Health and Fitness

Fitness Friday #1

Week 1: 194 pounds

170 pounds lang ako nung nagpupunta pa kami sa gym. Initial weigh-in lang yang 194 pounds nung Monday at chine-check ko sya everyday pero hindi pa ganun ka-significant yung loss para sabihin agad dito. Mga 0.00001 pound lang kasi e.

Ito na ito mga bes. Nagsimula na ako ng pag-aayos ng buhay. Nami-miss ko na yung buhay na malakas at masigla. Yung hindi ka hihingalin o mangangatog yung tuhod mo paakyat ng MRT Shaw Boulevard Station. Been wanting to do this matagal na pero ito kailangan lang i-push ang sarili, impose self-discipline at kumuha ng support.

See: Ang Mga Kaalaman Tungkol sa Pagbubuhat sa Gym

Well, yung information naman paano gawin e andyan lang. Sa dami ng information about fitness, diet at excercising; maguguluhan ka na kung ano ang susundin. Ang talaga lang naman na kulang e yung mismong action to do it. Kumbaga, andyan na, gagawin mo na lang. Push na lang sa sarili. Kailangan lang din na may goals para hindi mawala sa focus (see below).

Leonidas

Dun naman sa part ng self-discipline, minsan kasi, hanggang sa simula lang tayo. By imposing discipline, hopefully matulungan ka na i-maintain yung routine. Yung pigilan mo yung sarili mo sa temptation. Good luck sa akin may okasyon sa weekend. Okasyon means kainan. Lol.

Part din para masustain e yung pagkuha mo ng support para magtuloy-tuloy. For me, syempre walang iba kundi si Jonalyn. Also, by posting this to social media, dapat mas ma-push ka dahil somebody is watching. Haha. Magkakaroon ka ng unconscious awareness na kailangan mo itong panagutan.

Wala na lang munang details ng routines. Ito na lang muna sa baba. Imagine nyo na lang may ginagawa ako tuwing traffic sa EDSA.

Boredom Busters sa EDSA

Advertisements

One thought on “Fitness Friday #1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s