Pampagising

Asia Carrera

The Ventures Kapag inaantok ako, madalas na takbuhan ko ay hindi kape. Bawal kasi ‘yata’ sa akin ang caffeine. Kaya kahit paminsan minsan umiinom pa rin ako mga average of 2 cups per month. Isa pa, kapag umiinom ako ng … Continue reading

Im Only Human…

Ilan beses ng nasasagad ang pasensya ko pero sa huli pinapatawad pa rin kita ,tinatanong ko nga sarili ko bat nga ba ako ganito? Bat ko hinahayaan na tratuhin mo ng ganito?. Lahat ng pagpapasensya pag-iintindi binigay ko na for almost 9 years nagtiis ako andyan yun bumili ka ng luho mo, umuwi ng late, mambabae pero sa huli tinanggap ko kasi akala ko kaya mong magbago. Umasa ako na nagbakasakali na may maiba. Tiniis ko lahat kahit mapabayaan ko na sarili ko tumaba ako nalosyang ultimo nanay ko nagagalit kasi bat pinapabayaan ko sarili dahil sayo. Hanggang sa naging routine mo yan magdota umuwi ng kung anong oras mo gusto, ako naman nag aantay nag aalala bat late ka na dumadating. Ilang beses na natin pinag aawayan ito pinipilit kong pagbigyan ka  sa abot ng makakaya ko, ilan bese kang nagpromise sa akin ilan beses din di natupad katulad ngayon linaw ng usapan natin kanina bago ka pumasok “uuwi ako ng maaga mga 10 pm nasa bahay na ko nood tayo ng insidious”.  Wag kang mangako kung di mo kayang tuparin nakakadisappoint lang kasi umaasa ako, ikunulong mo ko sa 4 na pader ng bahay palagay mo yun 15 hours na gising ako nagluluto naglilinis sino bang nakakausap ko dito. Alam mo ba yun pakiramdam ng ganon wala kang makausap. Siguro nga naboboring ka na sa akin kasi di na tulad dati kasakasama mo ko sa dota etc… Pasensya ka na simula nun nagsama tayo Priority ko na ang pamilya ko. Pero tama bang iparamdam mo sa akin ito? Tama bang balewalain mo ko? Bat ka pa nagpropose? Ano nga ba kami sa buhay mo, palamuti lang ba kami.

Alam mo bang napapagod na din ako sayo, nagsisimula na din akong magsawa, nagsisimula na din akong makaramdam ng galit. Lagi mong sinasabi ikaw na lang natitira sa akin,pero bat pakiramdam ko para lang akong aso nag aantay sa amo eto na ba yun sinasabi mong “mahal na mahal kita. Napapaisip ako minsan baka may ibang babae na naman involved. Baka naman pwede mahiya ka naman sa akin lalo na sa nanay ko kahit konting respeto man lang. Gusto kong umiyak ng umiyak  pero pinipigilan ko dahil na rin sa mga bata and wala naman magpapatahan sa akin at mamumukha lang akong kawawa. Mabuti ka pa nga nakakatulog ng mahimbing , gusto ko tuloy pagsisihan lahat as  in lahat lahat. Para kong namamalimos ng kakarampot na oras mo. Sana dumating yun oras na ako naman ang mambalewala sayo ikaw naman ang humingi ng oras ko para maramdaman mo kung gano kasaya yan ginagawa mo sa amin. Alam mong may sakit yun anak mo inaantay ka kasi gusto nya sabay kayo magdinner. Ganyan ka magmahal ng pamilya kahit siguro may madeads sa amin late ka pa rin uuwi, siguro nga meron na naman iba….. itaga mo sa bato yun sinabi ko kanina. HINDING HINDI MAPAPALITAN ANG APELYIDO KO. Ikaw ang nagturo sa akin para maging ganito di na ko makikipag usap ni maglambing dumating na sana yun oras na kaya ko ng wala ka… Pag nakahanap ako ng trabaho sisiguruhin ko sayo ibabalik ko lahat ng ginawa mo sa amin mag iina. Alam mo bang mas masahol ka pa sa tatay ko pero kahit babaero sya never nya ko sinaktan yun mga nananakit sa akin ang gusto nyang balikan ganyan ako kamahal ng tatay ko….Thank you dahil natauhan na ko ayoko ko ng maging ganito na lang habang buhay. Mahirap talagang ipilit ang sarili sa isang taong iba ang mahal ….

Kagat ng Langgam *Updated*

Parang kagat lang yan ng langgam.

Kahapon nang umaga, maaga kaming umalis ni Jonalyn. Pumunta kasi kami sa isang center na ni-refer sa amin ng isa naming kaibigan. Paano kasi, nakagat ni Bubbles si Jonalyn last Saturday. Sadly, hindi pa namin napapaturukan si Bubbles. Ayun kaya … Continue reading

Why I Didn’t Englishing

Salamat pala kay “Grace” (hindi niya tunay na pangalan at inassume ko lang, hindi ko kasi nabasa sa ‘bahay’ niya o talaga lang wala doon; anyways the doors are always open to correct this up lol) sa pag-special mention sa blog niya dun sa post niya tungkol sa isang pagsilip sa buhay ng kanyang asawa. Buti na lang at nakita ko, kasi hindi nagkaroon ng ‘pingback’ at may mga panahong hindi naman talaga ako nagbubukas ng site na ito. Magiiwan na lang sana ako ng isang maikling comment sa post mo pero dahil na rin sa opening remarks mo e nagkaroon ng inspirasyon ang post ko naman na ito. Well, this is it.

Hindi ko talaga maalala kung bakit ako nagcreate ng account dito sa WordPress. Kung ano ang dahilan o ideya sa likod nito. Siguro dati pa, palagi akong nage-express ng thoughts through writing pero hindi ko maka-categorize yung sarili ko bilang isang ‘writer’. Hindi ko ugaling magbura ng mga bagay bagay dito kaya hindi ko kayo ine-encourage na balikan yung mga posts ko nung mga early stage ng blog na ito. Puro repost kasi at walang kwenta. Hahaha.

Nagsimula akong magsulat noon gamit ang Ingles, which I know I am comfortable enough with. It just came to time that I earned some friends who expresses their words in Filipino, kaya Filipino na rin ang ginamit ko.

1. Alam ko naman kasi na hindi ako magaling magsulat ng English. Kaya naman pero kung magle-level up sa next level and everything, magmumukha lang trying hard at pretentious. Kaya kung gusto kong gumamit ng mga salitang kasing lalim ni Adele, kailangan ko pa ng dictionary online dictionary.

2. Hindi na ako active sa pagbabasa ng kung anu-anong mga English Novels. Kasi nga daw, kung gusto mong gumaling magsulat, dapat basa basa din kapag may time.

3. Hindi masyadong fan ang mga Pinoy sa mga Late Night Talk Shows na meron sa America katulad nung kay David Letterman, Jay Leno, Jimmy Fallon, Jimmy Kimmel at madami pang iba. Kung ang manonood nito ay isang ‘Kano, malamang tawa na ito ng tawa. Sa mga Pinoy, hindi natatawa kasi siguro hindi masyadong nagets yung joke. Kaya rin siguro halos madaling araw na din yung show ni Master Showman at Jojo Alejar. So anong Kinect? Mahirap magdeliver ng Pinoy na punchline kung English ang gamit mo. #Boompanes. #Broomwales.

4. Marami ang pa-kontes noon ng mga bloggers na ang kailangang lengwahe e sa Filipino katulad nung kay J. Kulisap at sa Saranggola Blog Awards.

5. Hindi ako nagpa-follow ng mga non-Pinoy blogs. Bukod sa kulang din sa oras mag-bloghop, it will be another jungle. Pardon na lang din dun sa mga Blog Owners kung saan minsan ay nagko-comment ako ng Filipino kahit English yung post.

6. Nagsusulat pa rin naman ako ng English posts kung ang intentional audience ko ay hindi lang Pinoys. Kadalasan kapag gaming yung tema. Gusto ko nga i-translate din yung post ko tungkol sa Seizures pero wala lang akong oras at burning desire. Siguro, I think na tayo lang namang mga Pinoy ang mangmang sa ganitong klase ng impormasyon. Sa ibang bansa e, in-embrace na nila yung idea na may mga taong ganito. Pag dito sa atin, sasabihin na engkanto lang yan.

7. Tumigil na yung utak ko sa number 6. Kaya KTNXBYE. Lol.