Life and Family

Feel

May mga bagay sa mundong ito na hindi natin kayang ipaliwanag. Kung saan tayo nagmula pati na rin kung saan tayo tutungo pagkatapos ng buhay na ito ay hindi rin natin alam. Kung naniniwala ka na nag-evolve ka mula sa unggoy, ikaw lang yun at huwag mo na kaming idamay. Mga bagay na gusto man nating bigyan ng eksplanasyon e talagang wala, basta ang alam natin ay nangyayari na lang. Parang yung mga paramdam.

[4:49 pm]

Mga 4:30 pm nung nag-flat line si nanay. Ito rin yung time na tinanong yung pinsan ko kung ire-revive daw ba siya. Wala kasi ako doon ng oras na iyon kasi may pinapabili yung mga doctor na gamot. Nasa labas lang mismo ng gate ng Quezon City General Hospital yung magkakatabing botika na pwede mong bilhan. Kung minalas malas, sa Mercury Drug na sa Munoz ka bibili. Tinawagan ako ng pinsan ko na bumalik na agad sa kwarto ni nanay sa Female Ward ng Internal Medicine. Sabi ko bumibili pa ako. Sinabi nya na kailangan ko na bumalik. Alam ko na ang gusto niya sabihin. Pero I still deny the fact that this is happening. Katulad ng mga araw bago pa nitong huli.

Nag-uusap pa kami ni Jonalyn at ng mga bata na magse-celebrate kami ng Thanksgiving Party matapos na gumaling si Nanay sa sakit niya. Hindi kasi namin siya napaghanda ng bongga nung 70th birthday niya. Ang naaalala kong dahilan ay simple lang – financial constraints. Kahit ilang beses kong tinatanong yung mga doctor tungkol sa lagay ni nanay at palaging hindi maganda ang sagot nila, umasa pa rin akong malalampasan niya ito. Kaso hindi. Yan din yung rason kung bakit ako hindi nagpaalam sa kanya nung buhay pa siya, kahit alam kong hindi nya rin naman ako naiintindihan (she’s suffering confusion those times). Kasi kahit sa maliit na pag-asa, ay umasa ako. 4:49pm that June 10 afternoon, she was declared gone.

[5:30 pm]

Nagpasama ako kay Jonalyn sa botika sa labas para isoli yung gamot sa botika. Tinanong ako nung nagtitinda kung bakit ibabalik, sabi ko ‘wala na yung gagamit’ at ‘hindi ko naman pwede gamitin yan, hindi pa naman ako mamamatay’. Sa mga sandaling iyo, sabi ni Jonalyn, ‘si nanay oh’. May isang paru-paro sa halamanan katabi nung botika na kung nasaan kami.

[10:00 pm]

Tumawag yung kapatid ko para sabihin yung naranasan niya. Nasa taas daw siya sa rooftop ng bahay nila (nila nanay din) para magmuni-muni at ‘kausapin’ si nanay. Sinabi niya kay nanay na kung naririnig siya nito, pagalawin yung mga yellow bells sa garden ni nanay. Moments later, gumalaw ito. Sumunod pa, yung isang bugso ng hangoin para pagalawin lahat ng mga halaman dun sa rooftop. Pwedeng isang malaking coincidence lang. Pero sumunod dito, yung monoblock na upuan na inuupuan ni nanay sa taas, gumalaw lang naman na parang may umupo. Sa pagkakataong ito, kahit siguro bagyo, hindi mauusog ang upuang iyon.

[10:15 pm]

Naghahanda kami ni Jonalyn para umalis nung gabing iyon. Kukunin kasi namin yung damit ni nanay nung isang kasal ng pinsan ko para ito yung gamitin niya dun sa funeraria. Kami na lang sana ni Jonalyn tutal saglit lang naman. Paalis na kami nung nagbrownout yung buong street. Mga isang minuto siguro, nagkaroon ulit ng kuryente. Sabi siguro ni nanay, huwag iwan yung mga bata. Kaya ayun, sinama na lang namin.

[11:00 pm]

Andun na kami kila nanay. Umakyat din ako sa rooftop. Sinasama ko nga si Asher para ‘magpaalam’ kay nanay. Sumisikip daw yung dibdib niya at hindi niya kaya. So ako na lang kasama ko yung kapatid ko. Inilabas ko yung mga gusto kong sabihin sa nanay ko sa garden niya dun sa rooftop.

Nay, patay kana. Wala ka ng sakit.
Ang daya daya mo hindi mo man lang ako binigyan ng chance magpaalam.
Kung naririnig mo ako, magparamdam ka sa akin.

This is the picture me and my brother did on the rooftop where the ‘unattended outgoing call’ happened. On the picture as well the monoblock I was referring to.

Matapos yun, nagpicture picture kami ng kapatid ko na ‘kasama’ si nanay. Walang paramdam na sumunod. Sabi ko sa kapatid ko, ‘ayaw magparamdam sa akin’. Kinuha ko na lang yung gown at accessories at pinuntahan na yung mag-i-ina sa kotse.

‘Bakit ka ba tumatawag hindi ka naman nagsasalita’, sabi ni Jonalyn.
‘Ha? Hindi kaya ako tumatawag. Nasa bulsa ko lang yung cellphone ko. Nilabas ko lang naman nung nagpi-picture kami ni Jig.’, sagot ko.
‘Naririnig ko lang kayo nag-uusap. Kaya binaba ko na lang.’

Na-confirm ko na may outgoing call nga. Pero hindi ko alam paano nangyari. Samsung Note 8 ang phone ko. Binanggit ko lang para kung may logical explanation out there kung paano ito nangyari habang nasa bulsa ko lang ito, well give it away. Ang mahalaga lang siguro sa akin at that point, I was given the confirmation that somehow I guess I badly need.

[June 13, 11:00 pm]

Hinatid ko sila Jonalyn sa bahay para makatulog na yung mga bata. Maaga pa kasi bukas para sa cremation. Nag-aantay pala si Nanay sa bahay. May butterfly/moth na brown kasi na andun sa garahe ng bahay. Hindi lang napicture-an. Nag-Hi na lang si Jonalyn at sinabi na binabantayan tayo ni Nanay.

[End]

Hindi ko alam paano tatapusin itong post na ito. Well, mahirap iexplain yung feeling na nasa ganito kang situation. Fortunately and unfortunately at the same time, we have to move on. Walang no choice e.

4 thoughts on “Feel

Share your thoughts below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.