Life and Family / Personal Musings

Post – Valentines Post: Cheezy Panliligaw Tips

Dapat before 2012 Valentines pa ang post na ito, kaso hindi na natapos kaya ito na ang post-valentine post ko. Lol.

Hindi ko na kailangan pang isulat ang poste na ito sa English. Dahil may ‘courting’ man silang tinatawag, iba pa rin ang lasa ng panliligaw ng mga Pinoy. Simple lang pero rock.

Malayo na tayo sa panahon kung saan kailangan mong mag-igib ng tubig sa bukal at magsibak ng kahoy na panggatong upang maipakita mo ang iyong katapatan sa pamilya ng sinusuyo mong sinta. Hindi na rin ito yung panahon na kapag nahawakan mo ang mga kamay ng iyong nililigawan ay katumbas na iyon ng rape at kailangan mo itong panagutan sa pamamagitan ng kasal. Iba na ang panahon ngayon, kaya gayun din ang panliligaw.

Dapat noong valentimes pa to pero sa mga gustong humabol na magkaroon ng kasintahan. Pero valentines man o hindi, timeless ang panliligaw para sa mga Noypi. Kumbaga walang oras. Hindi ko lang alam kung meron nanliligaw sa madaling araw. Malamang meron, nasa kolzenner.

Disclaimer: Ang post na ito ay isinulat ng isang tao na sa lahat ng pagkakataon ay nasawi sa panliligaw. Sa madaling salita, sa lahat ng niligawan ay binasted. Yun nga lang e lahat ng naging girlfriend ay hindi dinaan sa panliligaw. Kung ano man ang isipin mo, you’ll be the judge to that.

1. Dati napanood ko sa isang morning talk show na wala na ngayon na kaya ka daw pumapasok sa relasyon kasi sa tao na iyon nakikita mo ang iyong future na kapareha sa buhay. In short, asawa. Pero siyempre, bago ka magkaroon ng karelasyon, manliligaw ka muna. Dun papasok yun tanong na kung gusto (o mahal sa mas malalim na aspeto) mo ba talaga si girl o iba yung hanap mo sa kanya. Kasi kung yung isa ang sagot mo, punta ka na lang sa kung saan man makikita ito. Be sure of your intentions. Dun mo kasi malalaman kung saan ka lulugar o kung ano ang gagawin mo.

2. Kung nakita mo sa sarili mo na gusto mo na talagang ligawan ang babaeng nagustuhan mo, kailangan mong mag-research. Isipin mo na lang na para kang nag-a-apply ng trabaho. Kasi kung mag-a-apply ka ng trabaho at gusto mong matanggap dito, kikilalanin mo ang kumpanyang papasukan mo. Aalamin mo ang background nila, anong ginagawa nila (o field of industry), at kung anu-ano pa. Magpapakita kasi ito ng iyong interes na mapabilang sa kanila. Ganun din ang panliligaw. The more you know about the girl, the more it shows how much you are interested to her.

Yun nga lang may limitation ito. Huwag mong alamin kung saan siya dumadaan at anong oras kapag siya ay umuuwi. Huwag mo ring aalamin kung saan siya nagpupunta at kung kelan siya mag-isa. Malamang iisipin niyang kidnapper ka o kaya serial rapist katulad ni Albert Kenjie.

3. Huwag maging segurista. Huwag mo nang itanong yung, “Kung liligawan ba kita sasagutin mo ako?”. E paano kung ang sagot sa iyo ng babae e hindi? So hindi ka na rin manliligaw. Mas mabuti pang itanong ang, “Ano ba ang hinahanap mo sa isang lalake na wala si Piolo“. Kung talagang gusto mo yung babae, ayaw ka man niya o hindi (na marahil hindi mo pa alam sa puntong ito), e liligawan mo yun. It is a risk and a risk you will take if you really wanted to.

4. Befriend her. Sa pamamagitan nito, malalaman mo ang mga bagay bagay tungkol sa kanya. Maaari itong isang bagay na magbibigay ng dahilan para lalo mo siyang magustuhan o kaya naman bagay na magpapabago ng iyong balak na panliligaw. Kunyari nalaman mo na umuutot pala siya sa bibig o kaya naman parehas pala kayo ng nakatago sa inyong mga undergarments.

Though this approach will certainly take some time to do but as a saying goes, ‘slowly but surely’. Pwera na lang kung isa pala kayong childhood friends na nagkahiwalay noong bata pa kayo at ang tanging makakapagpakilala sa inyo sa isa’t isa kung magkita man kayo ay yung fairy tale book na ibinigay mo sa kanya noon pa, parang sa Encatadia.

Iwasan lang na mailagay ang iyong sarili sa isang lugar na hindi mo dapat mapuntahan. Ang lugar na ito ay mas kilala sa tawag na: FRIENDZONE.

5. Be friends with her friends. One of the factors for a girl to like you is how good you play along with her pals. A factor that you don’t really need to do but is a plus if you do so. Isipin mo kung ayaw sa iyo ng mga kaibigan ng nililigawan mo, edi magiging hadlang pa sila sa panliligaw mo. Pwera na lang siguro kung talagang masama ang ugali mo kaya ayaw nila sa iyo o kaya naman lalaki ang mga kaibigan niya na may gusto rin sa kanya.

Hindi naman talaga kailangan umabot sa puntong super friends ang peg mo. Kung magiging mag-jowa man kayo, magkaiba pa rin talaga ang mga ‘set of friends’ ninyo.

6. Sabi ng iba, corny na daw yung pagbibigay ng flowers at chocolate. Huwag kang maniwala sa mga ganun. Mga no girlfriend since birth yun. That tactic will never grow old. Huwag lang pampatay yung bibigay mong bulaklak kasi baka ikaw bigla ang gumamit nun. Sa chocolate naman, kahit Chocnut pwede. Kasi napanood ko sa TV yun ang ginamit ng isang reporter ng isang malaking station para ligawan ang sa huli ay naging asawa niyang isa rin reporter. Pero dahil na rin sa mabilis na pagbabago ng panahon at sa hirap na rin ng buhay, merong bagong regalo ang mga manliligaw na patok ngayon. Subukan mo din, magregalo ng BIGAS. May regalo ka na, mapapatunayan mo pa na kaya mo siyang buhayin.

7. Small things are big. Yung mga maliliit na pabor para dun sa sinusuyo mo ay nakakapagdulot ng mas hindi makakalimutang karanasan. Love notes, sweet nothings, assignment o project niya sa school anything that shows you care for her.

8. Know your limits pagdating sa physical connection. Meaning, huwag mag-take advantage. Alamin kung nasaan ag lugar mo sa kanya. Baka naman bago mo pa lang nililigawan e hinalikan mo na, malamang maga-gangbang ka na parang yung ginawa kay Mon Tulfo nila Claudine at Raymart.

9. Huwag mag-assume na may gusto na siya sa iyo. Pwedeng tama ka o pwede namang nagpapaka-polite lang siya. May mga tipo kasi na hindi sasabihin sa iyo ng harap harapan na mukha kang pinaghalong si Alien at si Predator. Nasambit lang niya ang pangalan mo feeling mo na e iniisip ka na rin niya. Darating din at malalaman mo din ang sagot sa tanong mo. Kung hindi ka makapaghintay, tanungin mo siya.

10. Ang pinakamadali daw na gampanang karakter ay walang iba kundi ang sarili mo. Sa panliligaw dapat ganun din ang tandaan mo. Be you. Huwag umastang parang mayaman at may ibubuga kung ang totoo ay hindi naman. Huwag magkwento ng mga bagay bagay na hindi totoo tungkol sa iyo. Sa bandang huli ikaw din e mahuhuli sa mga pinagsasabi mo. Minsan naa-appreciate pa ng mga babae yung sincerity ng isang lalaki.

11. Kung nasa dating stage na kayo, isipin lamang na ang bawat date ninyo ay isang job interview. Oo job interview at isipin mo kailangan mo ng trabaho. Una, bago ka pa man tumuntong sa pila ng mga aspiring job applicants e nag-background check ka na sa kumpanyang papasukan mo. Ganun din yun sa babae. The more things you know prior to your meeting means how much you are interested with her.

Pangalawa, isa sa pinaka-importanteng tip bago ang isang job interview ay yung: eye contact. Ika nga sa kasabihan, the eyes are the windows to the soul. Makipag-usap sa pamamagitan ng mata (huwag lang yung manyak na tingin). Kapag nag-uusap kayo, huwag tumingin sa kung saan saan na parang nakikipag-usap ka sa hangin. Kapag ginawa mo yun, mararamdaman ng babae na hindi ka interesado sa kanya. Lalo pa kung sa relo ka tingin ng tingin. Umuwi ka na lang.

Panghuli, smile and be confident. Sa tingin ko ok lang maging mahiyain. Pero huwag yung tipong sobrang hiya na para ka ng punong tumubo sa kinauupuan mo. Ngitian mo siya tapos kapag nag-smile back, alam na.

12. Madalas, hindi naman sa gandang lalake nadadala ang lahat. Malakas din ang tama sa mga babae ng isang lalakeng may sense of humor. Yung pagiging machupapa, pwedeng lumipas yan. Pero yung taong masarap kasama, yan yung hindi ma-resist ng mga babae.

Pero siyempre, hindi dapat puro tawa lang ang meron. Dapat sensible ka rin na kausap. Yung may laman. Hindi puro hangin ang nasa utak mo. Mag-seryoso kung seryoso ang banat.

13. Know her favorites. Kung pagkain, iluto mo o bilhin mo para sa kanya. Kung mura, go. Kung mahal, saka na lang.

14. Tell her how you feel. Hindi yung naghuhulaan kayo. Malay mo pang-friendzone pala yung meron kayo. Rejection is always a possibility pero mas ok na rin yun kesa sa umaasa sa wala. At least wala ka pang nagagastos. Madaling i-forfeit dahil wala pang investment. Lol.

May mga notes pa ako pero hindi ko na alam kung anong ibig sabihin dahil sa sobrang tagal na nga ng post na ito. Anyways, good luck sa inyong heart hunting at kung meron na, happy hearts day na lang. Kung nawawalan ka na ng pag-asa, kumuha ng inspirasyon sa larawan sa ibaba.

Nadampot sa Facebook.

Nadampot sa Facebook.

I love you sa pinakamamahal kong asawa na si Jonalyn <3.

Advertisements

47 thoughts on “Post – Valentines Post: Cheezy Panliligaw Tips

  1. hahaha, ang ganda ng post… πŸ™‚ hello, cheese. meron din kaming kakilalang couple (bale, kaibigan namin ang guy) – kayganda ng girl tapos kahawig ng guy sa itaas si boy, hihi. ang sama ko yata… tisay pa at cono si girl. infairness, mabait at taga-UP naman si guy. pero UP rin grad si girl, e. oh, well… alinman sa matinik si guy or kokonti na ang lalaking available, hakhak. whatever… πŸ˜‰ happy valentines sa inyong mag-asawa. πŸ™‚

  2. Ang dami kong tawa, matagal bago ako naka recover sa ‘kolzenner’ whahaha! Tpos laftrip ung BIGAS parang all of a sudden gusto kong manligaw, anung reaksyon kaya ng pagbbgyan mu nun at pamilya nya, lagyan ko pa ng sardinas at noodles edi parang rasyon lang hahaha!
    Tapos agree ako sa #3 pag ganya agad cnbi sakin automatik tapos ang karir mo – kras man kita o hindi haha
    Pero gusto ko lahat. Tama to. Gusto kita bigla kuya haha! πŸ˜€
    Relate ako dun sa piktyur hahaha

  3. AYOS TO! saktong sakto lang dahil magsisimula narin akong mangligaw πŸ™‚ hindi ko lang alam kung epektib ba yung bigas .. matanong lang sana kung ilang kilo ang minimum na pwedeng ibigay? medyo gipit kase kame eh. xD

  4. Pingback: BI: Bad Ixample (A FEB-IBIG Post) | Say Cheese!

  5. Pingback: May Pagtingin Ako sa mga Lalake | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s