Buwan na naman ng FEB-IBIG ngayon. Siyempre dapat may FEB-IBIG post ako. At ayun, ito na iyon.
Sabi nila, habang tumatagal daw, nagiging magkahawig daw ang mga mag-jowa at mga mag-asawa. Kasi nga naman habang lumilipas ang panahon, bukod sa pagkulubot ng balat at pagputi ng mga buhok, e nakukuha o naiimpluwensiyahan tayo ng ating mga kapareha sa mga gawi at ekspresyon natin sa ating sarili. Maaaring ito ay sa simpleng pagsasalita o pagtawa, kaya naman kung paano maglakad o umupo, at kung anu-ano pa. Habang nakakasama mo yung taong mahal mo, nakokopya mo ang mga bagay na nakikita mo sa kanya at makalipas ng ilang pang panahon ay nagiging natural na rin sa iyo. Sa kaso naman namin ni Jonalyn, ito yung mga bagay na naiisip naming nakuha namin sa isa’t isa.
1. Kabet
Tuwing nakakarinig si Jonalyn ng mga pinoy rap, naiinis siya. Yung mga tipong Salbakuta at lalong lalo na yung Dagtang Lason. Pero yung anak kong si Asher naman mahilig makinig at mag-rap habang nagbi-beat box. Ako naman, ang habol ko e yung beat at yung ‘lulz’ factor. Bukod pa yung habang nakikinig ka, inaasar mo si Jonalyn. E nung marinig niya yung kanta ng Gagong Rapper na “Kabet”, ay naging interesado siya sa ganitong klase ng musika. Siguro dahil maganda rin naman yung tema ng kanta. Pwede na nga kaming mag-duet tapos si Asher ang taga-beat box lol. Nilagay ko yung music habang nagbabasa kayo ng mga nasa baba.
2. Inom Ibon
Nung una pa lang kami magkakilala ni Jonalyn, tuwing kakain kami at kailangan niyang uminom, umiinom yan na parang ibon. Ang ibig naming sabihin, dun sa laman ng baso mga 10% or less lang yung mababawas. Kung sa ingles ito ay tinatawag na “Sip”. E ako naman, kung umiinom, minsan kulang pa ang isang basong puno. Kaya dumating yung punto na ang baso na ginagamit namin e yung mug na parang isang mangkok na yung kayang ilaman. Basag na nga lang siya ngayon kaya tirikan na lang siya ng kandila. Si Jonalyn naman, hindi na inom ibon o “sip”. “Big Gulp” na siya ngayon.
3. Utak Isda
Tuwing nagluluto kami ng isda, palaging parte na gusto ni Jonalyn e yung ulo ng isa. Minsan naman akin din pero sa kanya yung ulo ng isda. Hindi ko kasi kinakain o kinakalikot pa yung ulo ng isda na siya naman ay palagi niyang ginagawa. Kaya naman na-curious at tinuruan naman niya ako kung paano kukutkutin yung kaloob-looban ng ulo ng isda. Ang lagi kong tanong nung una, “Ito ba kinakain?”. Sa ngayon, pinagsisisihan niya yung ginawa niyang iyon na tinuruan ako sa pagkain ng ulo ng isda. Nagkaroon kasi siya ng kaagaw dito.
4. Soy Chicken
Nung hindi pa kami magkakilala, isa sa mga laging niluluto sa bahay ng nanay ko e yung manok na minarinate sa toyo. Nung kami na, itituro ko sa kanya ang recipe na ito at madalas din isa ito sa inuulam namin kapag tinatamad kaming mag-isip kung ano ang uulamin. Simple lang naman talaga kasi. Ibababad mo lang yung manok sa ‘generous amount’ ng toyo.Tapos lalagyan mo ito ng kalamansi pero pwede naman din lime o lemon if available. Mas maganda maraming citrus juice but not too much. Yun lang tapos pabayaan ng ilang oras o kaya overnight. Yun bale yung base pero kung gusto mo magdagdag ng ibang herbs and spice pwede din. Kapag lulutuin mo na, ilagay mo lang siya sa isang pan with low to medium heat. Tapos takpan mo. Turn it time to time hanggang almost maubos na yung marinating sauce. Kapag almost matutuyo na siya, saka mo lagyan ng cooking oil para i-prito ng ilang pang minuto. Ayun! Voila!
PS: Pwede mo gamitin yung extra oil para ilagay sa ibabaw ng kanin.
5. Bagoong Egg
Usapang pagkain ulit. Minsan kasi nagpaluto ako ng scrambled egg kay Jonalyn. Tapos sabi ko gawa siya ng sawsawan, bagoong isda at kalamansi. Hindi niya na-gets nung una bakit ganun. Nung na-try niya, ayun gustong gusto na rin niya. Kaya minsan sa almusal, ayan ang pagkain namin.
6. Video Gaming
Mahilig na maglaro dati pa si Jonalyn ng mga video games in the form of JRPGs (Japanese Role Playing Games). That time, she is into Final Fantasy 7. Nung una akong makatuntong sa kanila sa bundok ng Bulacan, inaya niya ako na maglaro kami ng isang Fighting game sa Playstation 2. Siguro sa isip niya wala akong hilig sa mga ganitong klase ng palipas oras at kakarnehin niya lang ako sa larong ito. Yun lang yung akala niya. And the rest is history.
Marami din kaming nilaro, at pinagpuyatan, na mga video games. Mula sa Ragnarok, ROSE Online, Flyff, Dragon Nest SEA at marami pang iba. Yung mga nabanggit lang yung mga naaalala ko kasi sila yung matatagal. Pero ang pinakamatagal sa lahat siyempre DotA. Dito ko rin kasi na-prove na may talent talaga ako sa pagtuturo. Kaya nga gumaling din si Jonalyn sa game na ito at kakampi ko pa sa pustahan.
Minsan nga feeling ko, calling ko talaga ang maging isang teacher. Ang problema lang wala na talaga akong oras kaya sa work na lang ako nagse-share ng knowledge.
7. Facebook
Noong unang panahon, Friendster lang ang uso. Sinasabihan ako ni Jonalyn na gumawa na rin ng account sa Facebook. Sabi ko naman, “aanhin ko ang Facebook e meron naman akong Friendster”. Ayun, ginawan pa rin niya ako ng Facebook account para ma-sendan niya ng mga chukchakchenes ng Farmville. Kaso, dumating sa punto na nalugi na si Friendster. Mula noon, ito na yung gamit kong Facebook account na ginawa ni Jonalyn para sa akin. Recently, ginawan niya ako ng Instagram. Ang hindi ko lang talaga makita ang value para sa akin e yung Twitter. Dahil din siguro hindi ako die hard fan ng something o someone na kailangan kong makita ang tweet from time to time.
Kayo, may mga ixample ba ang mga jowa at asawa ninyo na nakuha niyo rin?
PS: Yung mga wala namang partner dyan, punta kayo dito para sa tips sa panliligaw at dito naman sa ating dating services lol.
Ang astig! Bihira makakuha ng life partner na gamer din! Happy balentayms and happy gaming sa inyong mag-asawa! Sayang, di pwede multiplayer sa karamihang RPG series na lumabas sa console.
wala na rin masyadong time sa games now. ang laro na ngayon e with the kids. pero from time to time laro pa din. yung last nga e Blo-Diab 3 sa PS3. 😀
ang nakuha ko, e, mahilig kayong dalawa sa pagkain, hihi. peace! 😉 happy love month…
wala kaming ibang maisip e hehe. happy love month din!
sana magkapartner din ako ng gamer….lakas maka turn on nun sa kin eh..heheh..happy valentines sa inyo 😉
well hindi ko naman talaga hinanap. nagkataon lang din. good luck hunting (farming/grinding). happy valentines!
Posporo ba kayo? Kasi match kayo e. Hehehe. Pasensya na kung corny. Happy Valentine’s day!
Sana hindi kayo “buwan”, para pagdating ng “araw” hindi kayo mag-iiwanan. hahaha.
happy valentines din sa inyo!
peborit ko yung number 2 .. napicture ko talaga kung pan uminom ang ibon at yung quantity na nainom niya. hahha
pero ngayon inom ” dry soil” na siya?? hehe 🙂
Happy love month!
mga kalahati ng baso madalas. ako pa rin yung taga ubos.
happy valentines!
Aba, mukhang mahilig kayo sa rap. Ang kulit. Si Gloc 9 lang at si Dello ang pinapakinggan ko haha pero napapasulyap din minsan sa fliptop.
At ang lupet ni Ate, gamer wuhahaha Gunbound lang ata nalaro ko kamote pa
Happy Puso!
hindi naman sa mahilig. may mga tao kasi na kapag ganito ang klase ng kanta, “ay yuck, jologs”.
sa ngayon di na siya naglalaro, busy na bilang housewife. hehe. happy valentimes din.
mga conyo conyotics na masarap konyotan yung mga najojologsan sa mga ganyang klaseng music ahehe
hula ko Aisa o Aiza ang pangalan mo. Bow.
haha. oo nga Aisa Seguerra Bow ahehe
Sweet! Pagka basa nito, Feeling ko ang bata niyo pa. Kami, Jurassic na. Enjoy your valentines day!
ilan taon na ba kayo? lol. happy kapuso day din.
pushing 40…hahaha.
life begins at 40 diba? 😀
I hope so. I think so. =>
gusto ko rin ng ULO! ….. ng isda
lol. hahaha.
naka-relate kami sa number 1! hihi! Stupid Luv naman ang kinakanta ko kay Joel. hahahahah! :p
siya naglalaba ng bra at panty mo? bwahahahaha
Haha, natawa ako sir dun sa Rap Songs, nakaka loko kasi talaga pakinggan pag di ka sanay …
At nakakatuwa na nakakasama nyo yung asawa nyo sa pustahan sa Dota. Astig haha …
wala na nga lang din siyang praktis. busy na sa pagiging mommy e. 😀
ako ang naglalaba ng bra at panty nya!!!
laba pa more. may sweldo naman e. tuwing gabe hahaha.
Mapapa #relationshipgoals ka nalang talaga after mo mabasa itong blog ninyo ser. hahaha