Ate Choco. Ramdam ko ang excitement ng mga bagets. Ako nga naeexcite eh. Mahilig din kasi ako sa baby. Hehehehe.

    Smile lagi, ate. Disiplina. Hehehe. 😘😘😘

  2. Ate naeexcite ako sa pagdating ni baby hihi. Pagkapanganak mo kain tayo ng lechon pero once lang ah hahaha ❀ pagdadasal ko kayo ni baby πŸ™‚

    • 8 weeks na lang 😊 thank you, gusto nga ni ate joy nasa loob sya ng operating room habang nanganganak ako. Literal na sya ang may “lakas ng loob”. Lechon is ❀

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.