Personal Musings / Status Updates

Frustrated

Sa mahabang kasaysayan na nabuo ng sangkatauhan, lagi tayong gumagawa ng mga bagay na kagustuhan. Maaari ito ay isang bagay na magbibigay ginahawa sa atin o kaya naman ay pangsarili lang. Ngayon, tayo ay maraming mga bagay na gusto nating gawin o mangyari para sa sarili natin. Pero dahil sa ang katamtaman na haba ng buhay ng isang tao ayon sa statistika noong taong 2010 ay 67.2 taon, hindi natin kayang gawin ang lahat ng mga gusto natin sa loon ng isang habangbuhay. Ang tawag dito ay frustration (hindi ako makahanap ng eksaktong pagsasalin sa tagalog). Lahat tayo meron nito, ikaw ano ang iyong mga frustrations?

Murderer

Ito yung hindi na kailangan i-explain pa. Kung hindi lang bawal pumatay ng tao malamang maluwag na maluwag ang buong mundo. Parang Hunger Games lang. Naalala ko tuloy yung kwentuhan namin ng mga ka-opisina ko matapos mapanood ang pelikulang unang nabanggit.

Kung magkakaroon ng Hunger Games MISNet edition. Sino ang una ninyong papatayin?

Macho Dancer

Sabi ng isa kong ka-crew sa McDo na may pagkamalandi, normal lang daw ang aking pasensya. Sabay hawak niya sa isa pa naming kasama sabay sabi na yun ay may malaking pasensya. Siguro nasa average pinoy pasensya nga ako kaya hindi ko na rin kailangang ulit ulitin ang mga katagang “nasa performance yan” bilang excuse.

Hindi lang ito dahil sa “pagka-hilig”. Uhmm, well. It also expresses my love of myself. Yung paga-appreciate ko ng pagiging ako. Naniniwala ako na ginagawa ako ng Dios na mahusay na kung magkakaroon ako ng pagkakataon para palitan ko ang aking sarili e malugod na lang akong tatanggi. Fatal combination of brain and beauty (LOL!) with a dash of pambawi.

Kung mangyayari man ito, sa stage lang ako pwede. Bawal ang table, VIP at take out. Hahaha.

Visual Artist

Yung heading sa taas ay para sa isang general idea actually. Bata pa lang ako mahilig na ako gumuhit. Kaya sa mura kong edad noon, ang iniisip kong maging paglaki ko e Architect o Fine Artist. Kung sumabog na rin siguro noon ang bomba ng teknolohiya, pwede rin ang Graphic Artist. Kasi noong nursery pa lang ako, dalawa lang ang what do you want to be when you grow up ng mga kasama kong guma-graduate: doctor at pilot.

Paglaki ko, hindi ko masyadong nahasa ang talentong ito. Pero dahil pinanganak akong artist, I still have the eye for good art.

Magic Champion

Hindi ko gustong bumunot ng rabbit sa isang kulay itim na top hat o kaya naman magpasok ng elepante sa loob ng refrigerator. Ang tinutukoy ko e yung pagiging bihasa sa paglalaro ng mga Magic Cards.

High school pa lang naglalaro na ako nito. Simula nga lang noon, on and off. Dito kasi pumapasok yung idea na noong mga bata pa tayo e got time and energy but no money. Ngayon, hindi naman ako makalaro kasi got money and energy but no time. Kahit ilang sali ko nun sa mga tourney, e hindi pa naabot kahit top 20 ata. So kung magkakaroon ng pagkakataon na maglaro ulit (na malabo sa ngayon), why not? Isang champion lang pwede na.

Professional Gamer

Malaki ang sakripisyo ng mga pro-gamers para lang umakyat sa tuktok. Bansang Korea na popular ang e-gaming, tinuturing na celebrities ang mga sikat nilang gamers. Malayo sa kung ano ang sitwasyon sa Pilipinas. Dito kasi puro yabangan lang. Bibihira yung talagang gustong gumaling.

Marahil kung gusto ko man maging isang pro-gamer, syempre sa DotA. Yun nga lang, hindi ka gagaling mag-isa sa laro na yan. Dapat may ka-team para magkaroon ng teamplay. Ang problema kahit noon gusto kong bumuo ng malakas na grupo, wala naman sa mga kasama ko ang parehas ang iniisip. Ayun!

Model (ng Papawash)

If you are about to take it seriously, then you are wrong. Lol. Asa naman ako maging model. Saka wala talaga akong balak. Lalo na para sa Papawash (san kaya meron nito). Ang gusto ko e yung maging katawang Gerard Butler sa 300 o kaya si Chris Hemsworth sa Thor/Avengers (o kaya si Hulk). Kaya sana sipagin pa ako lalong mag-workout. Ang sarap kasing kumain. Hehe.

Game Developer

I currently work as a programmer. I can say that it is both a blessing and a passion. Another thing I am passionate about is video gaming. Now put them together.

Sa part naman na ito, alam ko malayong malayo pa ako. Alam ko na may talent ako sa programming na nahasa sa pagpo-program ng mga business solutions. Malawak ang creative mind ko naman dahil sa pagkahilig sa art at imagination dahil na rin sa paglalaro ng hindi mabilang na titulo nga mga games sa iba’t ibang platform. Kulang pa. Kailangan pa ng skills sa gaming development technology.

Millionaire

Syempre last but certainly not the least, lahat tayo gustong maging ganito, maging mayaman. Sabi nga nila, kung mangangarap ka lang din, taasan mo na. Kaso masyado nang mataas ang bilionaryo. Hindi ko na alam ang gagawin sa pera nun. Gagawin ko na lang tissue sa CR. Milyonaryo pwede na. Mga Php 10 Million na networth siguro.

Simple lang naman ang gusto ko. Mga 3-4 storey na bahay na nakatayo sa 150 square feet na lote at kumpleto sa gamit lalo na ng mga entertainment stuffs at kitchen utilities, isang family SUV/Truck, isang sports car at pera sa pang-araw araw na gastusin. Yun lang para sa simpleng pamumuhay,

Advertisements

18 thoughts on “Frustrated

  1. Muntik na akong maging “artista”! Lol. I was a PA for a blocktimer TV show and was in the station for an errand. There was a long queue that I would later find out was for the extras casting. Hindi ako pumila. But the casting director saw me and asked if I wanted the job (pampuno ng classroom sa Iskul Bukol Keempe de Leon edition). Tumanggi ako. Sabi sa akin nung gay casting director, 500 din yun. Naaah. Kung mag-aartista ako, dapat lead kaagad! lol.

  2. Ohoho, cheers sa ‘ting mga programmers at sa frustration nating maging game developers!

    Yung model ng Papawash, dati yata siyang model ng Mr. Clean, nung kalbo’t clean-shaven pa siya, hahaha.

  3. Napaisip ako bigla sa kung anu-ano ang frustrations ko. Andami pala. So ibigsabihin, frustrated ako HAHA. Malamang diba >:D

    On the other hand, hindi pa naman huli ang lahat 🙂

    Happy Sunday!

    • ok na yung 4. 3 kasi yung plano naming anak so 1 more to go. para other than sa master’s bedroom meron sila tig-iisang bedroom. bukod pa sa music room, library, recreational room at movie room. Lol.

  4. Pingback: May Pagtingin Ako sa mga Lalake | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s